“Saglit lang, Favien at babalikan ko si Sir Orzon!” gagad ko, ngunit lalong hinigpitan ni Favien ang kamay ko. “At ba’t mo babalikan ang professor na ‘yon, ha? Concern ka sa kanya?” asik nito. “Natural lang na concern ako dahil professor natin siya! At wala siyang kasalanan sa ‘yo pero init na init ang ulo mo sa kanya! Why? Dahil ba ipinagmamalaki mo na anak ka ng isang Zorola, ha! Mataba nga at maraming laman ang bulsa mo, Favien, pero wala namang laman ang utak mo at bastos ka pa sa bastos!” singhal ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga bisita rito dahil gusto kong iganti si Orzon. “Pvtang ina mo!” sigaw ni Favien na sasampalin sana ako, pero biglang sumulpot si Orzon at mabilis niyang hinawakan ang kamay ni favien at inundayan niya ito ng suntok, dahilan upang