Bahagyang napangiwi si Magnar nang haplusin niya ang kaniyang pisnging sinuntok ni Gallagher. Pang-ilang away na ba nila ito dahil lang sa babae? In love na nga ang gagong kaibigan niya. Tinungo niya ang ref at kumuha ng yelo ron, nilagay sa icebag at sandaling ginamot ang napuruhang pisngi. Hindi siya gumanti ng suntukan sa kaibigan, binabasa niya lang ang lakas ng suntok nito. At ayon sa lakas ng suntok na binigay ni Gallagher, selos na selos ito at gustong-gusto siyang saktan pero nagpipigil lang dahil magkaibigan sila. “That asshole is in love!” Mahina siyang natawa sa isiping magkaibigan nga talaga sila. Pareho lagi ang taste nila pagdating sa babae. But here’s a problem, hindi niya kailanman minahal si Marie. Parte lang ito ng kaniyang pagpapanggap. Dating nagtitinda sa palengke a