Bitbit ang mga pinamiling ilang pirasong dilata, limang kilong bigas, isang kilong daing at gamot ng kaniyang Tatay ay binaybay ni Avia Ramona ang makitid na iskinita tungo sa kaniyang tahanang barong-barong—malapit lamang sa Tiwani Bridge. Nasa gilid ng ilog ang kaniyang tahanang pinagtagpi-tagpi gamit ang mga lumang sako at samu’t saring tarpaulin na inimprenta galing sa nakaraang eleksyon.
Galing si Avia sa paglalako ng kung anu-ano, at sa dalawa pa niyang part time job bilang kargador at tiga balat ng bawang.
“Pakiusap, bitawan na ninyo ako! Ahhh!” Natigil ang paghakbang ni Avia at nakiramdam siya sa paligid nang makarinig siya ng sigaw. May kutob na siyang masama dahil may halong labis na takot ang sigaw na kaniyang narinig.
“Ipasok na ‘yan, madali!” Nanlalaki ang mga mata niyang sumilip sa may kadiliman na bahagi ng kalsadang hindi sementado.
Sa kaniyang pagsilip ay agad niyang nakita ang tatlong lalaki na naka-mask at bonet, may hawak ang dalawang lalaki ng isang walang malay na batang babae.
“Marina?” pabulong na tanong ni Avia nang matapat sa may ilaw ng poste ang mukha ng dalagita. Sa nakita ay hindi agad malaman ni Avia kung ano ang kaniyang gagawin. Tutop ang bibig niya ay urong-sulong ang ginawa ng kaniyang mga paa.
‘Tutulungan ko ba si Marina?’ Si Marina ay isa sa mga kasamahan niyang dalagita na naglalako sa kalsada—kakanin ang paninda nito. ‘Pero paano kung kunin din ako ng masasamang tao na ’yan? Paano na lang si Nanay at Tatay?’ Nanlulumong muling sumilip si Avia. But this time, ibang batang babae na naman ang nakita niyang buhat-buhat ng isang malaking lalaki. Kita sa lupaylay na ulo ng dalagita na wala rin itong malay. Napaupo si Avia sa iskinita at naguguluhan sa kung ano ang dapat niyang gawin.
“Nasaan ba si, Pyuro?” Muli ay tinakpan niya ang kaniyang bibib nang makarinig ng boses. Avia's eyes were scared habang walang habas sa pagbagsak ang kaniyang mga luha.
“Magmamanman daw po ‘yon, boss. Baka may nakita ring dagdag na batang babae.”
“Tanga naman oh! Kailangan na nating umalis dito. Tawagan ninyo pumunta na lang tayo sa iba pang lansangan at baka may makita tayong batang palaboy. Lima ang kailangan natin at isa na lang ang kulang!” Kahit nanginginig ang mga paa ay pinipilit tumayo ni Avia.
“Hah!” Muntik na siyang napasigaw nang malaglag mula sa kaniyang kamay ang hawak na eco bag. ‘Avia, kilos! Takbo na! Humingi ka ng tulong sa mga tambay o ‘di kaya ay sa mga tanod!’ Nagsusumigaw ang isipan niya ngunit parang tinubuan ng mumunting ugat ang kaniyang mga paa at hirap siyang humakbang.
“Huli ka!”
“Ahhh!” Avia shouted, jolted and was terrified. Pinipilit niyang manlaban ngunit kahit na matangkad siya at may kalakasan ang katawan ay patpatin pa rin siya kung ikukumpara sa lakas ng lalaking mala-Jöhn Sëna ang laki ng katawan. May ok nilagyan ito sa ilong niya kaya ay medyo nahilo siya.
“Pyuro?”
“Yes, boss! Narito ako at mayroon akong isang huli na daga! Tingnan niyo!” Ramdam ni Avia na walang kahirap-hirap siyang iniangat ng lalaki sa ere.
“Uy! Haha! Sakto, sakto na sila. Mukhang tiba-tiba tayo sa isang ‘yan. Sa tingin ko ay malaki ang bili niyan sa atin ni Madam dahil MMMS ang batang ‘yan!”
“Anong MMMS, boss?
“Mga walang alam! Ibig sabihin ay maganda, maputi, matangkad at sexy!”
“Mukha nga pong anak mayaman ang dalagitang ‘to, boss!”
“Hoy, Pyuro! Alam ko ‘yang iniisip mo. ‘Wag na! Pumunta ka na lang sa club ‘pag nabayaran na tayo sa deal na ito. Kahit pa tatlong ganiyan ka puting babae ang nais mo ay may pambili ka! Sa sinabi ko na, mas malaki ang kikitain natin sa batang ‘yan! Isakay mo na sa van, dali!” Nagsisimula ng pumikit ang mga mata ni Avia nang may pinaamoy na naman sa kaniya. ‘Nanay . . . Tatay . . . Pasensya na po at hindi ko kayo madadalhan ng hapunan ngayong gabi. Ang gamot ni Tatay . . .’ Tumutulo ang mga luha ni Avia habang sa siya ay nakapikit.
(Beeep! Beeep! Beeep!) Tunog ng pagbubukas ng isang electronic heavy metal door.
“Ito na ba ang mga bagong dating?”
“Opo, Madam. Mga ilang minuto na lang po ay magigising na rin sila.”
“Mabuti. Paliguin ninyo pagkagising dahil susuriin ko sila isa-isa.”
“Opo, Madam.” Avia's eyes were twitching at muli na naman siyang nanginginig. Nagkukunwari pa siyang tulog ngunit panay naman ang vibrate ng kaniyang katawan.
“Hoy, ikaw! Tayo na. Alam kong gising ka na.” Mas ipinikit pa ni Avia ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya na tumigil sa tapat niya ang babae.
