18th Blood: Connected NAG-AAYOS si Shie ng kanyang sarili para maghanda nang pumasok nang marinig niya ang doorbell. Takang tinignan niya ang orasan, seven-thirty. Imposibleng gigising ng ganito kaaga si Vina para mambulabog. Maski nga siguro kahit nasusunog na ang bahay nito’y hindi pa rin ito gigising ng ganito kaaga para apulahin iyon. So it’s impossible for it to have been Vina. At the least, tumatawag iyon kapag pumupunta. Eh, sino naman kaya ito? Pagdating ng sala ay binuksan niya kaagad ang pintuan. Wala na siyang tsansa pa na tignan kung sino iyon nang bigla na lang itong pumasok sa bahay, kicked the door shut using his bare feet, and then snatched her into his arms and rained her with kisses. Napasinghap si Shie lalo na nang dumako ang labi nito sa