Hindi na ipinagpabukas pa ni Archer ang nangyari. Nang gabing iyon ay agad na rin niyang ini-report kay Mr. Valencia ang naganap na insidente sa restaurant. Ayaw niyang sa iba pa mabalitaan ng ama ni Tiffa ang nangyari o kaya ay mapanood pa nito sa balita kaya siya na mismo ang nagkwento. Sinabi niya sa mayamang negosyante ang mga naganap sa paraan na natatandaan niya. Hindi siya nag iwan ng mga impormasyon lahat-lahat ay sinabi niya kahit pa ang ginawang pagsasabay ni Tiffa sa dalawang lalaki ay sinabi niya sa ama nito. "Oh, my goondness! Hindi ko alam na makakagawa ng ganung bagay ang anak ko," natutop ni Mr. Valencia ang kaniyang ulo dahil bigla na lamang sumakit ito. Pinaniwalaan niya ang lahat mg ikinuwento sa kaniya ni Archer dahil sa tingin naman niya ay nagsasabi ito ng totoo at w