Prologue and Chapter 1
Prologue
Sa panahong pang kasalukuyan.
Sa panahon na upgraded na ang mga gadget
Sa panahon na nagpapataasan ang mga business critiques ng ipinapatayong building.
Sa panahon ng Naglalabasan ang High technology na gamit.
Sa panahon ng Extra Judicial Killings.
Sa panahon na nagkakagulo ang senado sa mga issue ng kasalukuyang administrasyon.
Sa panahon na napabalitang nag-hiwalay si Angelina Jolie at Brad Pit.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya.
Sa panahon sa naglalabasan ang Flat screen TV at internet TV.
Sa panahong nagkalat ang mga mamahaling sasakyan.
Sa panahon kung kailan tumataas ang bilihin sa palengke.
Sa panahon na tumataas ang presyo ng bigas.
Sa panahon na tumataas na ang pamasahe sa pampublikong sasakyan at Gasolina.
Sa panahon na lalong sumisikip ang traffic sa edsa.
Sa panahon ng Samsung Galaxy Note 7.
Sa panahon ng iphone 6 at 7.
Sa panahon kung saan tayo nabubuhay ngayon. Sa panahon na ipinanganak tayo, maingay na kapaligiran na ang sumalubong sa atin.
Sa panahong ito, anong magiging reaksiyon mo kapag may nagpakilala sayong.
"I'm a wizard."
"I'm a witch."
"I'm a sorcerer."
"I'm an Emphant."
"I'm a mind reader."
"I'm a mind manipulator."
"I'm a levitator."
"I'm a time Controller."
"I'm an apprentice."
"I'm a guardian."
"I'm a Prince."
"I'm a Princess."
"I'm an Element User."
At kung ano-ano pa. Maniniwala ka ba? Iisipin mo bang nababaliw sila? Kasi ako!? Inisip ko na naka drugs lang sila.
Pero paano kung sinabi nila sayong---
"You're the long lost ......" (oops!) (princess ang nasa isip ng mga yan.. ibahin natin.)
Paniniwalaan mo ba sila?
I'm Shiori Inoue Almeda. Graduate of Travel and tourism. Twenty one. , restaurant manager sa Umaga at Band Vocalist sa Gabi. In short. Full time rakitera.
This is my awesome and Adventurous journey.
Chapter 1
SHIORI'S POV
Maaga pa lang ay bumangon na ko para pumasok sa Trabaho. Pagpasok ko ng Banyo ay mabilis na ligo nalang ang ginawa ko. Antok na antok pa talaga ako pero kailangan ko magmadali para hindi malate sa trabaho.
Mabilis akong bumaba ng hagadan habang nagsusuklay ng buhok. Dumiretso ako sa kusina pagkatapos kong ihagis ang bag ko sa sofa.
Paglapit ko sa ref ay inilabas ko agad ang Hotdog at Ham. Sinindihan ko na di agad ang kalan kahit hindi ko pa naipapatong ang kawali sa ibabaw nun. Psh. Wag ka ng magtaka. Ganun talaga ako kapag natataranta.
Saktong pagkatapos kong balatan ang Hotdog ay may narinig akong nag-door bell kaya tumakbo ako papunta sa sala at pinagbuksan ang kung sino man ang nag-door bell.
" Ohayo!!! " masayang bati niya habang itinataas pa ang dalawang supot sa magkabilang kamay.
"Ang aga aga Nandito ka na!? Ano na namang kailangan mong hapon ka?" kunwari ay pagtataray ko saka ko niluwagan ang pintuan para makapasok siya. "Isara mo ang pinto." utos ko ng makapasok siya.
"Dinalhan kita ng almusal dahil alam kong kulang na naman ang tulog mo at di ka gumising ng ganun ka-aga." sabi niya saka dumiretso sa kusina. Hinayaan ko lang siya at saka ako nag-ayos ng sarili ko.
"Drew! Wala ka bang pasok!?" sigaw ko habang naglalagay ng lipstick.
