CHAPTER TEN ADRIAN TWO DAYS. Two days na simula noong last na nagchat si Mariz. Two days na simula noong last siyang active sa Messenger. Two days na simula noong nakita ko yung my day niyang kinaiinisan ko. Sino ba yun at ano siya ni Mariz? Hindi ba dapat matuwa ako kasi wala ng nangungulit sa akin? Hindi ba dapat maging masaya ako kasi napakapayapa ko na? Hindi ba dapat ito yung gusto ko? Hindi ba dapat hindi ako naaapektuhan kasi wala lang naman siya sa akin? Pero bakit hindi ko magawang ngumiti at maging masaya? Bakit hindi ko magawang iwasang tignan ang conversation namin sa Messenger? Bakit hindi ko maiwasang umasang magcha-chat siya? Bakit ba ako umaasa? Mahirap man aminin ay hinahanap ko na ang korni at jejemon niyang banat na hindi ko aakalaing makakapagpa-ngiti at m