CHAPTER FOURTEEN MARIZ “ANONG nangyari sayo?” Napatingin ako sa hamba ng pintuan ng kusina noong marinig ko ang boses ni Erza. Nandito ako sa kusina at nakaupo habang may kape na nasa harap ko at nakatingin ako doon. Pinapanood ko yung usok na galing sa kape. Ang sakit ng mata ko. Inaantok pa nga ako pero ayoko ng matulog baka malate ako. Kahit naman busy ang buong school para sa intrams ay may attendance pa rin. “Ha?” “Ang sabi ko napano ka? Mukha kang bangkay na umahon galing sa lupa,” sabi ni Erza habang binubuksan ang thermos. Nagtitimpla siya ng kape niya. Biglang bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Kung kailan andun na ako sa part na malalaman ko na ang katotohanan ay doon pa talaga nalowbatt ang cellphone ko. Gusto kong ibato yun dahil sa inis pero noong maisip kong wa