9th Blood: Freed NAKABUSANGOT ang mukha ni Rain nang tanggalin nito ang kandado sa kadena na nakakabit sa kaliwang palapulsuhan ni Vina. Para bang sinesentensyahan ang loko. Pakiramdam nga niya’y sinasadya nitong bagalan ang pagkakalag sa kanya. “Oy ano ba?” sita niya kay Rain mayamaya pa. “contest ng pabagalan? Panalo ka na, bilisan mo.” He squinted his eyes. Nagulat pa si Vina sa lapit ng mukha nila sa isa’t-isa. Kinakalas pala kasi nito ang kadena sa kabila niyang palapulsuhan. “Bakit ba atat na atat kang lumabas? Sa’n ka ba pupunta?” Hindi niya namalayang napangiti siya sa tanong na iyon. She’s getting used to Rain acting like a possessive jerk over her, though ang layo nga namang paniwalaan dahil gaya ng sinabi ni Mickie sa k