Mediyo maliit lang ang bahay ko kaya nagkakarinigan kami ni Drew. Ako lang mag-isa ang nakatira dito. Mula ng mamatay ang Magulang ko ay dito na ako mag-isang nanirahan. .
Ang totoo niyan ay ilang taon palang ako dito. Limang taon siguro. Ako lang mag-isa dahil sa aksidente five years ago , kasama ang mga magulang ko sa namatay sa pagpagbasak ng eroplano. Tapos lola ko nalang ang nag-alaga sa-kin. Pero nawala na din siya nitong nakaraang taon lang.
"Wala! Day off ko!" sagot niya. "Halika na! Kumain ka muna! Malelate ka na!" mabilis kong iniligpit ang make-up ko at isinilid sa bag ko.
Pumunta na ako sa kusina at sakto namang nakahain na ang hotdog, ham at yung binili niya galing sa fast food restaurant.
"Day off mo? Kaya dito ka na naman tatambay!?" pagsusungit ko sa kanya at ngumiti lang siya habang nagtataas-baba ang dalawang kilay. Napa-iling nalang ako.
"Huwag kang mag-alala. Babantayan ko ang bahay mo." mayabang niyang sabi.
"Walang paa ang bahay ko. Hindi aalis yan." biro ko pero nag make-face lang siya.
Ganto talaga kami mag_usap at mag-asaran. Pero solid naman ang samahan. Siya si Drew Gibson. Three years ko na siyang Best friend. Wala akong masiyadong alam sa buhay niya. Alam ko lang ay, nag-iisa siyang anak at may kaya ang pamilya nila. Tulad ko, graduate din siya ng Tourism. Classmates kami before. Kung hindi lang nga namin sinasabi na mag-bestfriend kami ay napagkamalan na kaming magboyfriend/girlfriend ng mga kakilala namin.
Madalas niya akong tulungan dito sa bahay dahil ako na nga lang mag-isa sa buhay. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho as a marketing assistant.
Pareho kasi kaming naka-tengga sa pagiging Flight attendant. Kaya Raket raket muna.
Mabilis kong tinapos ang kinakain ko at saka dinala sa lababo ang pinggan.
"Pumasok ka na. Ako na diya," pagkasabi niya nun ay nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. Tuloy tuloy lang siya sa pagkain.
"Salamat bestfriend." sabi ko saka ngumiti.
"Oo na. Umalis ka na. Bestfriend bestfriend. Pwe!" pag-susungit niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nag-peace sign lang siya. "Alis na. Pagbalik mo sunog na tong bahay mo."
"Letche! Geh! Alis na ko. Ikaw ng bahala dito." sabi ko lang at saka mabilis na lumabas ng bahay.
Pumara agad ako ng Jeep. Sakto naman na hindi gaanong puno kaya sumakay agad ako.
"Bayad po." sabi ko sabay abot ng bayad. Agad namang ini-abot ng nasa unahan ko ang bayad ko.
Sumandal ako habang kinakalikot ko ang cellphone ko. Maya-maya pa ay may pumara. Bumababa yung nasa tabi ko sa may bandang dulo kaya umusog ako at ako na ang nasa dulo ng jeep. Kaharap ko yung isang babae na mukhang di nalalayo ang edad sa akin at isang binata sa tabi niya.
Mukhang mag-jowa kaya di ko na lang pinansin at naghanap na lang ako ng laro sa phone ko. Busy ako kakalaro ng Temple run ng maramdaman kong parang may nakatitig sa'kin. Huminto ang jeep dahilan para makita kong sobrang traffic at lahat ng sasakyan ay nakahinto.
Nainis ako ng kaunti dahil siguradong male-late na naman ako nito. Tinignan ko ang relo ko. 6:45am na. Fifteen minutes nalang at late na ako.
Tinignan ko ang dalawang naka-upo sa harap ko. Nakatitig sila sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Miss. What time is it?" tanong nung gwapong katabi ni Ate.
Tinignan ko ang mga katabi ko at ibang pasahero. Pero nakatalikod sakin yung katabi ko at nakayuko naman kanina pa yung nasa unahan.
"Ahh, 6:45." nakangiting sagot ko.
"Ah thanks." tinanguan ko lang sila at saka ngumiti. Ibinalik ko ang atensiyon ko sa phone ko. Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi parin umuusad ang mga sasakyan.
Hindi ako mapakali na sumilip silip sa bintana ng jeep.
Napabuntong hininga ako sa inis at saka sumandal ulit.
"Miss Anong Oras na?"
Wala bang relo itong dalawang to?
"Ahhhmm." ngumiti ako at tumingin ulit sa wrist watch ko.napakunot noo ako ng mapansin kong 6:45 parin ang nasa orasan.
What the!? Sira na ba ang orasan ko
"Miss?" natauhan ako ng marinig ko ulit ang tinig na yun ng babae.
"A-ahm wait." tinignan ko rin ang oras sa phone ko.
Sira din ba ang phone ko?
Napangiti ako ng alanganin ng mag-angat ako ng tingin. Halatang hinihintay nila ang sagot ko.
Eh anong isasagot ko!? Baka mapahiya ako. Kanina pa 6:45.
Nagulat ako ng lumipat sa tabi ko yung babae at sinilip ang wrist watch ko at sa cellphone ko. Hindi naman ako agad na nakapag-react.
"Ahh Sorry Miss. Tagal mo kasi sumagot. Hehe thanks." sabi niya. Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin nung tumayo siya at may ibinulong sa kasama niyang lalaki.
Nanlaki yung mata nung guy tapos siya naman ay may ibinulong dun sa babae. Hanggang sa nagbulungan nga sila. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pag-andar ng jeep. Hindi ko pinansin ang pagtakbo nito at napako lang ang paningin ko sa kanilang dalawa.
They're acting strange.
"Para po!" nagulat ako ng biglang may pumara.
Hindi ko alam kung bakit pero parang nagulat talaga ako at dun ko lang narinig ang ingay ng mga sasakyan. Parang ngayon ko lang ulit narinig ang mga busina at ang iba't ibang ingay sa paligid. Bakit parang kanina ay hindi ko ito napansin.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nanlaki ang mata ko ng makita sa bintana ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
Parang kanina lang malayo pa ako at sobrang traffic ah. Tsk. Napailing iling ako. Parang hindi ako kumportable. Lutang ang utak ko ah.
Bumaba na rin ako. Maya-maya pa ay bumaba din yung dalawang nakasabay ko sa jeep na nagtanong ng oras. Pagbaba nila ay naglakad na sila papasok ng mataas at magarang codominium building na malapit lang sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Puro building at elite restaurants ang nasa paligid kaya inisip ko mukhang mayaman ang dalawang yun. Maayos manamit eh. O baka dito rin nagtatrabaho.
Nag-jeep eh.
Nagsawalang bahala nalang ako at saka naglakad papasok sa restaurant na pinapasukan ko. Pagpasok ko palang ay nakasalubong ko na si April na nagaayos ng uniporme at kalalabas lang ng locker room.
Mukhang kadarating lang ng isang to.
"Uy! Himala medyo maaga ka Shiori! Haha! Ligtas ka sa Sermon ni Boss." nakangiti niya bati sa'kin.
Tss. Hindi nakakatuwa. Ipamukha ba namang lagi akong late.
"Uhm." tinanguan ko lang siya. Walang ngiti ngiti at saka pumasok ako sa locker room para magbihis.
Mabilis akong nagpalit ng damit. habang nagbibihis ay di ko pa rin talaga maiwasang isipin ang nangyari kanina. Nakakahiya. Para akong tanga kanina. Tsk. Sira ba talaga ang relo ko?
Napatingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng mg lockers.
Hell no! 6:45!? Seriously?
Napanganga ako at saka sinundan ng tingin ang kamay ng orasan sa bawat pag patak ng segundo at minuto.
