Chapter Twenty-nine Tinititigan ako no'ng baklang may hawak na gintong brush ng buhok. Nakaangat pa ang isang kilay nito at sobrang tiim ng titig sa akin. "Nevara, china-challenge mo ba ako? Ang skills ko? Ang kagandahan ko?" exaggerated na tanong nito kay Nevara na komportableng nakaupo sa stool chair. "Ano na naman iyon, Maria Dominadora?" "Pota. Maria lang. Maria." "Mario." Napairap ang bading. "Ano ba kasing problema?" "Ang ganda-ganda nito. Paano ko ile-level up ang ganda? Hindi ako magician. Baka kapag pinakialaman ko'y masira ko pa ang perfection sa harap ko." "OA." Napakamot sa ulong ani ko. "Okay naman ang hair, ang face... ang perfect na eh. Nails na lang ang pakikialaman namin." Tinignan ako ni Nevara. Saka ito napabuntonghininga. "Ganda ang panlabanan. Dyowa ka