CHAPTER 6

1159 Words
Hindi mapigilan ni Jannaya ang mamangha sa Mansion ni Rayden. It’s a luxurious house. Automatic nagbukas ang gate nang tumapat ang sasakyan nito. Nang makapasok ang sasakyan ay nag-drive pang muli paloob bago pa nila narating ang cannopy. Pinagbuksan sila ng driver ng pinto ng sasakyan at nang makababa si Rayden ay agad niya itong sinundan papasok ng Mansion. Pinagmasdan niya ang kabuuan, lavish interiors inspired by international architectures, trending décor styles together made the house distinct. Duplex house with spacious rooms, open-viewing areas, balcony, lawn and more. This is not the house that she knew. Nakarating na rin kasi siya sa isang bahay ni Rayden. Ang akala niya ay doon lamang sila maninirahan. This house is new. Nakita niya kanina ang road sign na STA. FE. Sta. Fe is a province and Rayden’s hometown. Jannaya remembers seeing mountains and a lot of trees but couldn’t remember seeing any tall buildings, this place is truly remote. Huminto si Rayden nang makarating sa loob. “You’re not allowed to sleep in any rooms upstairs ..." Tumalikod ito. “..Nanay Goreng!” Mayroon lumapit na isang matandang babae. “Oh, narito ka na pala.” Napatingin ang matanda sa kanyang gawi na para bang nagtataka kung sino siya. “Manang, bago n'yong makakasama 'yang babae na 'yan.” The way he called her ‘babae' hurt her. After All they did. “She’ll sleep in the maids’ room. Ikaw na ang bahala sa kanya. Isa pa, gusto ko na siya ang magluluto ng aking mga pagkain. Siya na din ang paglilinisin mo ng aking kwarto at paglalabahin ng mga gamit ko." He turned around and faced her. “No washing machine for her, I want her to do it using her bare hands.” Tumingin pa ito sa kanyang kamay na para bang nanunuya. 'Yun lamang at umakyat na ito sa itaas. Para itong hari na umaakyat sa kanyang trono. Agad naman siyang ginaya ng matanda sa kanyang magiging kwarto at sinunod ng driver ang kanyang mga gamit. “Solo mo ang silid na ito. Kami na lamang ang magsasama ni Leticia sa isang kwarto,” mahinahong paliwanag ng matanda at agad kumuha ng bagong sheets. “Naku manang, ayos lang naman po sa akin kung mayroon akong kasama sa kwarto. Kayo nalang po rito para maka-pagpahinga kayo nang maayos.” Tumigil ang matanda sa akmang pagpapalit ng sapin sa kama at siya’y pinagmasdan. “Hindi ka bagay na isang katulong. Alam kong hindi ito ang nakasanayan mong trabaho. Hayaan mong mag-isa ka rito. Hindi rin naman ako papayag na hindi ka makatulog dahil sa hilik ni Leticia. Ako ay sanay na.” At tuluyan na nitong pinalitan ang sapin at mga punda. Akma sana niya itong tutulungan, ngunit tinapik lamang ng matanda ang kanyang kamay. “Ayokong magtanong dahil wala naman akong karapatan, ngunit alam ko na kung ano man ang mayroon kayo ni Rayden ay hindi 'yun normal...” Nang matapos ito sa ginawa ay naupo ito sa kama. “...Ikaw ang kaibigan ni Eunice, hindi ba?” Nagulat siya nang bahagya sa tanong nito. Kilala siya? “Opo ako nga.” “Nakikita na kita noon sa isang bahay ni Rayden. Kasama ka lagi ni Eunice. Hindi mo lang siguro ako napapansin at madalas akong nasa kusina lang, at pag lumalabas ako ay wala ka na rin naman.” Jannaya sat down beside Manang Goreng. “Na kidnap po si Eunice, at ako ang pinagbibintangan ni, Sir Rayden.” Tumungo siya upang hindi makita ng matanda ang kanyang kalungkutan. Ipinatong nito ang isang kamay sa kanyang kaliwang kamay. Kaya naman tinignan niya ito sa mata. Kitang-kita ang awa nito sa kanya. “Pagtiisan mo na muna ang bata na 'yan. Isang araw ay pagsisihan niya ang kanyang ginawa.” Tumayo na ito at binuksan na ang pinto upang lumabas. Muli itong lumingon sa kanya. “Kung sana, hindi kita kilala, masasabi ko pang wala nang pag-asa na kayo'y magkaayos. Kung alam mo lang.” Ngumiti ito at tuluyang lumabas. She was left puzzled. Ano ang ibig sabihin nito na ‘kung alam mo lang?’ Ano ang alam nito na hindi niya alam? . . SHE cooked Rayden's food, Leticia said, kumakain daw ang boss ng 7 or 8 PM kapag ito raw ay nasa bahay lang. At hindi nga ito nagkamali, bumaba ito upang kumain around that time. Nagluto siya ng kaldereta. Nakatayo lamang siya sa tabi nito na para bang isang alila na naghihintay mag-utos ang kanyang master. “I want you to wash my sheets and comforter.” At sumubo muli ng pagkain. “Sige po sir, bukas na bukas din po.” “I want it now! Dahil bukas ay maglilinis ka ng swimming pool at magkakaroon ako ng house warming the day after.” She looked at the wall clock na nakasabit sa may kusina. Kusina na mas Malaki pa sa kanilang 32 sqm na apartment. It's already 8 PM. “What?... Ayaw mo?” Ibinaba nito ang kubyertos, at matalim siyang tinignan. “No sir, I’ll do it po. Maaga pa naman.” Then she smiled. Pinaglagay pa niya ito ng tubig sa baso. Matapos itong kumain, ay agad ding umakyat sa sarili nitong silid. Hinugasan niya muna ang mga nagamit sa kusina. Aakyat na sana siya sa itaas upang kunin ang mga pinalalaba nito, nang makasalubong niya si Leticia na bitbit na ang kanyang labahin. “Ilagay ko na ito sa laundry room uh, ikaw na ang bahala. Sabi ni sir, kamay daw gamitin mo.” Dere diretso itong tumungo sa labahan. Sumunod na lamang si Jannaya kay Leticia. “Naku masisira ang mga kamay mo, ang lambot at ganda pa naman..." “...Gusto man kita tulungan, binilinan ako ni sir na huwag daw, at tatanggalin niya ako kapag ginawa ko 'yun.” Pagpapatuloy nito. “Huwag kang mag-alala, 'no! kayang-kaya ko na ito.” It was 2 AM when she finished it all. Two king sized sheets, four bulky pillow case and two king sized comforters. She’s very happy when she saw it hanged. Now, she can eat her dinner. Wala pa siyang kain mula kagabi, inuna niya kasing labhan ang mga ito. Tinawag siya ni Nanay Goreng, upang sumabay sa kanilang kumain ngunit pinauna niya na ang mga ito. After niyang kumain ay naligo na rin siya upang mapakaghanda nang matulog. Ang silid na binigay sa kanya ay mayroong sariling banyo. Kasalukuyan siyang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya ng mag-ring ang kanyang telepono. It’s her boss. 'Bakit gising pa ito? It’s almost three in the morning.' “Sir?” “You done?” “Yes, sir.” “Then come here, the third room at the second floor.” Napapikit si Jannaya sa lalim ng boses ng kanyang asawa. Ay BOSS pala! Nakakapanghina ang kanyang boses! “Okay, sir.” Sinuklay niya muna ang buhok bago lumabas ng silid at tumungo sa pangatlong kwarto na sinasabi nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD