Kanina pa napapansin ni Paprika ang pagpapalitan ng makahulugang tingin nina Monette at Jona. Hindi lang n'ya maasikasong puntahan ang mga ito dahil maraming trabaho kaagad ang sumalubong sa kanya dahil nagkataon na orientation ng mga newly hired employees sa sales. Lunch break na nang tuluyan n'yang maharap na usisain ang mga ito. Kabababa lang n'ya ng dala-dalang tray ng pagkain nang sabay na mag-angat ng tingin ang mga ito sa kanya dahil medyo nahuli s'ya ng dating sa pantry. “Hoy, kayo!” sita kaagad n'ya sa mga ito habang umuupo sa table na katapat ng dalawa. Sabay na bumungisngis ang dalawa na ikinakunot naman ng noo ni Paprika. Kanina pa ang mga ito nagtitinginan kapag nagkakataong dumadaan s’ya sa table ng mga ito at pagkatapos ay magngingitian ng nakakaloko. “Seriously, ano