Chapter 3

1725 Words
"Ano na naman ang pumapasok diyan sa kukote mo at kung ano ano na naman ang pinagagagawa mo, Haley? God, nas-stress ako dahil sa iyo! Tignan mo nga itong buhok ko, naputi na!" June exlclaimed, clearly annoyed at me. Umirap ako at pinagpatuloy ang pag-empake ko. Pumayag ako sa gusto ni Aeolus. Tanga na kung tanga pero ayon lang ang alam ko na paraan para makasama ko silang mag-ama. Para makita at makasama ko si Twyla. Para naman kahit papaano ay makilala ko ng personal ang anak ko. Hindi 'yung sa picture lang, hindi 'yung hanggang tingin lang ako. "Kahit naman hindi ka nae-stress sakin ay may puting buhok ka pa rin, June. Hindi mo kasi matanggap na tumatanda ka na. Pumunta ka na sa salon, pakulay ka na ng buhok," nakanguso na sabi ko. Pinipilosopo siya. "Bagay sa iyo kulay dilaw, para litaw na litaw ka," pagpapatuloy ko pa. Sinesermonan niya na naman ako. Ayaw ako payagan na umalis e wala naman na siyang magagawa dahil desidido na ako at ilang taon akong nag-pakasubsob sa trabaho. Hindi naman siguro masama kung gusto ko ng ilang months na vacation diba? Parang pahinga ko na rin ito. Pahinga with my daughter. Naghalo ang kaba't excitement sa puso ko. Ano kaya ang magiging reaksyon ng anak ko kapag nakita niya ako? Will she be casual with me? Muntik na ako matawa nang makita na halos umusok na ang ilong ni June dahil sa galit. Humagikgik na lang ako at hinila na ang maleta ko papalabas sa aking bahay. "Sige na, June! Bye bye, love you!" Hinalikan ko pa siya sa pisngi bago ako lumabas. Naririnig ko na sumisigaw pa siya bago ako sumakay sa kotse na sumundo sa akin. Sobrang lakas ng sigaw niya to the point na kahit nakasara na ang pinto ng kotse ay rinig na rinig ko pa rin siya. For sure labas na ang ugat niya sa leeg. Pinasundo talaga ako ni Aeolus dahil hindi ko naman alam kung saan ang bahay niya. And, I'm bad at directions too, kahit may google map na ay naliligaw pa rin ako kaya naman kailangan ko talaga na mag-aral pa ng mabuti. Wala akong contact kay Kristel at June dahil pinatay ko ang phone ko. Bubuksan ko na lang uli kapag kakamustahin ko na sila. Alam ko na sa oras na ito ay punong puno na ng missed calls at text ang phone ko dahil kay June. Nai-imagine ko siya na pabalik pabalik sa paglalakad habang tina-try akong contact-in at nagmumura na sa inis. Ganun na ganun ang isang 'yon kapag late ang make-up artist ko or ang aking hair stylist. Apat na oras ang itinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa harap ng isang bahay, or should I say... mansion? Malaki ang bahay, white and black ang kulay. May mga halaman na masasabi mo talaga na alagang alaga. They look so fresh and clean. Bumuntong hininga ako at kinapa ang aking dibdib. Kinakabahan ako na nae-excite. Kinakabahan ako dahil kay Aeolus at nae-excite na makita si Twyla ng personal. Puro sa picture ko lang kasi nakikita si Twyla, diba? Marunong ako mag-alaga ng bata dahil madami akong binibili na books about babies and kung paano mag-alaga ng bata. Nakahiligan ko ang pagbabasa ganun kapag may free time ako e. As usual, takang taka si June kung bakit nagbabasa ako ng ganun pero hindi ko na lang siya sinasagot. "Ma'am, baba na po kayo. Ihahatid na lang po kayo ni Grace kay Sir Aeolus. Ako na rin po ang bahala sa mga gamit niyo," sabi ni manong na siyang nag-drive sa akin mula sa bahay ko papunta rito sa mansyon ni Aeolus. Ngumiti ako. "Sige po, Manong. Salamat po." Pagkababa ko ng sasakyan ay may nag-aabang na sa aking babae, siya na ata si Grace. She has a friendly smile and warm aura kaya naman ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. Sobrang welcoming ng energy niya. "Welcome po, Ma'am. Ihahatid ko na po kayo kay Sir, Ma'am. Sunod na lang po kayo sa akin," mabait na sabi niya. Nauna siyang maglakad sa akin kaya naman sumunod na rin ako. Habang tahimik akong sumusunod sa kaniya ay palinga linga ako habang naglalakad. Sobrang lawak ng bahay at may elevator pa. May grand staircase din at may carpet pa. Maaliwalas ang bahay at tila mahihiya ka talaga na umapak sa carpet dahil sobrang puti nito. The house has a chandelier too. Makinang ito at sobrang liwanag. Sobrang ganda niya at tamang tama ang lugar na pinaglagyan niya. Oh, my God, I think that costs a million. May piano sa isang gilid at may mga antique rin. Talagang pinag-isipan kung ano ang ilalagay o kung saan ilalagay ang mga gamit. Of course, panigurado ako na may kaibigang interior designer si Aeolus at pinaggawa ang loob ng bahay na ito sa kaniya. Ang ganda! Nakita ko ang picture ni Tyla na nakadikit sa pader, kuha iyon noong baby pa siya. Nakangiti at walang ngipin. Ang cute cute naman ng baby ko. Marami pang baby pictures na nakadikit sa wall, nagtagal ang titig ko sa kanila hanggang sa naramdaman ko ang pamamasa ng aking mata. Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang number six na button. Tahimik lang ako at hinihintay na may sabihin pa sa akin si Grace. "Ang buong 6th floor po ay pagmamay-ari ni Sir Aeolus at Princess Twyla. Nasa 6th floor po ang kwarto ni Mr. Aeolus at Princess Twyla. May office din po at ihahatid ko kayo doon ngayon gaya ng sabi ni Sir," saad ni Grace. "'Wag mo na ako i-po. Empleyado lang din naman ako dito," natatawa kong sinabi. "At tsaka, sa tingin ko mas matanda lang ako sayo ng ilang taon." Nagkamot ito ng ulo bago natatawa na tumingin sa akin. "Sorry po. Nahihiya kasi ako, hindi tayo close e. Ako nga po pala si Grace," aniya at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik sa kaniya. "Ako naman si Haley. Ay, oo nga pala. May tanong ako. Bakit Princess ang tawag niyo sa anak ni Ae- I mean ni Sir?" tanong ko, muntikan pang tawagin si Aeolus sa kaniyang totoong pangalan. Baka isipin ni Grace na feeling close ako 'no. Muntik pa akong mapatikhim dahil sa tinawag ko kay Aeolus. Goodness, Sir huh? Dati, mahal pa ang tawag ko sa kaniya. Tapos naging Aeolus na lang and now... Sir? "Naku, ayon ang sabi ni Princess Twyla. Kapag daw hindi princess ang tawag namin sa kaniya ay ipapatanggal niya kami sa trabaho," she said. "Sorry, Haley ah. Pero may pagkasutil ang bata na 'yon. Mantakin mo ba naman, nilagyan niya ng lapis ang kape ng isa sa naging nanny para raw panghalo." Napangiti't napailing na lamang ako. "Ay talaga? Mabuti na lang at napansin na agad ng nanny na nilagyan ng lapis?" "Hindi agad napansin e. Huli na niya na-realize nang maubos niya na ang kape niya. Akala niya raw kasi kutsara 'yung lapis. Busy kasi kakanood ng telebisyon," anas ni Grace na ikinatawa ko. When we reached the six floor ay agad na tumambol ang aking puso. God, kinakabahan talaga ako kay Aeolus. He's so intimidating now. Dati, hirap na hirap pa siya humanap ng pera para sa pangbili niya ng materyales ng gamit niya, pero tignan mo naman ngayon... Napaka-successful niya na. Successful na ang Aeolus ko. "Ito na po ang office ni Sir. Katok ka lang, Haley. Huwag ka kabahan, mabait naman si Sir! Mauna na ako po ako ha. Goodluck!" aniya at umalis na. Oo, mabait si Aeolus. Sa inyo, pero sa akin? Naku, hindi. Galit na galit sa akin si Aeolus ano. Aalma pa sana ako kaso nakaalis na siya ng tuluyan. Bumuntong hininga ako at pikit mata na kumatok sa pinto ng opisina ni Aeolus. Tatlong beses akong kumatok. Pigil na pigil ko ang aking hininga habang hinihintay na bumukas ang pinto. Madaming what ifs ang pumapasok sa isipan ko na inalis ko rin naman agad. Gosh, iba talaga ang epekto sa akin ni Aeolus ngayon. Napatingin ako sa paligid at nakita ko na may pink na pinto sa bandang kanan. Nasa kaliwa kasi ang office ni Aeolus. I think ito na ang room ni Twyla. It has a princess crown sa center ng pinto at may nakaukit na Princess Twyla. Napaigtad ako nang bumukas ang pinto ng office at tumambad sa aking paningin ang seryosong seryoso na si Aeolus. Kimi akong ngumiti sa kaniya at kumaway. Pero, hindi niya ako ginantihan ng ngiti, nanatili siyang seryoso. Nagtitipa siya sa laptop niya at naka-v neck shirt siya at boxers. Kitang kita ang mga mapipintog niyang muscles. Tumikhim ako pero hindi man lang siya tumingin sa akin. "Uhh, hi. G-good afternoon," mahina kong bati. Kinagat ko ang aking labi dahil sa kaba. Sh*t talaga oh. Kumunot ang noo niya at tumingin na muli sa akin. I saw how he clench his jaw kaya I immediately look away because that turns me on. He's so sexy, he looks so illegal. Really, Haley? Umigting lang ang panga niya nalaglag na agad ang panty mo? Tumikhim ako at inayos ang aking sarili. Tumayo siya at naglakad na papalapit sa akin. Nakangisi siya pero walang reaksyon ang kaniyang mga mata. Napalunok ako. "Good afternoon, Miss. Your room is next with my daughter's room. You can start working tommorow," casual na casual na anas niya. Lumunok ako at tumingin sa aking paa, kinakabahan ako sa presensya niya. Dati naman ay hindi, walang hiya hiya pa nga akong humahalik at kumakandong sa kaniya. Pero madami na ang nagbago, parang papel na kinusot at hindi na pwedeng ibalik katulad sa dati ng walang gusot. Iba na dahil sa katangahan na ginawa ko dati. "Ibibigay ko sa iyo ang schedule ni Twyla. Mga daily routines niya pati na rin mga allergies at hindi niya gustong pagkain. Pwede ka ng umalis," seryosong sabi niya sa akin bago ako tinalikuran. Palihim akong sumimangot. Nag-hintay pa ako ng ilang seconds kung titignan niya uli ako pero nang manatili siyang nakatutok sa laptop niya ay naglakad na lang ako papunta sa room ko. Nang madaanan ko ang room ni Twyla ay parang gusto ko pumasok at tignan siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Sabik na sabik na akong makita ang baby girl ko. My heart is overflowing with happiness. Bukas, makikita ko na ng personal ang baby Twyla ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD