Pigil ang hininga nang apat na magkakaibigan habang sinusundan ng kanilang mga mata ang patuloy na pag-ikot ng babasaging bote. Walang sino man sa kanila ang may gusto na maituro niyon at gumawa ng dare. Panay ang hiling ni Tiffa sa kaniyang isip na huwag tumapat sa kaniya ang bote. Huling game na nila iyon at kapag nakalusot siya rito ay mapapatunayan niya sa sarili na talaga namang suwerte siya. "No, please not me!" nagmamakaawang sabi ni Mitch habang unti-unting himihina na ang ikot ng babasagin at kulay berde na bagay na iyon. Si Ritz ay tahimik lang ngunit ang isip naman niya ay paulit-ulit na sumisigaw at binabanggit ang pangalan ni Tiffa at ito ang dapat na piliin ng bote. Napaawang ang bibig ni Liby, pahina na ng pahina ang bote at ano mang oras ay titigil na ito. Sa pagtigil