Chapter 03
3rd Person's POV
Hindi madali ang mag-alaga ng bata lalo na at tatlo iyon. Kahit pa walang ginagawa si Sylvia sa bahay kung hindi pakainin at linisan ng mga anak ay pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.
Dati naman wala siyang pakialam sa tiyura niya ngunit noong may time na iyon— hindi niya maipaliwanag. Ayaw na kasi niya tumingin sa salamin. Nanaba siya tapos naglalagas ang buhok.
Nakaupo si Sylvia sa kama then in some reason gusto niya maiyak. Nasa bahay sila ngayon ng mga Villiegas at nasa ama ni Kiel ang triplets.
Hindi alam ni Sylvia kung anong pumasok sa isip niya at kinuha niya ang phone niya. Tinawagan niya si Kiel na agad naman sumagot.
Maingay kaya alam ni Sylvia nass kalagitnaan ito ng pagkaklase.
"Honey? Anong problema?" tanong ni Kiel. Sumisinghot si Sylvia na sinabi na gusto niya ng crab soup tapos french fries na gawa ni Kiel.
"Umiiyak ka ba?" tanong ni Kiel. Pinunasan ni Sylvia ang pisngi at sinabing nalulungkot siya.
"Uuwi na ako. 5 minutes. I love you."
Napatigil si Sylvia matapos marinig ang huling sinabi ni Kiel. Bumilis ang t***k ng puso ni Sylvia matapos marinig iyon.
Namatay ang tawag. Maya-maya may kumatok sa pinto. Bumukas iyon. Nakita niya ang ama ni Kiel.
"Sweety? Anong nangyari sa iyo?"
Lumapit ang ama ni Kiel. Nagsalita si Sylvia ng papa. Niyakap ng matanda si Sylvia at sinabing huminahon ito.
"Anong nangyari?" tanong ng matanda. Tinanong ng matanda kung binibigyan ba siya ng sakit ng ulo ni Kiel.
"Hindi papa. Feeling ko kasi hindi ako magiging mabuting mommy at wife. Ang panget ko na kasi papa," naiiyak na sambit ni Sylvia. Natawa ang matanda sinabing hindi iyon totoo.
"Ayan din sinabi ni Kiel. Hindi ako panget pero iba nakikita ko sa salamin," ani ni Sylvia at tinuro iyong salamin sa side niya.
"Ang taba ko na tapos naglalagas buhok ko— paano kung mapanot ako tapos hindi na din pantay dibdib ko," parang bata na sumbong ni Sylvia. Sinabi ni Sylvia na marami siyang gusto kainin pero hindi siya makakain ng maayos dahil sa mga baby. Sinabi ni Sylvia na gusto niya ng maraming foods at chicken.
Nakinig lang ang matanda sa mga hinaing ni Sylvia. Bigla ng matanda naalala ang asawa dahil iba ang babae na iyon kay Sylvia. Frustrated ang babae pero imbis ilabas iyon sa ibang tao ay sinasarili nito at nagkulong na lang sa kwarto.
Noong pinagbubuntis nito ang triplets nagsimula na si Sylvia magkaroon ng awareness sa katawan niya like. Sa feeling na tumataba at pumapanget.
Ngunit hindi nito tinangka magdiet para ma-satisfied siya. Kahit sa mga time na iyon kahit pa nakapanganak na siya ay hindi ito pwede mag-diet o uminom ng mga supplement para bumalik sa dati ang katawan niya.
Nakatulog na din ang babae maya-maya. Maya-maya ay bumukas ang pinto. Habol ang hininga na lumapit si Kiel sa kama at hinawakan ang pisngi ni Sylvia.
"Anong nangyari dad?" tanong ni Kiel at tiningnan ang ama. Namumula ang ilong at pisngi ni Sylvia dahil sa kaiiyak.
"PPD natural sa mga nanay after birth. Kailangan ka ni Sylvia. Mas mabuti na mag-take ka ulit ng leave," ani ng matanda matapos tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"Nahihirapan si Sylvia mag-adjust kahit pa hindi mapantayan ang pagmamahal niya sa mga anak mo. Mahirap kalaban ang depression," ani ng matanda. Tiningnan ng matanda si Sylvia bago naglakad palabas ng kwarto.
