[Lucy's POV] Mababaliw na yata ako dahil sa lalaking ito! Wala kasi akong nagawa kung hindi ang makisabay sa agos at pumayag sa kagustuhan niyang magpasakal este magpakasal kaming dalawa sa lalong madaling panahon. "Isang tanong na lang bago tayo pumasok sa hotel, mahal na mafia lord. Ano ba ang totoong dahilan at gusto mo akong pakasalan?" Hindi ako bumitaw sa usapan hanggang sa marating namin ang napili niyang five star hotel kung saan nito balak na magpalipas kami ng gabi. Binitawan lang nito ang manibela at tumingin sa akin na para bang sinasabi niyang papalapit na sa kinaroroonan namin ang front desk officers ng hotel para salubungin kami. "Why are you asking? Marriage isn't one hell of a deal." Ramdam kong iniiwasan niya ang tanong ko dahil nagkukunwari itong abala sa kung anon