Chapter Fifty "Isusumbong mo sa akin kapag may nang-away sa 'yo. Itutumba ko agad." Hindi ko naman sineryoso ang sinabi ni Lily. Tinawanan ko lang ito. Gano'n din naman ang girls na kasama namin dito. For sure nagbibiro lang ito. "Hindi ba kayo nandidiri sa akin?" "Gaga, bakit naman kami mandidiri? Ginawa mo lang iyong sa tingin mo'y kailangan mong gawin. Sabi ko nga... you're so brave. A fighter. Saka girl, kung iju-judge kita ay ano na lang din ang tingin ko sa mommy ko?" tanong nito sa akin. Mukhang seryoso nga talaga ito tungkol sa kanyang ina. "Salamat sa inyo." "Bituin, dancer ka kamo. Iyon lang ba ang ginagawa mo?" "Oo. Tapos naging customer ko si Quiran." "Totoo?" nanlaki ang mga mata nila. Hindi na nga lang pala kami ang narito. Halos lahat na ng girls na lumusong. Sa