[Lucy's POV] Hindi ko alam kung tama bang samahan ko siya agad sa lakad niya pagkatapos ng nangyari. Ginusto kong mangyari ang bagay na iyon pero hindi ko inaasahang magiging malala pala ang kakalabasan nito. Nahihibang na yata ako dahil inakala kong tuluyan niya nang aangkinin ang buong pagkatao ko kanina, pero huminto siya bigla sabay sabing may mahalagang transaksyon siyang kailangang asikasuhin. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang naglalakad kasama ang mga tauhan niya. Sinubukan kong maging kalmado ngunit hindi ko pa rin maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko dahil puro armado lang naman ang mga lalaking nakapalibot sa amin. Ito na ba ang umpisa ng pabor na hiniling ko sa kanya? "I haven't heard anything from you, Lucy. Are you not feeling well?" tanong niya