Rome... Mula ng umattend siya at si Jen sa auction na iyon nag-iba na ang takbo ng buhay nilang mag-asawa. Naging mailap na sa kanya si Jen, may mga lugar na pinupuntahan si Jen na hindi niya alam kung saan. Kapag tinatanong naman niya ito hindi siya sinasagot nito at iibahin na nito ang usapan nila. Napansin din niyang parang pinaglalapit siya at si Kc ng asawa niya. Si Kc ang batang nabili nila noon sa auction. Palaging si Kc ang pinaghahanda ni Jen ng mga gamit niya o kaya naman ng kakainin niya na dati ni Jen ang gumagawa. "Sir, ito na po ang gamit niyo"iniabot sa kanya ni Kc ang attaché case niya. Gaya ngayon araw ang aga-aga wala na ang asawa niya sa bahay nila. Nag-aalala na siya malaki na kasi ang tyan ng asawa niya eight months na itong buntis pero hindi pa na pirmis ang asawa