Chapter 3

1295 Words
Ruby: Natapos na ang meeting namin ni Mr. Harris o Nikko. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko at nagpaalam na sakanya pati narin kay Jacob dahil ayoko namang makahalata ito. Kailangan kong maging kasyual para di na siya maghinala. Hindi pa kasi ito ang tamang panahon para malaman niya ang lahat dahil uunti untiin ko siya. Uuntiin kong wasakin ang buhay niya. Nagmamadali na akong tumungo sa sasakyan ko at magmaneho. Tumunog ang phone ko at sinagot ko ito. "Hi babe mag dinner naman tayo." Si Arthur ang nasa kabilang linya. Sa totoo lang ay busog na ako at di ko na ata kaya pang kumain pero nakakahiya namang umayaw sakanya. "Sure san ba? Im on my way na kasi." "Great dito nalang tayo magkita sa ******** restaurant." Pumayag naman ako at binaba ko na ang tawag niya. Maya maya pa ay nakarating na ako sa nasabing lugar at nakita ko agad si Arthur na kumaway sakin habang nasa loob na at nakapagorder na siya ng pagkain. Oo nga pala siya si Arthur Fajardo isang magaling na surgeon at siya ang doctor na tumulong sakin noong panahong nagdadalamhati ako. Pumasok na agad ako sa loob ng makita ko siya. Ipinaghatak niya agad ako ng upuan at naupo na ako. Napaka gentleman talaga ni Arthur at napakaswerte ko sakanya. Masaya kaming nagkukuwentuhan ng mapansin kong may lalaking kanina pa nakatitig sakin. Hindi ko nalang ito pinansin at patuloy ang pakikipagusap kay Arthur. Nagpasiya na si Arthur na ihatid ako sa mansiyon ngunit tumanggi ako dahil dala ko naman ang sasakyan ko. Maya maya pa ay biglang nag ring ang phone niya at kagad niya itong sinagot. "Yes? Okay uuwi na ang daddy wag kana umiyak my princess." Mukhang kausap niya ang anak niyang babaeng si Darleen. Agad naman siyang nagpaalam na mauuna na siya dahil umiiyak na ang anak niya. May anak na kasi si Arthur na batang babae at ito si Darleen. 7 taon gulang na ito at napakabibo at mabait na bata. Ang ina naman nito ay iniwan sila matapos tangayin ang milyong milyong salapi ni Arthur. Hindi naman nakaapekto ito sakanya kung pera lang ang pagbabasihan dahil sadyang napakayaman nito. Tumango ako sakanya at ngumiti. Agad naman niya akong hinalikan at niyakap. Pagkatapos ay dali dali siyang pumasok sa Lamborghini niyang pula na kotse at pinaharurot ito. Ako naman ay naglakad na dahil nasa tawid pa ang sasakyan ko ng biglang may humawak sakin at hinatak ako. Tinakpan niya ang ilong ko at nahilo ako sa amoy na yon at nawalan ako ng malay. .... Nagising ako sa isang di pamilyar na lugar. Nasa malaking kama ako at maganda ang kuwarto dahil puro glass ito at kitang kita ang labas. Nasa tapat ito ng dagat at kitang kita ang pag alon nito. Masakit padin ang ulo ko marahil ay dahil don sa pinaamoy sakin ng kung sino man yon. Inilibot ko ang aking mga mata sa napakalaking kuwarto. Nasan ba ako? Anong lugar to? Sabi ko sa isip ko habang dahan dahan akong tumayo at nagsimulang maglakad. Nakita ko ang pintuan kaya naman ay agad ko itong binuksan ngunit naka lock ito. "s**t nasan ako?!" Histerical na ako ng mga oras na yon at kinakalambag ko na ang pinto. "Palabasin niyo ako dito?! Nasan ako? Hoy?! Alam kong may tao diyan! Alam kong naririnig niyo ako kung sino ka man! Palabasin niyo ako dito?!" Nilakasan ko na ang pagkalambog at ng biglang may narinig akong pumihit ng doorknob sa labas at napaatras ako. Kinakabahan ako ng mga oras na yon at gusto kong makita kung sino man ang nagdala sakin dito. ... "Ikaw?! Anong kailangan mo sakin?! Palabasin mo ako dito!" Pilit kong tinatago padin kung sino ako dahil si Jacob ang taong nakatayo ngayon sa harap ko. "Hoy?! Wala kabang naririnig?! Palabasin moko dito!" Tila walang naririnig ito at dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin habang ako naman ay paatras ng paatras sakanya. Relax Ruby. Wag ka masiyado mag panic baka mahalata ka niya. Sabi ko sa sarili ko at huminga ako ng malalim. Nagsalita naman ito. "You can't fool me Ruby I know it's you." Tila para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ko at walang lumalabas sa bibig ko na nakanganga lang. "You can't hide Ruby. You can't run from me." Patuloy padin siya sa paglapit hanggang sa padikit na ang katawan ko sa pader. Ruby hindi ka pwedeng tumanga mag isip ka hindi ka niya puwedeng mabuking ngayon. Hindi pa ngayon. Sabi ko muli sa isip ko. Tumawa naman ako na ikinakunot ng noo niya. "Hahahahaha! You're joking right? Paano ako magiging si Ruby or whatever she is e ako lang naman si Deviree Shantal ang kaisa isang apo ni Mr. Gino Shantal." Napatanga naman siya sa mga nasabi ko. Kasama sa plano ko to. Nagpapalit ako ng pangalan pero pineke ko lamang ito. Kasama ko rin sa plano ko si Mr. Gino Shantal ang matandang bilyonaryo na nakiisa sa plano ko. Kinupkop niya ako at hinayaang ipagamit sakin ang apilido niya kahit na peke ito. Napaisip siya sa mga sinabi ko. "You need proof? Here my dear open it." Dala ko palagi ang bag ko at naroon ang birth certificate ko at lahat lahat ng pekeng papeles na tungkol sa pagkatao ko. Matagal niya itong tinitigan at timingin muli sakin. "You want to play game huh?" Tila hindi padin kumbisido ang gagong to. Umirap naman ako sakanya at kinuha na ang mga papel at inayos. Aalis na ako at walang makakapigil sakin. "Look ayoko ng makipagusap sa taong baliw na katulad mo. I don't care about Ruby or whatever she is and I need to go home now!" Sabi ko dito. Ngumisi naman ito at nagsalita. Hindi ka uuwi dahil maguusap tayo. Naguluhan nanaman ako sa sinabi niya. Ano paba ang paguusapan namin? s**t. Napamura nalang ako sa isip ko. "I don't know what happened to you my Wife but I know that you're still my Wife. Hindi mo mabibilog ang ulo ko." Natameme nanaman ako sa sinabi niya. "May anak tayo at gusto ko siyang makita." What?! f**k this is bullshit! May gana pa siyang ungkatin yon pagkatapos ng kademonyohan niyang ginawa? Putangina mo Jacob! Sabi ko sa sarili ko at pinapakalma ko ang loob ko. "Haha nakakatawa ka Mr. Aguierre talaga nga namang magaling kang gumawa ng kuwento. Bakit iniwan kaba ng magina mo? At ako naman ngayon ang pinaglalandakan mong asawa mo? Ang kapal mo naman haha may fiance ako si Arthur Fajardo and I know you know about him right? Napakayaman kaya niya. And bago ko makalimutan 2 years na ang relasiyon namin so malabo yang sinasabi mo Mr. Aguierre." Mahaba kong sabi na siyang ikinagulat niya at ikinatulala. "May Fiance kana?" Yon nalang ang nasabi niya. "Oo at ngayon puwede pa pauwiin mo na ako kung ayaw mong mawalan ng trabaho?" Pabastos kong sabi sakanya. "Hindi ako naniniwala sayo." Sabay lapit sakin at siniil ako ng halik. "Alam ko ikaw ang asawa ko." Hinalikan niya ulit ako. "Itong mga halik na to Ruby itong mga mapupula at malalambot mong labi hindi ako pwedeng magkamali." Hinalikan niya ulit ako at mukha lang akong tuod ng mga oras na yon. "Paano ko makakalimutan ang halik mong to? Oh Ruby alam ko ikaw yan wag na tayo maglokohan dito."  At patuloy nanaman niya akong hinalikan. "Ikaw to, ang amoy mo, ang lasa ng mga labi mo, ang bango mong taglay, ang mapanukso mong tingin. Hindi ka pwedeng magsinungaling sakin dahil ako ang asawa mo at kilalang kilala kita mula ulo hangga paa mo." Tila naputol ang dila ko dahil di na ako muli pang nakapagsalita. At tuluyan nanaman niya akong hinalikan hanggang sa makalimutan ko ang lahat at nagpadala nanaman ako sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD