CHAPTER FIFTEEN PAST MARIZ Dahil bukas na ang intrams ay todo practice ang iba't ibang colleges. Nagtext ang mga kaibigan ko kanina na hindi sila makakasama pag-uwi kasi over time sila. Ang ending ay mag-isa akong uuwi. Gaya nga ng sabi ko, hindi naman masyadong malayo ang apartment sa school. Walking distance lang naman pero dahil pagod ako dahil sa pag fa-final touch namin sa booth ay sasakay nalang ako mamaya sa tricycle. Pero icha-chat ko muna si Adrian kung may over time din sila, ayoko din namang maghintay sa wala at ayoko siyang istorbohin. Busy ako sa pag- aayos ng gamit dahil dismissal na namin noong kinalabit ako ni Cheska. Suki ata to sa kalabit eh kasi tignan mo naman, todo kalabit siya. Tinignan ko siya at nagtatanong ang mga tingin ko sakanya. "May naghihintay sayo s