Paglabas niya ng kwarto pinatawag niya ang secretary at sinabing kausapin si Leon. Itanong ang mga paboritong pagkain ni Sylvia at bilhin lahat iyon.
Maya-maya ay bumaba si Kiel at dumiretso sa kusina. Naghanap ito ng mga ingredients na gagamitin niya sa pagluluto ng crab soup.
"Dad, dapat ba dalhin ko na sa hospital si Sylvia?" tanong ni Kiel. Mas may alam ang ama niya kaysa sa kaniya. First time din iyon para kay Kiel.
"Malakas na babae ang asawa mo. Alam ko hindi din siya papayag dahil malalayo siya sa mga anak mo," ani ng matanda. Hindi kaya ng puso ni Kiel. Ayaw niya ng umiiyak si Sylvia.
"Hindi doctor ang kailangan ni Sylvia," sagot ng matanda. Sinuhesyon ng matanda na doon na muna sila nina Kiel hanggang sa mag-isang taon ang tatlong bata.
"Nalulungkot sigurado sa mansion ang asawa mo. Dito mababantayan ko din siya kasama ang mga apo ko," ani ng matanda. Wala na naman gingawa doon ang matanda at na kay Kiel na lahat ng trabaho niya. Reterado na siya.
Naghihiwa si Kiel ng gulay. Tinanong ni Kiel kung naaalala ng matanda ang ina niya.
"No,"sagot ng ama ni Kiel at umupo sa high chair.
"Malayong-malayo si Sylvia sa babae na iyon kaya maswerte ka," ani ng matanda. Napatigil si Kiel at lumingon.
"Ingatan mo si Sylvia at magbigay ka ng oras sa kaniya hanggang sa kaya mo. Huwag mo ng ulitin ang mga pagkakamali ko," ani ng matanda. Sa part na pagkakamali hindi ni Kiel maintindihan ang ama.
Before mag-lunch ay naiyak na ang triplets. Buhat nina Kiel ang triplets. Bumaba naman sina Ward mula sa hagdan dala ang tatlong feeding bottle.
"Pinuno na ito na ang gatas," ani ni Ward. Sinabi ni Ward na ni-ready iyon kanina ni Sylvia. Breast milk ang mga iyon. Nag-panic si Kiel kanina dahil wala nga si Sylvia at natutulog ito. Umiiyak ang tatlong bata at sabay pa ang mga ito.
Kapag inaalaagaan niya kasi iyong tatlo ay nandoon din si Sylvia. Hindi niya akalain na magpa-panic siya sa pag-iyak lang ng triplets at sa idea na wala doon si Sylvia.
"Ayaw mo uminom ng gatas Elija? Anong trip mo at umiiyak ka? Nakikisabay ka lang ganoon?" ani ni Kiel. Kinausap niya si Elija na buhat niya. Napatigil ang bata sa pag-iyak.
"Loko itong bata na ito ah."
Natahimik din si Elliseo na kanina din ayaw uminom ng gatas. Si Sorenn lang ang gutom. Natawa si Ward then sinabi na naalala niya na kapag umiiyak ang tatlo ay kinakausap ito ni Sylvia.
Minsan kasi umiiyak ang dalawa kahit busog ang mga ito at malinis. Gusto lang ng mga ito marinig ang boses ng parents.
Idinikit ni Kiel ang isang daliri niya sa pisngi ni Elija. Agad na hinawakan iyon ng batang lalaki.
Lumambot ang expression ni Kiel. May mga mata kasi si Elija na katulad ng kay Sylvia.
"Hindi ko alam kung magiging mabuti akong daddy in future. Pero gagawin ni daddy ang best niya para maalagaan kayo at maprotektahan," bulong ni Kiel. Idinikit ni Kiel ang noo sa noo ng sanggol na agad na napapikit.
Iyon ang scenario na nakita ni Sylvia pagbaba niya ng hagdan. Parang may humaplos sa puso ni Sylvia matapos makita iyon. Kitang-kita niya at nararamdaman niya ang pagmamahal ni Kiel para sa mga anak.
Paano niya naisip na wala siyang kwenta para kay Sylvia o hindi niya deserve iyon kung siya ang nagsilang ng mga anghel na hawak ngayon ni Kiel.