“A-aray ko . . .” daing ni Avia nang sipain ng babae ang kaniyang tiyan. Hindi niya alam kung ilang oras siyang hinimatay. Basta ang alam niya sa ngayon ay talagang gutom na gutom na siya. Lahat kaya niyang tiisin, ngunit hindi ang kalam ng kaniyang sikmura.
“Ma-mayroon po ba kayong pagkain, Ma'am?” tanong ni Avia habang unti-unting umupo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
“Hah! Pumasok ka sa silid na ‘yon at maligo. Paglabas mo ay saka kita bibigyan ng pagkain. Madali na, kilos!” Avia jolted at tumayo. Kahit na nahihilo pa siya ay pinilit niyang humakbang.
“A-Avia? Avia!” Muling lumingon si Avia sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ni Marina.
“O ikaw! Tayo na rin at sumunod ka sa kaniya! Bibigyan ko lang kayo ng limang minuto para linisin ang sarili ninyo. Walang maliligo na may suot na kahit ano. Mayroong butas sa gilid ng pinto, ipasok ninyo lahat ng nasa katawan ninyo doon. Kilos na!”
Hinintay naman ni Avia si Marina at sabay na silang pumasok sa loob, nakadikit sa isa’t isa upang suportahan ang halos natutumba pa nilang katawan…
“Avia, ano kaya ang balak nilang gawin sa ’tin?” Lumingon si Avia sa gawi ni Marina nang hawakan niyo ang siko niya. Hubo’t hubad silang dalawa kaya ay kitang-kita ang mala-silik na backbone sa likuran ni Avia.
“Hindi ko alam, Marina. Hindi rin ako makapag-isip nang matino dahil talagang gutom na gutom na ako . . . Pero sa tingin ko naman ay mabait sila kung makikinig lang tayo na parang tuta. Isa lang ang goal ko, Marina. Ang makauwi ulit sa tahanan ko.”
Ilang sandali pa ay may pumasok na naman na mga kababaihan. Avia was certain na ang mga kasamahan nila itong nagising na rin tulad nila. Mayroong mahihinang iyak, bulungan at lagaslas ng tubig agad ang pumailanlang sa paligid.
Matapos mag-shampoo sa buhok at katawan ay sabay na natapos sina Avia at Marina. Panay din ang tingin nila sa paligid upang maghanap ng isusuot.
“Anong isusuot natin?”
“Malapit na ang limang minuto, labas na tayo. Dali!” Avia insisted.
“Nako, ayaw ko, Avia . . . Bahala na basta ayaw ko!” Hinila ni Marina nang marahas ang kaniyang kamay upang mabitawan ni Avia.
“Desisyon mo ’yan.” Agad ng lumabas si Avia. Natigilan naman siya dahil mayroon pang mga nasa sampung babae ang nakahiga sa sahig.
“Isuot mo ’yan.” Sa kaniyang paglabas ay sinalubong agad siya ng parehong babae at binigyan ng bathrobe. Wala naman siyang tanong-tanong pa at sinuot ang bigay nito. “Tumayo ka roon sa sulok.” Tumalima naman siya. Sa paglipas ng ilang minuto ay may iilan pang kababaihan ang lumabas at pumasok naman sa loob ng banyo ang mga bagong gising. Hanggang sa lahat na sila ay nakapasok sa loob ng banyo at sa tatlumpot-lima na pumasok ay dalawampu’t isa lamang ang lumabas.
‘Nasaan ka na ba, Marina? Labas na!’ Malakas ang kalabog ng puso ni Avia dahil masama ang kaniyang iniisip sa mangyayari.
(Bang! Bang! Bang . . .) Pumailanlang pa sa paligid ang magkakasunod na ilang putok, kasabay ng ilang sigaw mula sa loob ng banyo, na ’di naglaon ay tumigil din naman agad.
Avai was clenching her fist so bad, na kung mahaba lang ang kuko niya ay dumugo na ang kaniyang mga palad. Avia was aware that her friend Marina died.
“Sa mga narito ngayon at lumabas bago ang five minutes, congratulations. Malinaw ba ninyong naiintindihan ang patakaran dito? Simple lang. Ang hindi sumunod sa utos ay malayang makakaalis patungo sa kabilang buhay.” Natumba naman ang isang babae, habang ang tatlo ay nanginginig na umiiyak.
‘Nanay . . . Tatay . . . babalik po ako . . .’ Pikit-matang bigkas ni Avai sa kaniyang isipan. Ngayon na alam na niyang buhay ang kapalit sa mga nais sumuway ay pinipilit niyang magpakatatag kahit halos bibigay na ang kaniyang mga paa sa nerbyos. She'd been in a dangerous situation countless times dahil ganoon ang buhay sa kanilang lugar—drüg den at maraming karahasan. Lumaki siyang may matatag na sikmura at lakas na loob kahit paano. Ngunit iba pa rin ang lebel ng takot na nararamdaman ngayon ni Avia.
“Tahimik! Kunin ang natumba at isama sa dump,” sabi ng babae at may pumasok naman na nakaitim na lalaking may suot na mask. Rinig ni Avia na bumukas at sumara ang pinto ng banyo. Bago muling lumabas sa silid ang lalaki.
“Ngayon, sumunod kayo sa ‘kin. Oras na para sa reward ninyo dahil kayo ay masunurin.”
Tualad ng kilos ng babae ay marahan din ang pagsunod ng mga kababaihan. Avia on the other hand was doing the same.
‘Gagawin ko ang lahat upang makalabas ako rito nang ligtas. Ano man ang nais nila ay gagawin ko nang walang pag-iimbot! Babalikan ko ang mga magulang ko . . .’ Pangako ni Avia sa sarili.