Importante pa ba kung magustuhan nila ako o hindi? Hindi naman forever na makakasama ko ang parents niya. Halata kasi na parang against sila na ako ang naging asawa ni Hades. Well, maliban sa step-mom niya. Parang go-with-flow lang kasi iyon. Napaisip na rin ako tungkol doon kinagabihan. Kaya nga matagal akong nakatulog kakaisip tungkol doon. Hindi na dapat iyon big deal, 'di ba? Ngayong umaga hindi ko naabutan si Hades. Kumain akong mag-isa. As usual, ganoon naman talaga. Hiwalay kami ng silid ni Hades pero syempre kapag nandiyan ang parents niya magsasama kami sa iisang kwarto. Kaya malaya akong nakakapasok sa room niya. Namamangha pa ako nang malaman na sobrang linis niyon. Mas malaki kumpara sa kwarto ko. May balcony pa. May bar counter din siya na may naka-pile na alak. Nagikot-