[Lucy's POV] Pagkalabas ko ng banyo, halatang wala na siya sa mood. Madilim ang arua habang nakasuot na ito ng gray broad shorts pero topless pa rin sa taas. Kulang na lang magmukha siyang si Taguro sa harapan ko dahil batak na batak ang muscles nito kahit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya. Lihim akong napangiti. Sino nga bang matutuwa kung inabot ng isang oras sa banyo ang kasama mo? Siguro naging makunat na din ang higante at game na game niyang shanghai kanina dahil sa tagal ng paghihintay. Nakakaawa, pero mas naaawa ako sa sarili ko kung isang linggo akong mauupo sa wheelchair dahil sa binabalak niya. "Get yourself ready, Lucy. I called a physician for a check-up." Namilog ang mga mata ko. "Ano?!" Hindi ako makapaniwalang tumawag siya ng doktor para suriin ako