7 months after Nagtatawanan kami sa sala ng may lumapit na katulong sa amin. "Kuya, uuwi na kami sa probinsya." aniko kay kuya Chie. "Ma'am Jia, may tao sa labas ng mansyon." bungad ng katulong sa amin. "Sino daw?" tanong ni ate Jia sa katulong namin napatingin pa siya sa asawa ko. "Hinahanap niya si sir Jeree, ma'am babae po." sambit ng katulong namin napatingin ang ate ko sa akin. Napatingin ako sa asawa ko na nagtataka rin sa itsura niya. "Chielle, umakyat ka muna sa itaas kami ang haharap sa babae." wika ni ate Jia sa akin nang tignan ako ng hipag ko. "Pero, ate—" putol ko nang hawakan ako sa kamay ni ate Jia. "Para sa safety mo, Chielle kapag may narinig ka kung ano man ilabas mo sa kabilang tenga mo." wika ni ate Jia sa akin napatingin pa ang asawa ko sa akin. "Ate—" tawag