CHAPTER NINE MARIZ "ANONG NANGYARI SAYO?" Inilapag ni Erza ang styrofoam na alam kong naglalaman ng lunch namin. Nakaalis na si Adrian sa harap ko ni hindi ko na nga siya maaninag eh. Alam kong nagmumukha akong tanga dahil nakatayo pa rin ako. May after shock yung pag ngiti ni Adrian mga bes! "Ano… si Adrian kasi.." dahan dahan akong umupo habang dahan dahan ding nagsalita. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Anong meron kay oppa mo? Inaya ka date?" curious niyang tanong. Itinatabi na niya ang laptop baka ini-sleep niya muna. Inaayos na din niya ang mga papel na naka kalat. Umiling ako sakanya habang nakatingin sa styrofoam na binubuksan niya. Simpleng pinakbet at may kanin ang laman nun. Bago niya binuksan ang maliit na lagayan na alam kong sili ang laman ay nag-angat siya