Natagalan ako sa banyo niya. Pa'no ba naman kasi, ang laki ng bathtub niya ang sarap gamitin. Tsaka dahil iritado ako sa kaniya, ginamit ko lahat ng laman ng shampoo niya. Binuhos ko rin ang iba sa bowl ng cr niya. Mukhang maliligo siya, e. Kaya wala siyang gagamitin ngayon. Buti nga sa kaniya! Pagkalabas ko ng banyo agad ko siyang napansin sa desk niya malapit sa glasswall. Hinihilot ang sentido habang nakatitig sa laptop. Hindi niya man lang ako binalingan. Napanguso ako. Masiyado siyang seryoso sa ginagawa niya na hindi man lang ako kayang sulyapan. Tayka nga, bakit kailangan niya naman kasi akong tingnan? Papansin lang? Pero ang sakit sa ego, e. Hindi ba ako kalingon-lingon? Hindi ba ako seductive tingnan? Madrama akong napahawak sa dibdib. Kunyari tumikhim ako. May gusto rin ako