6:46
6:47
6:48
"Shiori! Nak namputcha! Kanina pa kita tinatawag." napatalon ako sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan ko naman ng tingiN si Jayvee. "Taena! Ano bang meron sa Orasan at titig na titig ka diyan? Kasing gwapo ko ba yan?" napairap nalang ako at saka kinuha yung scarf ko at nilagpasan siya.
Kupal ka talaga.
Paglabas ko ay nandun na si boss =_= at nakapila na ang mga kasama ko. Nagtama ang paningin namin at gulat na sinundan niya ako ng tingin ng pumwesto ako sa unahan ng pila.
Inirapan ko siya ng hindi niya inalis ang tingin niya sa akin.
"Ahem! himala maaga ng kinse minutos ang Magaling.". . Tinignan ko siya ng masama at tinaasan ng kilay. "Any greetings Shiori?" sarkastiko niyang tanong.
Ang arte! Bwisit!
"Good morning sir." pang-asar kong bati.
"Goodmorning!? Hoy Shiori. Tanghali na para sayo. Dapat maaga ka ng isang oras kumpara sa kanila. Baka nakakalimutan mong manager ka dito!? Aba pasalamat ka napromote ka." sermon niya sakin.
"Sir may--"
"Shut up! Sinabi ko bang magdahilan ka!?" nagmake-face nalang ako at inirapan siya.
Kung magsalita akala mo hari ang lintek. Aba! Sino ba nagsabing gawin niya akong manager!?
"Aba! Ako nga eh 6am palang nandito na ah." sumbat niya.
"Eh di ikaw na maaga." bulong ko. Siniko naman ako ni april ng mapatingin sa gawi ko ulit si Hitler.
"Anong sabi mo!?" sigaw niya habang nakaturo sa'kin.
"Ang sabi ko ho sir." diniinan ko ang pagkakasabi ng ho para mas lalo siyang mainis. "Eh di kayo na ho ang maaga."
"Aba't!" lalapit na sana siya sa kin at susugurin ako ng taasan ko ulit siya ng kilay.
Napahawak siya sa sentido niya sa sobrang kunsumisyon. Napangiti ako ng mapakla.
Sinabi na kasing ayoko ko maging manager dahil di ko kayang pumasok ng mas maaga eh. Eh di manigas ka sa kunsumisyon. Alam mo namang kasing may raket ako sa gabi.
Hindi niya na ulit ako pinansin at nagpatuloy siya sa pagbibigay ng mga bagong patakaran niya. Hanggang sa matapos siyang magsalita at pinabalik na sa mga kanya kanyang gawaing ang mga kasama ko.
Ako naman ay tinalikuran na siya at pumunta na ako sa opisina ko at nagsimulang magtrabaho. Pagpasok ko palang ay inis na inis na umupo ako at binuksan ag laptop ko.
Hindi ko alam pero bwisit na bwisit ako sa boss ko na yan. Yung pagmumukha niya. Oo sabihin na nating saksakan ng gwapo at maraming naghahabol na babae diyan. Pero yung ugali!? Aba kung hindi lang masama eh ipina-salvage ko na yan. Takot ko lang sa diyos eh. Tapos yung boses niya. Marinig ko lang talaga bwisit na bwisit ako. Ewan ko! Tsk. Siguro dahil magkaedad kami at magkapantay ang toyo namin kaya hindi kami magkasundo. Sa edad niyang yan ay napagtayo siya ng negosyo. Mayaman naman kasi.
Siguro kung nabubuhay pa ang mga magulang ko eh nakapagtayo din ako ng sariling negosyo. O di kaya ay nagtuloy tuloy ako maging flight attendant at magtravel around the world. Si daddy kasi, madalas mag travel dahil sa business at si mommy ang nag-aasikaso sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako at saka ko sinave yung report ko sa buwan na to. Sinimulan ko na ding i-print. Pagkatapos kong gawin yun ay inisa-isa ko naman ang mga trabahong naiwan ng dating manager.
Natigilan ako sandali ng may walang modong lalaki ang biglang nagbalibag ng pinto at dire-diretsong pumasok.
