ANG STORY NA ITO AY KATHANG ISIP LAMANG. AT AKO'Y MALAPIT NA RIN MABALIW. YOUR MINE: LUMAPIT ang dalawa sa amin na kung saan kami naka pwesto ni Tita Vera. Tumingin ako sa babaeng sinasabi na modelo raw ito. Aaminin kong maganda ito. Iyong nga lang ay may kapayatan ito. Pero hindi na akong magtataka lalo isa itong modelo. Hindi na lamang ako tumitingin kay Adam dahil na bubuwiset ako sa pagmumukha nito. Umupo sa bakanting silya ang dalawang mahaharot. Magkatapatan naman kami ni Adam. Ngunit 'di pa rin ako tumitingin dito. "Tita may bisita po pala kayo?" maarteng tanong ng babae. "Shy iha, siya si Lyka ang kababata ni Adam. Lyka siya naman si Shy Ledesma. Pagpakilala ng Mama ni Adam sa aming dalawa. Mukha kasing walang balak na ipakilala ni Adam ang kasama niyang babae. Ngumiti lama