CHAPTER 14 TRAVIS POV: I am driving my car right now. Gusto ko na ngang paliparin ang sasakyan para lamang mahabol ko si Shiena... Hindi kasi ako sanay na magkaroon siya ng galit sa akin. Baka maging hantong pa ito nang paghihiwalayan namin. Patingin-tingin din ako sa daan na tinatahak ko, nagbabakasakali na makita ko si Shiena. Tiyak naman ako na hindi pa siya nakakarating sa bahay. Pero kung hindi ko man siya rito makita, ay siguro sa bahay ko na lang siya hihintayin. Dire-diretso lang ako sa pagmamaneho. Sa mga oras na ito, alam kong umiiyak ngayon ang girlfriend ko at binabalot ng sakit ang puso niya. At gusto ko na ako itong pumunas ng kanyang luha sa mata. I want to wipe her tears and tell her na hindi totoo ang lahat nang 'yon. Wala akong kinalaman sa nangyarin anunsyo kanina.