Kabanata 10 Hindi na ako lumabas pa sa loob ng kotse. For what? Sigurado akong iinisin lang ako ni Steffan. Hinintay ko lang na matapos ang dalawa sa pag-uusap. Kaya nang matapos ang mga ito ay agad na silang nagihiwalay ng landas. Nakasakay narin ng kotse si Homer kaya umalis na kami ng ospital. Ang buong akala ko ay magiging tahimik ang aming biyahe paawi sa condo ngunit may binuksang usapan si Homer na hindi ko talaga magugustuhan! "Please Homer, iba nalang ang pag-usapan natin." Medyo nainis ako. Hindi pa nga ako nakakaganti sa Steffan na iyon! "Veronica, ano ba naman kasi ang nangyayari saiyo? Kapag nalaman ng abuelo at abuela natin 'yan ay sigurado akong pauuwiin ka sa Bohol." Napailing ako sa sinabi ni Homer. Alam kong possible iyon ngunit kay Steffan ko lang naman ginagawa i