CHAPTER SIX
MARIZ
LAHAT tayo ay kailangan ng inspirasyon sa buhay. At para sa akin, si Adrian ang siyang naging inspirasyon ko syempre maliban sa pamilya at mga kaibigan ko. Ito ang na-realize ko noong nakatingin ako sakanya habang naglalakad palapit sa pwesto niya.
“Hi,” magiliw kong bati sakanya. Nag-angat siya ng tingin at nanlaki ang mata. Gusto kong matawa sa reaction niya. Halatang nagulat talaga siya sa pagsulpot ko sa harapan niya. Hindi niya siguro inexpect. Ang cute niya, sarap niyang gawing asawa. Char.
“Uy. Magsalita ka naman. Alam kong namang maganda ako. Hindi mo na ako kailangang titigan ng matagal. Sige ka baka matunaw ako,” panloloko kong sabi sakanya. Grabe talaga, ang cute niya pa rin kahit nagugulat siya. Ako kasi kapag nagugulat mukhang tanga, kainis ang unfair!
Na-realize siguro niyang ang tagal na niyang nakatingin. Kung ako ang tatanungin ay okay lang naman kung magtitigan kami magdamag pero kasi gusto ko siyang makausap. Saka na ang titigan challenge kapag dalawa nalang kami. Hehe.
“Na-miss mo naman ako masyado,” sabi ko sakanya bago umupo sa harap niya. Tinignan niya ako bago siya nag-taas ng kilay sakin. Tinignan ko ang ginagawa niya. May nakikita ako mga manila paper, markers, at libro. Ah busy pala siya. Magbe-behave muna ako, saka ko na siya asarin kapag nakita kong di siya busy. Ang sarap niya kasing asarin. Alam niyo yon? Kapag nakikita ko siyang naiinis o napipikon ay ang saya ko na. Ah basta, ewan.
“Anong kailangan mo?” tanong niya sakin. Itinabi niya na din yun ballpen at yellow pad. Tumigil siya sa pagsusulat. Hindi ko nga alam kung nahihiya lang siya sakin dahil baka makita ko ang penmanship niya o sadyang naiinis siya sakin dahil andito ako sa harap niya. Alin man sa dalawang yan ang rason ay wala akong pakialam. Hindi niya ako mapipigilang chumansing sakanya.
“Wow, nagtatanong ka pala? Akala ko tsk, k, hindi at okay lang sinasabi mo eh,” natatawang sabi ko. Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya. Kita niyo na, tatawa din pala siya dahil sa akin. Hindi ko alam na daldal to the highest level lang pala ang makakapagtawa sakanya. Very good. Nagkaroon ka ng improvement Mariz Sky! Proud na proud ako sayo. At dahil jan, a-araw-arawin ko na talaga siya dadaldalan mapa-messenger man o sa personal.
“Tao din ako kaya gaya mo ay marunong akong magtanong,” kalmado niyang sabi. Nag-smile lang ako. Inilagay ko yung bag ko sa may mesa pagkatapos ay itinukod ko ang mga siko ko sa mesa at inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi ko. Nakatingin ako sakanya habang inililigpit niya yung mga gamit niya at ipinapasok yun sa kulay black niyang backpack na sa tingin ko ay Jansport. Talaga atang hindi na siya magsusulat. Ang effortless niya talaga maging gwapo. Nag-aayos lang siya ng gamit niyan ha, paano na kung sa ibang bagay pa? Ay hele nemen ehhh!
“Aalis ka na?” tanong ko noong makita kong tapos na niyang magligpit ng gamit niya. Tinignan niya ako at umiling. “Andito ka pa eh. Kaya bakit ako aalis? Hindi ba bastos ang ganun?” tanong niya sakin. Napanganga ako sa sinabi niya. Pasimple kong hinawakan ang bewang ko baka kasi mahulog ang hindi dapat mahulog eh. Grabe hindi naman ako ready sa pag-atake niya ng ganyan!
“Ikaw ha. Bakit may pa-ganyan ka na? Dati naman ang tahimik mo ah. Gusto mo na ako no?” tukso ko sakanya sabay finger heart at flying kiss, ayan nagawa ko na. Nakapag-flying kiss na ako, two times pa. Iche-check ko mamaya sa listahan ko ang flying kiss. Hindi na siya nagsalita at inisnob niya lang ako bago sinuklay ang buhok niyang suki ata ng creamsilk sa sobrang kintab. Wala pa ngang sabit eh. Ang healthy ng buhok niya. Tanungin ko nga minsan if anong creamsilk ang gamit niya at nang makabili nga rin.
“Hala ito naman joke lang. Hindi na agad nagsalita,” natataranta kong sabi. Baka kasi layasan niya na talaga ako. Alam kong ayaw niya lang maging bastos pero kapag lalo ko siyang asarin ay baka bigla nalang niya akong iwan. Ayoko naman nun, sa tanang buhay ko ayokong maiwanan.
“T s k,” sabi niya bago kinuha ang tumbler sa loob ng bag niya. Color blue yun na Tupperware. Speaking of Tupperware, karibal ko yan sa buhay ni mama. Akala ko nga siya na ang anak ni mama at hindi ako. Kapag kasi nagbabaon ako noon tapos ang lunch box ko ay Tupperware ay sobrang pagsesermon ang ginagawa ni mama bago ako umalis sa bahay. Kesyo ingatan ko daw kasi mahal at sayang daw kapag nawala ko kasi original yun. Ganoon din kaya ang nanay ni Adrian? Gusto na tuloy ma-meet si tita mama. Charot!
“Bakit ang hilig mo ba sa tsk? Gusto mo din ba ng mga babaeng nagsasalita ng ganyan?” tanong ko sakanya. Sobrang naintriga kasi ako eh. Lagi niyang sinasabi sakin yan. Sa chat man or sa personal. Favorite word niya siguro yun. Kung ako ang tatanungin kung anong favorite word ko ang isasagot ko ay Adrian. Wala ng paligoy-ligoy pa, yun na agad.
“Hindi. Expression lang,” sabi niya sabay balik ng tumbler sa loob ng bag niya. Wow, ngayon ko lang naisip at napansin na may lalaki pa palang nagta-tumbler. Yung mga lalake kasi sa room lakas maka-bottled waters eh, nakakatamad daw kasi magbitbit ng tumbler. Mabuti pa daw sa nabibiling bottled waters sa canteen kasi kung ubos na ay ishu-shoot nalang sa basurahan. Sus ang totoo naman ay ni hindi nga nila mai-shoot sa basurahan eh, tinatapon nga lang nila sa gilid. Mga wala talagang pagmamahal kay Mother Earth. Buti pa si Adrian, hay.
“Ano ba ang gusto mo sa isang babae?”
Curious na talaga ako sa ideal girl nitong si Adrian eh. Mabait at palasalita naman siya ngayon kaya susulitin ko na at habang di pa nagte-text si Erza sakin para mag-lunch na. Gusto kong malaman baka sakaling pasok ako sa banga. Baka kasi hindi pasok sa standards niya ang katangian ko edi legwak tayo. Mas mabuti na yung may alam. Sabi nga ni Mang Tani, ligtas ang may alam.
“Gusto ko yung babaeng palaban at hindi sumusuko,” sabi niya sakin. Yung tingin niya ay nasa mga estudyanteng naglalakad sa daan kaya hindi niya nakita ang reaksyon ko. Nanlaki ang mata ko bes! Ako ata ang tinutukoy niya eh. I mean, wala nga siyang sinabing pangalan pero kilala ko ang sarili ko. Palaban kaya ako! Pinunasan ko ang kamay ko bago nagpunta sa harapan niya at inilahad ko yung kamay ko.
“Hi ako nga pala si babaeng palaban at hindi sumusuko,” pagpapakilala ko sakanya. Nakita kong nangingiti siya at nagpipigil ng tawa. Sabi ko na eh kinikilig talaga siya sa mga pabanat ko in life. Tumawa nga siya pero hindi niya pa rin tinanggap yung kamay ko kainis naman! Hatakin ko nalang kaya kamay niya? Wag nalang baka masabihan pa ako ng kung anong pangri-real talk niya.
“Kulit mo no,” konting tawa niya sabay alog ng ulo niya. Hindi ko din maiwasang hindi matawa. Ang sarap sa ears ng pagtawa niya. Mas masarap pa sa salitang ‘libre kita’. Para bang napaka-gaan sa pakiramdam at nagdadala ng positive vibes sa paligid. Hindi ko tuloy alam pero gusto kong marinig pa siyang tumawa kaya naman sa abot ng makakaya ng powers ko ay patatawanin ko siya. Gusto ko kapag magkasama kami ay saya lang ang maramdaman niya hindi lungkot at pagtawa lang ang gagawin niya hindi pag-iyak.
“Sus, hindi ka naman nakulitan sakin eh. Natawa ka pa nga, aminin mo. Bawal mag-deny, nakakamatay.”
“Wala naman akong dineny eh. Ikaw, ang advance mo talaga mag-isip,” sabi niya sakin sabay tulak ulit ng buhok niya pataas. Kainggit talaga. Sana all maganda ang buhok. Ako kasi parang natuyong paint brush dahil sa sobrang tigas at mas malala pa sa Sahara Dessert sa sobrang pagka-dry. Tumawa lang ako dahil sa sinabi niya. Super slight na defensive mode kasi siya.
“Kumain ka na ba?” tanong niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago sumagot.
“Sus. Mga linyahan ng pa-fall yan eh. Tatanungin ka kung kumain ka na tapos kapag sinabi mong hindi pa todo concern pa sila sayo. May pa ‘wag kang magpapa-gutom ayokong nagkakasakit ka’ pa nga silang nalalaman tapos kapag na-fall ka na bigla nilang sasabihin na ‘I am sorry. Hindi kita gusto,’ hay nako kita mo na. Pa-fall ka din no?” mahabang litany ko sakanya. Tumawa naman siya. Aba, aba! Mukha ba akong nagbibiro? Totoo kaya yung sinabi ko!
“Alam mo ang kulit mo na nga ang over thinker mo pa. Hindi naman porket tinanong ka ng ganoon ay pa-fall na. Ang advance mo talaga mag-isip,” natatawa pa rin siya habang sinasabi niya yan. Pero wala doon sa mga sinabi niya ang atensyon ko.
“Oh my ghad! Congrats marunong ka palang tumawa at ang dami mong sinabi. Ang daldal mo ngayon!” masayang sabi ko sabay palakpak. Ang galing ko talaga, nagawa ko siyang pagsalitain ng more than 5 words. Ang saya! Proud na proud na talaga ako sa sarili ko. Magpa-party nga ako mamaya sa apartment, sabihan ko si Erza. Char lang. Magsasalita na sana siya noong may biglang dumating sa bench namin. Noong tinignan ko kung sino ang dalawang kararating lamang ay nagtaka ako. Pamilyar ang mga mukha nila sakin. Tinitigan ko pa ng kaunti at mabuti noong bigla kong na-realize na sila pala yung kasama ni Adrian sa Flo G, dun sa club kung saan ko siya unang nakita. Ngumiti ako. Syempre magpapasikat tayo, kaibigan to ni Adrian eh. Baka kapag naging eksenadora ako ay baka i-bash nila ako. Ayoko yon.
“Ah hello,” mahinahon kong sabi na siyang naging rason kung bakit napunta sa akin ang atensyon nila at tinaasan ako ng kilay ni Adrian. Syempre magtataka yan kasi ang daldal ko kanina tapos bigla akong naging parang maamong tupa noong dumating ang mga kaibigan niya. Bakit kasi? Walang basagan ng trip.
“Hello miss…?” tanong nung lalaking naka-bag ng color blue na Hawk. Teka bakit ba tinitignan ko ang brand ng mga bags nila eh puwede naman kasing kulay nalang. Hay nako Mariz!
“Mariz Sky Del Monte.”
“Cris,” maikling sabi niya sabay ngiti. Yung ngiti na nagsasabing ‘it’s nice meeting you,’ ganon siya ngumiti. Gwapo naman siya pero mas gwapo si Adrian. Hindi sa bias ako pero sorry bias talaga ako. Hihi.
“Joseph,” sabi naman nung isang naka-color maroon na bag. Ni hindi man lang nag-smile, ito siguro ang idol ni Adrian. Pareho kasi sila eh. Ang sungit.
Nginitian ko lang sila. Grabe, kaya naman pala ang iksi ni Adrian magsalita kasi ganoon din ang mga kaibigan niya. Sobrang iksi ng mga sinasabi. Nabibilang ko lang ata sa daliri ko ang mga words na nasabi nila. Required ba sakanila ang hindi gaanong mahaba magsalita? Ano yun tropa goals? Hashtag friendship goals?
Ang awkward kasi ang tahimik na namin. Hindi siguro sila sanay na may kumakausap kay Adrian o baka naman ayaw nila sakin? Nagti-tinginan lang kasi sila. Para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Nagbubulungan sila tapos narinig ko lang ay mobile legends. Si Adrian todo laki ang mata sa dalawang to. Galit ba siya? Busy ba sila? Magsasalita sana ako para tanungin kung okay lang ba silang tatlo noong marinig ko ang boses ni Erza. Minsan talaga ang ganda ng timing niya. Minsan tagapag-ligtas ko siya sa mga awkward moments.
“Mariz, tara na.”
Kumaway lang ako at nag-okay sign. Humarap ako sa tatlong lalaking nakatingin na sa akin. Mula sa left side ay si Adrian, Cris at Joseph. Bali nasa gitna si Cris, lahat sila natayo na at nakapamulsa. Hindi na sila nagbubulungan. Mukhang tapos na sila mag-meeting.
“Ah sige, mauna na ako. Ingat. Bye Cris at Joseph,” sabi ko bago humarap talaga sa pwesto ni Adrian. As in yung magkaharap na magkaharap talaga. “Bye Adi,” sabi ko sakanya. Tumango lang siya. Hindi ko alam kung narinig niya at nagustuhan niya ang sinabi kong pangalan niya para sa akin. Gusto ko kasi yung may sarili siyang nickname at ako lang ang tatawag sakanya ng ganun. Gusto kong may pa-ganun kasi special siya sa akin.
Noong una lagi kong ipinipilit sa sarili ko na crush ko lang siya pero habang tumatagal ay lumalala na. Hindi naman kasi ako bobo at manhid sa ganitong bagay. Oo, wala pa akong naging boyfriend at first time kong maramadaman ang kung anong pinaparamdam sakin ni Adrian ngayon pero alam ko naman ang pinagkaiba ng simpleng gusto o crush sa pagmamahal o tinatawag nila sa english na love. Hindi ko alam kasi kay Adrian, napaka-bilis eh. Normal pa ba yung ganito kabilis ma-inlove?
ADRIAN
“BRAD, akala ko ba lesson plan ang ginagawa mo? Kaya nga hindi ka namin inaya sa paglalaro ng ml kahit pustahan pa yun,” reklamo ni Cris. Si Joseph naman nakaupo sa bench nakatingin lang sa akin. Pareho silang naghihintay ng sagot ko.
“Totoo naman kasi. Ginagawa ko yung lesson plan ko. Nagpahinga lang ako saglit,” sabi ko para matigil na siya magsalita. Ang ingay niya eh. Daig niya pa ang isang babae.
“Nako boss, mga rason mo talaga,” nakangiti niyang sabi sa akin. Yung ngiti niyang may meaning at alam ko na kung ano yon.
“Wag mo akong gaguhin Crisostomo. Mali ka ng iniisip.”
“Ser, defensive ka naman masyado. Wala pa nga akong sinasabi eh,” humagalpak na siya ng tawa. Saya niya ah.
“Alam ko kung ano nasa utak mo. Wag ako,” sabi ko sakanya. Tumayo si Joseph.
“Tara kain na. Gutom na ako. Mamaya ka na maki-chismis Crisostomo. Ingay mo. Daldal amp,” sabi niya saka naunang naglakad. Sumunod naman ako. Iniwan namin si Cris na nakanganga. Joseph is the most silent sa amin. Mas tahimik siya kaysa sa akin pero kapag nagsalita siya, talaga namang mapapa-nganga ka nalang.
“Hoy Josephino! Ang bad mo talaga! Sinasaktan mo ang feelings ko!” si Cris yun. Sumigaw pa ang loko bago tumakbo para makasabay sa amin. Kung hindi ko lang siya kilala ng lubos, iisipin kong bakla siya eh. Ang daldal puwede silang magsama ni Mariz.
“Pero brad, umamin ka nga sa amin. May something kayo nung Mariz?” tanong niya sabay akbay sa akin. Kasali kami sa basketball team ng Educ kaya naman hindi nagkakalayo ang mga height namin.
“Wala,” maikling sagot ko. Itong si Cris lakas maka-showbiz. Grabe magtanong. Chismoso, kalalaking tao.
“Ano?! Bakit magkasama kayo? Yun ba ang wala?” tanong niya pa. Ayaw talaga akong tantanan.
“Wala nga. Walang something kasi hindi ko siya gusto,” may diin kong sabi sakanya para matigil siya sa pagsasalita. Nakakarindi kasi panay siya tanong, maghanap siya ng mapagtri-tripan niya wag ako.
“Grabe ka ser, ang ganda kaya ni Mariz.”
“Ano lang kung maganda. Hindi ko naman siya gusto.”
“Bahala ka jan tol. Kapag ikaw na-inlove sakanya, who you ka saken,” sabi niya at tumatakbong pumasok sa canteen. Tumigil si Joseph sa paglalakad kaya naman ay napatingin ako sakanya. HIndi pa kasi kami nakakapasok sa loob ng canteen.
“A piece of advice brad, kung ayaw mo sa tao tapatin mo. Sa tingin ko ay umaasa sayo si Mariz. Wag ganun, masungit ka lang hindi ka gago at paasa. At isa pa ingat sa mga nabibitawang salita, baka sa huli ay hindi mangyayari,” at naglakad na siya papunta sa loob ng canteen.
Naiwan ako sa labas. Napabuntong hininga ako.
‘Bawal mag-deny, nakakamatay.’
Hindi ko maintindihan ang mga kaibigan ko at mas lalong hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pucha, ano bang nangyayari sa akin?
Mariz anong ginawa mo sakin?
End of Chapter Six.