Bangag siyang humiga sa malambot na kama na pinagdalhan sa kaniya. Staff house iyon pero sa tingin niya, malabong staff house dahil bakit siya lang mag-isa sa malaking kwarto?! Nag-iisang kama, may sariling banyo, may sariling closet, cupboard, at kusina. May mali. Damang-dama niya ang bagay na iyon pero wala siyang lakas na loob na magsabi ng saloobin sa Head Chef at baka patalsikin siya nito. Pinagkibit na lang niya ito ng balikat at iniisip na siguro masyadong mayaman ang may-ari ng Silver Garden kaya engrande ang bawat room ng mga employee nito. “Wala pala akong damit!” Napabangon siya sa isiping wala siyang kagamit-gamit para sa dalawang linggo. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas-otso ng gabi. Pwede pa siyang umuwi sa farm at kumuha ng damit. Iyon nga lang,