CHAPTER THIRTEEN MARIZ HINDI rin naman nagtagal ang pagluluto namin ni Ethel. Noong matapos kaming magluto ay tinawag na din namin silang tatlo na nanonood. Sila Anj at Ethel ang nag-ayos ng mesa at dahil hindi naman tumulong si Joey ay siya nalang daw ang maghuhugas ng pinggan. Nagreklamo pa nga eh pero tinaasan lang ni Ethel ng kilay ay umoo kaagad. Noong maayos na ang hapag kainan ay kumain na kami. Sa sobrang gutom at pagod nila ay hindi na nila magawang magdaldal habang kumakain. Si Joey nga nabulunan kaya todo siya hanap ng tubig. Ang bilis niya kasi kumain ayan tuloy. Nasa sala kaming tatlo—ako, si Ethel at si Erza. Si Anj kasi ay nagsha-shower. Siya ang huli kasi malamang nauna na kaming nagshower kanina. Habang si Joey naman ay nasa kusina pa rin kasi siya ang naghuhugas ng