"Shiori." napairap na naman ako ng marinig ko ang boses ng hinayupak kong boss.
Bastos! Hindi marunong kumatok.
"Ano?" tanong ko ng hindi siya nililingon.
Ang tagal ng printer! Bilis! Nang lumabas na tong isang to.
"Bastos ka talaga pagdating sa'kin noh?" nginitian ko siya para lalong mapikon. "Oh asan na ang report mo? Noong isang araw ko hi--" napatigil siya sa pagsasalita nung itapat ko sa sa mukha niya ang mga papel na kalalabas lang mula sa printer. "Aba't hindi mo ba kayang i-abot ng maayos!?"
"Kunin mo nalang. Ang dami mong sinasabi, nangangawit na ko." walang gana kong sabi. Malakas na hinablot niya mula sa kamay ko.
"Shiori Inoue Almeda. Kailan mo ba ako itatrato ng maayos bilang boss mo?" natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. napapansin pala niya na sinusungitan ko siya eh bakit hindi niya pa ako magawang sisantehin. Ilang beseS ko na siyang sinasagot sagot sa harap ng mga empleyado niya at sa kanya lang ako hindi mabait. Pero ni hindi niya man lang naisip na tanggalin ako sa trabaho.
"Ewan ko. Hindi ko alam." kibit balikat na sagot ko. "Alam mong ayoko sa mabibigat na trabaho. Pero inilagay mo ako dito sa ganitong posisyon. May trabaho pa ako sa gabi."
"Tsk. Kung tataasan ko ba ang sweldo mo ay bibitawan mo ang trabaho mo sa gabi?" natigilan ako sa sinabi niya at saka dahan dahan ko siyang tiningala.
Bakas ang pagkaseryoso sa mukha niya.
"Sigurado ka!?" di makapaniwala kong tanong. Tinaasan niya lang ako ng kilaya na para bang ipinapahiwatig na " do I look like joking?" "magkano?"
"Fifty percent of your salary." taas noo niyang sabi. Naningkit ang mga singkit kong mata. "Take it or leave it?"
"Can I ask you something Russel?" tumingin sya sa itaas ng hindi ginagalaw ang ulo patingala. Tila ba nag-isip ang mokong. Tapos tumango. "Bakit mo ginagawa to? I mean-- anong mapapala mo kung maaga akong papasok at pasuswelduhan ako ng malaki, eh kung tutuusin dapat tanggalin mo nalang ako sa trabaho dahil lagi kitang inaaway. Sige nga, anong mapapala mo?"
"H-ha?! A-anong sinasabi mo diyan?" umiwas siya ng tingin kaya sinuri kong mabuti ang bawat kunot ng noo niya at ang pangangatal ng kalamnan niya.
May tinatago to.
Sa apat na taong kakilala ko to at sa dalawang taon ng pag-tatrabaho ko sa kanya eh di ko man lang kung bakit ganito ang pakikitungo nito sakin.
Kahit pa noong college kami. Mag-kaiba kami ng course pero lagi niya akong inaalok ng tulong kahit di ko kailangan. Yun lang mainitin ang ulo niya, pikon, at laging nakasigaw.
"Naawa lang ako sayo. Dukha ka pa naman sa ngayon. Baka nakakalimutan mong sa 22nd birthday mo pa makukuha ang kayaman na iniwan sayo ng parents mo.?" totoo ang sinabi niya. Sa 22nd birthday ko pa lang maililipat sa pangalan ko ang lahat.
"Kaya ko maghintay ng anim na buwan pa russel. At isa pa, kapag nakuha ko na yun ay wala na ako dito sa restau mo." nagtatakang tinignan niya ako pagkatapos kong sabihin yun. "Mag-aaply na ako para mAging flight attendant na regular. Or gagamitin ko ang mana ko to travel around the world and save it for my retirement when I reach the age of 60."
"Alam mo shiori, ikaw na ang nakilala kong may pinaka matigas ang ulo . May sariling patakaran at kakaiba sa ibang babae na gusto lang mag shopping at mag-bar hopping. Kaya ka lapitin ng manliligaw eh. Tsk tsk tsk. " humila siya ng upuan at humarap sakin. Nanghalumbaba siya at pinagmasdan lang ako. Nailang ako pero di ko pinahalata. Nanatili siya ng ganoon at maya maya pa ay muling nagsalita. "Oh well. Nag-offer lang naman ako dahil mukhang laging kulang ang tulog mo. At yes, I want you to be here at Russel's early in the morning."
"I'll take it. Pero--" napangiti siya pero nawala din agad ng banggitin ko ang salitang pero.
"What now!?"
Pesteng to. Nakasigaw na naman.
"Last na yung mamayang gabi. Magpapa-alam lang ako sa boss ko dun."
"Blah blah blah! Kailangan pa ba yun?" eh kung layasan kaya kita ng indi nagpapa-alam? Engot! "Osige. Last na ha?." isang tango lang ang isinagot ko. "Good." pagkasabi niya nun ay tumayo na siya tinapik ang table ko. Hindi ko na siya nilingon hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto.
Siya si Russel Yu. Apat na taon kong kasama. Nagkakilala kami sa college dahil sa Quiz bee competition. Di kami magka-away, di kami magbestfriend, di din kami magboyfriend. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang meron sa'min. Basta mula ng magkakilala kami ay ganito na ang turingan amin. Akala mo ay Mag-asawa kung magtalo.
Hindi kami magkasundo at para bang mas komportable kami sa pagpipikunan at asaran. Mas gusto naming sirain ang araw ng isa't isa. Actually hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikitang naaasar sa akin. Mula college ay ganito na kami. Tagisan ng galing at talino. Lagi kaming pinagbabangga ng dean namin. Hanggang sa nagkasama kami sa iisang project.
Siya din ang napagkwentuhan ko ng nangyari sa mga magulang ko at ang tungkol sa hinihintay kong mana. Kilala din siya ni Drew pero hindi sila close at di rin madalas magpansinan. Nung nalaman niyang hindi ako nag take ng exam para maging flight attendant ay inalok niya akong magtrabaho sa kanya. Actually, kasosyo niya dapat ako kaso umayaw ako. Okay na ako maging empleyado niya para malibang ako. Sa gabi naman may work ulit ako.
*knock* knock* knock*
"Pasok." sabi ko ng biglang may kumatok. Bumukas ang pinto at pumasok doon si April. "Oh bakit?"
"Teh! Anong ginawa mo kay boss!? Wag ka magkaila, kita kong nanggaling dito si Hitler." dire-diretso niyang tanong.
Anong pinagsasabi nito?
"Aba malay ko. Bakit ba?"
"Teh! Jusko! Akala ko nabaliw na ang hitler. Nakangiting bumalik sa opisina niya. Tapos aba'y himala ata na pinag-chi-cheer niya ang mga empleyado. Kesyo "keep smiling, good job at keep up the good work" daw. Kaloka!"
Ahh. Baliw nga ata.
"Hayaan mo lang. Sige na bumalik ka na sa labas, baka may costumer na." utos ko.
"Hmp! Ikaw manager ahh. Tatlong araw ka pa lang na manager sumeryoso ka na." umirap lang ako at sumenyas na lumabas na siya. "Ay siya nga pala manager, may naghahanap sayo kanina, ang gwapo! Pero ngayon ko lang nakita eh. Matangkad at maputi."
"Sakin? May naghahanap sa'kin?"
Baka si Drew? Pero kilala ni april si drew.
"May iba pa bang Shiori ang nasa loob ng Russel's? Kaloka ang ganda mo." sabi pa niya.
" Nasaan na?" tanong ko.
" ewan ko. Asa labas pa ata. Si boss na ang humarap." pagkasabi niya nun ay lumabas ako. Saktong paglabas ko ay nakita ko sa Swing Glass Door si Russel na may kausap ng lalaki. Nahaharangan niya ang mukha kaya hindi ko makita.
Bago pa ako makalapit ay nakita kong naglakad na ito palayo. Pumasok na si Hitler kaya agad ko siyang sinalubong.
"Sino daw yun?" tanong ko agad.
"Habulin mo. Tanungin mo. Psh =_=" nilampasan niya ako. Di makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin. Bipolar ba to!? Ang bilis magbago ng mood! Akala ko ba ngiti ngiti na kanina to?
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Sabi ko kasi sayong susunduin nalang kita o kaya ay ikaw gumamit nung isa kong kotse. Wag ka mag-commute. Pati nakakasakay mo sa jeep hinahanap ka. Paano nalaman ang pangalan mo nun!?" napa-awang ang bibig ko. "Ay ewan! " Tapos naglakad na siya papasok ng opisina niya.
Lord! Di ko gets! Bakit ba ganun ang topak ni hitler!? Wala naman akong ginagawa eh!
Napakamot nalang akong bumalik sa opisina ko. Ang gulo nilang lahat!
Tulad ng nakasanay ay buong araw akong nagtrabaho. PaminsaN minsan ay naglalakad lakad ako sa labas at nag-e-entertain ng costumer. Tapos imo-monitor ang trabaho ng bawat isang empleyado. Hanggang sa alas-kwatro na pala ng hapon at kailangan ko ng mag-out.
"O di ka na nga maaga pumasok. Maaga ka naman lalabas. Dapat five pa ang out mo dahil manager ka na. Tsk. Nagmamadali ka? Di ka tatakbuhan ng trabaho mo sa kabila."
"Wala kang pake." sabi ko at saka nag-log out sa record book.
Lumabas na agad ako ng restaurant at ka nag-abang ng masasakyan. At ang pagkakataon nga naman oh! Katabi ko yung dalawang nakasabay ko sa jeep kaninang umaga. Alam kong sila yun. Natatandaan ko sila. Pero mukhang busy sila sa pag-uusap kaya hindi nila ako napansin.
Hindi ko nalang din sila pinansin at saka nagsalpak ng earphones sa tenga ko. Mediyo mahirap maka-tiyempo ng masasakyang jeep o taxi dito. Halos limang minuto na akong naghihintay ng biglang mag tumapik sa balikat ko.
Kunot noong nilingon ko kung sino man siya. Sinalubong ako ng ngiti ng isang matangkad at gwapong lalaki. Isa lang ang masasabi ko. Hindi ko siya kilala.
"Yes?" taas kilay na tanong ko. inalis ko ang earphone.
"Shiori? Ikaw si Shiori Inoue?" tanong niya habang nakangiti.
"Sino Ka ba?" takhang tanong ko. Aba! Di ko nga siya kilala tapos ako ay kilala niya.
"Ako si Edmund. " inilahad niya ang kamay niya para makipag-shakehands. Tinignan ko muna yun at saka inabot. "Sabi ko na nga ba at dito kita makikita."
"Bakit? Anong kailangan mo sa'kin? Paano mo ako nakilala?." ngumiti lang siya sa naging sunod sunod na tanong ko.
"Hoy!! Ikaw nanaman!?" gulat na napalingon ako sa malakas na sigaw ng lalaking yun. Paglingon ko sa kanya ay naglalakad na siya ng mabilis papunta sa amin ni Edmund. Parang galit na galit. Napabuga ako ng hangin at saka naka-cross arms na tinignan siya. "Hindi ba't sinabi ko na wag ka ng babalik dito? Aba! Nung isang araw ka pa ah! Umaga o gabi wala kang pinapalampas!" sabi niya pagkalapit na paglapit niya sa amin.
"Ahh Sorry. May kailangan lang po talaga akong sabihin kay Miss Inoue."
"Anong Miss Inoue!? Close kayo ha? Ako ang boss niya. Kaya sa'kin ka magpaliwanag."
Napairap nalang ako at saka sinipat ang wrist watch ko.
Late na ako!
