CHAPTER ELEVEN MARIZ MALAPIT na ang intramurals day kaya todo paghahanda ang ginawa ng iba't ibang college. Hindi ko na nga nakakasama si Joey kasi nagpra-practice siya ng volleyball, siya pa naman ang captain doon. Si Erza naman ay hindi ko din kasama kasi kasali siya sa cheerdance. Si Anj ay athlete sa table tennis na sport. Si Ethel naman sa badminton. Ako lang talaga ang walang ganap kapag intrams eh. Tamang cheer lang ako at taga hawak ng tubig at gamit ng mga kaibigan ko. Lalo na si Joey, na-trauma eh. Naalala ko pa noon yung struggle ko kasi nagsabay-sabay ang game nilang tatlo. Imagine niyo ang ginawa ko kasi gusto ko silang suportahan lahat. First set ng volleyball ay nanood ako. Pagkatapos ng first set ay takbo ako sa badminton court at pagkatapos sa table tennis court todo c