CHAPTER TWENTY-ONE MARIZ Present “SAYANG NA SAYANG TALAGA.” Agad kong pinatay ang radyo ng aking kotse. Jusko bakit ba ngayong araw ang daming nagpapa-alala sa lalaking yon. Nakita ko lang naman kanina eh hindi ko naman nahalikan or nahawakan yung tao. Nanginig ako. Grabe naman Aegis, bakit naman ganon! Ramdam ata nilang may nagkitang mag-ex tapos ganito ang eksena. Juicecolored! Iniliko ko ang sasakyan. Papunta ako sa Mcdo. Nag-yaya kasi ang madam Ethel kasama si Joey. Wala si Anj eh, busy daw sa isang kaso na na-assign sakanya. Saka hindi na daw niya kailangang kumain kasi araw-araw siyang kumakain ng pagbabanta sa kanyang buhay or death threats. Sinabi nga namin na magturo nalang sa Law school pero ang gaga feeling super hero. Laban lang raw. Uuwi na sana ako kanina pero tumawag