Tinalikuran ko sila habang nag-uusap at saka ako pumara ng taxi. Paglingon ko sa kanila ay nakita kong lumapit yung dalawang nakasabay ko sa jeep kanina.
"Sir, may problema ho ba?" -girl
"Ginugulo ba kayo nito?" - boy
"Wag nga kayong maki-alam dito. Ha! Babagal bagal kayo tapos sisingit kayo dito,"-- edmund
"Hoy glacian! Kami ang nauna dito.!" sabi nung babae na nakaduro sa kanya.
"Manahimik ka Aresian! Ako ang nauna. Di niyo nga nagawang lapitan. Ha! Patawa kayo masiyado." -- edmund
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya napapailing nalang akong binuksan ang pintuan ng taxi.
"SHIORI!!!" pagkarinig ko ng sigaw na yun ay mabilis akong pumasok sa loob ng Taxi.
"Manong tara na." sabi ko sa Driver. Agad namang in-start ni manong ang sasakyan.
Napalingon ako sa gilid ko dahil sa sunod sunod na palo ni Russel sa salamin. Inirapan ko lang siya hanggang sa tuluyan na akong makalayo.
"Ang weird naman ng mga tao ngayon. Mali, weird pala ang araw na to." wala sa sarilingusal ko at napasandal sa taxi.
"Bakit naman miss Shiori Inoue Almeda?"
Nanlaki ang mata ko at agad na napa-angat ang likod ko mula sa pagkakasandal ng marinig ko ang Driver na binanggit ang buong pangalan ko. Mabilis na tumayo ang balahibo ko sa buong katawan at ilang beses akong napakurap.
"B-Bakit mo a-Ako K-kilala!?" nauutal na tanong ko. Sa isang iglap ay bigla akong nakaramdam ng sobrang takot at kaba.
Kakapanood ko siguro ito ng Tv at horror movies. Kung ano-ano bigla ang pumasok sa isip ko. Lalo na yung mga napapanood ko sa balita at issue tungkol sa mga taxi Driver.
Tinignan ko ang muka ng driver sa salamin. At doon ko lang napansin na nakasumbrero siya at mata niya lang ang nakikita ko sa salamin. ang mapupula niyang mga mata na bigla bigla ay naging normal. Napaayos ako ng upo at lumapit ng sobra sa pinto ng taxi. Sinubukan kong buksan pero naka-lock ito at bumilis ang takbo ng sasakyan.
"Ibaba mo ako dito! Tatawag ako ng pulis!" banta ko pero hindi siya nakinig. "Ano ba!?"
"Wag kang matakot sa akin Miss Shiori. Hindi kita sasaktan." sabi niya at saka inalis ang sumbrerong suot niya. Nilingon niya ako saglit at doon ko nakita ang kabuuan ng mata niya. Gwapo siya at may magandang ayos ng blonde na buhok. Nanlaki ang mata ko ng biglang nagbago ang suot niyang uniporme at naging casual na polo.
Pinagpapawisan na ako sa sobrang takot. Jusko! Nae-engkanto ho yata ako!
"Sino ka!? A-anong klaseng nilalang ka?" sigaw ko. Hindi siya sumagot at ipinara sa tabi ang taxi. "Anong kailangan mo sa'kin!?"
"Malaki. Malaki ang kailangan kong tulong mula sa inyo Miss Shiori. Ipapaliwanag ko." sabi niya habang sinesenyasan ako na huminahon.
Agad kong kinuha ang phone ko at idinial ang number ni Russel pero---
"What the---!?"
"Hindi mo magagamit ito. Hindi mo makukuha ito hanggat hindi mo ako pinakikinggan Miss Shiori." sabi niya habang hawak hawak ang phone ko sa kanang kamay.
Paano napunta sa kamay niya ang Phone ko!?
Pakiramdam ko mababaliw na ako sa mga nangyayari at sa nakikita ko. Diyos ko! Parang awa niyo na po. Ibalik niyo po ako sa katinuan ko. Pakigising na po ako. Please, I want to wake up.