Chapter 6

1639 Words
Dalawang linggo ang mabilis na lumipas at na-discharge na rin si Twyla sa hospital. Dalawang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Aeolus. Nasa bahay na si Twyla, masigla pa rin naman siya. Panay ang laro sa loob ng mansyon, sumasayaw sayaw, takbo at kumakanta pa. Ako pa rin ang nag-aalaga sa kaniya. Mabuti na lang talaga at hindi ako finired ni Aeolus. Ang kaso lang ay mas lalong lumayo ang loob niya sa akin. Kung dati ay sumasagot siya sa akin ng kaunti, ngayon ay iba na. Tila ba naging pipi na siya sa akin. "Hi, princess. Your daddy is calling you na. Mag-lunch na raw kayo. Let's go?" nananatantiyang saad ko habang pinagmamasdan siya. Tahimik niyang kinuha ang kaniyang mga barbie doll na nakakalat sa bench ng garden. Nang masilid niya na lahat ang mga gamit sa bag niya at wala siyang salita na nag-diretso sa loob ng bahay. Bumuntong hininga naman ako at sumunod na lang. Bitbit ko ang bag niya na barbie ang design. May laman itong paper pads, color, pencils at coloring books. May sharpener din at eraser. I organized it for her kasi gusto niya na raw mag-aral e. Naupo si Twyla katabi ang daddy niya. Nasa harap ni Aeolus si Ma'am Faye. Tahimik na nag-uusap ang dalawa at paminsan minsan ay nagtatawanan pa. Ang sabi sa akin ng mga maids ay friends lang daw si Faye at Aeolus pero parang hindi naman. May friends ba na naghahawakan ng kamay? Si Faye ang itinuturing na Mommy ni Twyla. Walang gabi na hindi ako umiiyak. Mas malala nga lang ang iyak ko nang makaramdam ako ng home sick. I always think of what I did in the past. Kung may time machine lang talaga, uubusin ko ang pera ko doon para lang maitama ang mali na nagawa ko. Sa bahay ko tahimik lang at hindi ako araw araw na naiyak. Kasi minsan naman ay nandoon ay si June at Kristel kaya nai-entertain din ako. They always ask me out, lalo na si Kristel na alam ang pinagdadaanan ko. At ngayon ay selos na selos na ako habang pinapanood si Aeolus na nakikipag-usap kay Faye, pinapanood ko kasi silang mag-usap. Siguro ay nasanay lang talaga ako na ako ang laging binababy ni Aeolus dati, pero wala na e. Sinayang ko lahat kaya naman hindi ako pwedeng makaramdam ng selos. Nasa akin naman si Aeolus dati, sinayang ko lang talaga. Wala na akong karapatan ngayon. Wala na... "Mommy Faye, I want chicken po. And, the mashed potato too!" si Twyla. Maamos ang pisngi niya dahil sa gravy. Sinasawsaw niya kasi ang kaniyang french fries doon sabay lamutak agad. Ang anak ko talaga oh. "Okay, baby. Mommy will give you a lot of chicken and mashed potato!" masayang tugon naman ni Ma'am Faye. Kumuha siya ng isang pirasong chicken sa mesa at pinaghimay ang anak ko. Nilagay niya ang pinag-parte parte na chicken sa plato ni Twyla, nagpasalamat naman ang bata at hinalikan pa sa pisngi si Faye. Hindi naman umangal ang huli kahit na madungis ang anak ko. Instead, nagpasalamat pa siya at pinanggigilan ang anak ko. Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin. Dapat ako 'yan eh. Dapat ako ang tinatawag niyang mommy. Dapat ako ang naka-upo diyan. Dapat ako ang kilala ni Twyla. Dapat ako ang nag-aasikaso sa kaniya. Ang daming dapat na hindi naman na pwedeng mangyari. Nasa gilid ako kasama ang mga maids. Nag-aantay ng iuutos nila pati na rin ang pagtapos ni Twyla kumain. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking mata. Ramdam ko rin ang pagsikip ng aking dibdib pati na rin ang parang pagkalat ng asido rito. Pagtapos nila kumain ay pumunta sila sa itaas, sa kwarto ni Aeolus. Narinig ko na magm-movie marathon sila. Ganuon daw palagi ang ginagawa ng mga ito tuwing Linggo e. Ako naman ay nasa labas ng pintuan, nag-aabang kung lalabas ba si Twyla. Nakalagay ito sa contract ko, dapat daw hintayin ko si Twyla hanggang sa lumabas ito hangga't hindi pa tapos ang aking duty hours. Ngunit mabilis na lumipas ang mga oras ay hindi pa rin sila lumalabas. It's already six pm. Ngalay na ngalay na ang paa ko kakatayo kaya naman bumaba muna ako at nagtimpla ng gatas for Twyla. Ganoon kasi ang nakagawian ko. Pag six pm na ay magtitimpla na ako ng gatas para sa kaniya. Pagkaakyat ko sa taas ay tatlong beses akong kumatok, naghintay ako ng ilang segundo pero hindi ako pinagbinuksan. Bumuntong hininga ako at pinihit na lang ang sedura ng pinto. Nakapatay ang ilaw. Ang tanging bukas lang ay ang telebisyon kung saan kasalukuyang nagpe-play ang Frozen na palabas. Tulog na sa kama si Twyla. Asan naman kaya si Aeolus at Faye? Dahan dahan kong ibinaba ang gatas sa bed side pero halos maitapon ko ito nang makarinig ako ng mga impit na ungol na nagmumula sa comfort room ng kwarto ni Twyla. "f**k, Aeolus. Oh, my God. Yes," ungol ng boses babae. Nanlaki ang aking mata at agad na lumabas. Dumiretso ako sa aking kwarto bago tahimik na naupo sa aking kama. I-is he having s*x with her? Akala ko ba friends lang sila? Friends with benefits? Nanghihina akong napasandal sa headboard ng aking kama at napahikbi. Ang sakit. Kung may Faye na naman pala siya bakit pati ako ginagalaw niya? Hindi ba siya marunong makuntento sa isa? Ginagago niya lang talaga ata ako. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa nakatulog ako. Pati sa panaginip ay umiiyak ako. Kinabukasan ay maga ang aking mata nang magising ako. Ano pa bang bago? Lagi naman akong nagigising na maga ang mata. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Naligo ako at nagbihis. Lalabas na sana ako nang makaramdam ako ng hilo. Napahawak naman ako sa pinto, pumikit ako ng mariin at sinapo ang aking ulo. "Kakaiyak ko 'to, gosh," bulong ko sa aking sarili. I softly massaged my head. Dumiretso ako sa kwarto ni Twyla, dahil alam ko na tulog pa siya ay diretso na akong pumasok. Binuksan ko muna ang kurtina bago ako naupo sa gilid ng kama niya. Napangiti ako at hinalikan siya sa noo. "Mama loves you very very much, baby ko," I whispered softly. "I'm sorry." Humikbi ako. "I-I'm sorry if Mama failed to take care of you. I love you very much, baby. I-If they will let me chose kung ibibigay ba kita sa daddy mo dati o sakin ka mas pipiliin ko na ibibigay uli kita kay daddy mo," hinaplos ko ang kulot na buhok nito. "Kasi alam ko mas maaalagaan ka niya. Mas magiging maayos ang pamumuhay mo sa kaniya and I'm not wrong, though. Tignan mo ngayon, sobrang love na love ka ni Daddy mo." "Mama is not strong to fight for you. Malakas ang kalaban ni Mama kaya pinili niyang itago ka at ibigay sa Daddy mo kasi ayaw ka niyang m-mapahamak," pinigilan ko ang paghikbi ko. I kissed her forehead softly. "S-sana mapatawad mo ako. Sana mapatawad niyo akong dalawa ng daddy mo. Sobrang m-mahal na mahal ko kayong d-dalawa." ISANG BUWAN ang mabilis na lumipas ngunit ganoon pa rin ang gawain sa buhay ko. Walang nag-improve. Hindi man lang napalapit sa akin ang anak ko. Napapagod na ako pero kinakaya ko. Kasalukuyan kaming nasa pool. Naliligo sila Aeolus,Faye pati na rin si Twyla. Kinuha ko ang juice at inilagay iyon sa lamesa, pinapakuha kasi ni Ma'am Faye dahil kanina pa raw siya kinukulit ni Twyla na mag-timpla. Umahon si Ma'am Faye sa pool at uminom ng juice. Nasa harap niya ako kaya ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. "Salamat, Haley ah. Kanina pa ako nauuhaw eh," anas niya tinanguan ko lang. Umalis na siya sa harap ko pero nagulat ako nang bigla siyang matapilok at mahulog sa pool, sa deep part pa! Lumakas ang kabog ng aking dibdib. "Hala, Ma'am! S-Sir, nahulog si Ma'am!" kinakabahang ani ko. Nanlalaki ang aking mata habang pinagmamasdan si Faye na magtaas baba sa tubig, naka-angat ang kaniyang dalawang kamay. Hindi pala siya marunong lumangoy! Gustohin ko man siyang tulungan pero hindi rin ako marunong lumangoy kaya naman hanggang panlalaki ng mata at sigaw lang ang naiambag ko. Hala talaga! Agad namang lumangoy si Aeolus papunta sa direksyon niya kung saan siya nahulog. Kinuha niya agad si Ma'am Faye. Umubo ubo ito kaya nakahinga ako nang maluwag. Akala ko mawawalan na siya ng hangin eh! Aabutan ko na sana sila ng tuwalya para hindi na ginawin si Ma'am Faye nang bigla akong pinagsusuntok ni Twyla. Nanlaki ang aking mata. Dahil maliit siya ay tiyan ko ang nasusuntok niya. "Princess, what's wrong?" nagtatakang tanong ko, scared that I did something to upset her. Pero wala naman akong ginawa ah? Malakas siyang humikbi habang pinagpapapalo pa rin ako. "Bad ka! Tinulak mo si Mommy Faye ko! Bad ka!" she screamed loudly. Napaiyak na rin ako. Kahit naman hindi na ako ang mahal ni Aeolus at si Faye na ang bagong mahal ay hindi ko gagawin 'yon. Hindi ako mananakit ng tao para lang sa lalaki. Hindi ko kayang gawin 'yon. "H-hindi ko naman tinulak ang M-Mommy mo, anak," sabi ko at humikbi ng mahina. How can a child hurt me like this? Sobrang sakit ng puso ko. Malakas ang kabog ng aking dibdib at tila pinagsusuntok ito dahil sa sobrang sakit. Lumapit sa amin si Aeolus at pinaghiwalay kami. Mahigpit ang pagkakahawak ni Twyla sa aking damit. Nang bitawan niya ako ay natumba ako at nauntog ang aking tiyan sa gilid ng lamesa. Napa-igik ako ng mahina dahil sa sakit. Ilang minuto kaming natahimik ngunit agad iyong nabasag nang humikbi ako. I clutch my stomach and my chest. "Hhindi ko na kaya, Aeolus. A-ayoko na. P-pagod na pagod na ako," humagulgol ako at tumakbo papalabas ng mansyon nila. Leaving the two important people of my life again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD