CHAPTER SEVEN MARIZ KUNG ako ang tatanungin, hindi naman masama ang magkaroon ng mga kaibigan lalo na kapag alam mong totoo sila sayo. Kaya sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko at nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan ako ng mga kaibigan na maasahan at hindi marunong trumaydor. Noong una ko dito sa school ay sobrang natakot ako. Kasi bagong environment na naman. Iniisip ko noon kung paano ba mag-adjust. Mabuti nalang ay meron si Erza at nakilala ko sila Anj. Hindi ko din inakala na magtatagal kami ang pagkakaibigan namin. “Joey! May sarili kang pagkain. Wag kang mang-agaw ng hindi sayo.” Nagbalik ako sa realidad dahil sa matinis na pagsigaw ni Erza. Ang akala ko ay kami nila Anj lang ang kakain pero hindi pala dahil ilang minuto pa lang kami naka-kuha ng pagkain kanina ay dumatin