[Lucy's POV] Ilang oras na akong tulala sa mga gamit na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung papayagan niya akong lumabas ng mansyon pero ipinapangako kong gagawin ko ang lahat para payagan niya akong makauwi sa pamilya ko ngayong araw. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga habang iniisip kung dapat ko bang samantalahin ang day-off na ito para makawala sa problemang kinakaharap ko. Nagbaka sakali lang naman akong makakatakas ako mula sa mga plano nito kapag sinubukan kong lumayo sa mansyon. Mas nanaisin ko pang maghirap sa probinsya kesa mapangasawa ang isang Mafia Lord na araw-araw may sumpong. Hindi man nito sabihin ang totoong dahilan pero alam kong nalaman ng mommy niya ang pinaplano nito kaya sinusubukan nito akong ipapatay. Akala ni Ma'am Christy hindi k