Chapter 7- His Special Dish

1921 Words
Sophie Point Of View* Nagkadikit ang mga labi namin at natulala akong nakatingin sa kanya habang nanlalaki ang mga mata namin. Kagaya ng dati ang lambot ng labi niya. Nagulat ako nung gumalaw ang labi niya at hinawakan niya ang likod ng ulo ko. Waaaa! Anong ginagawa niya. Agad ko siyang tinulak at agad lumayo. "Sir, anong ginagawa niyo po." Natigilan naman siya na parang nagising sa katotohanan at napaiwas ng tingin. "I-I'm sorry, nadala lang ako, Ms. Sophie." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya. Alam ko na aksidente lang yun pero bakit ganun pa ang nangyari na mas lalo niya akong hinalikan. "Never do that." Umiwas ako ng tingin at tumingin sa labas. "Just an accident, madulas ang sahig." So pati ang labi niya nagdulas? Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakahawak siya sa binti niya na mukhang tumama ito kanina sa sasakyan nung pag tumba niya. "Sir, masakit ba?" Lumapit ako sa kanya at agad naman siyang umiling. "No, don't worry about that." Tumango tango na lang ako at bumalik sa pwesto ko at nakita ko na namula ang tenga niya. At di ko na pinansin ang bagay na yun. Nakarating kami sa Entrance ng Kompanya ay di ko pa din matingnan ang mga mata niya at nakahawak ako sa labi ko at nang marealized ko na nakahawak ako ay agad ko iyong binawi at inayos ang pag upo. "Ehem..." Napatingin ako sa kanya na nakatikhim Anong problema niya? "We're already here." Obvious ba? Hindi lang ako makalabas ng sasakyan dahil nakaupo pa din siya. "Yes, Sir." Kung wala pa siyang planong lumabas ay dito na ako sa gilid ko lalabas at nagulat sila lalo na ang driver sa gilid niya na nagbukas ng pinto. Nakita ko na nagmamadali sa pagpunta sa akin ang driver. "Ma'am, ako na lang po sana ang nagbukas ng pinto ninyo." Ngumiti ako at tumingin sa kanya at siya na ang nagsira ng pinto. "No need na po kasi Assistant lang po ako at hindi po ako yung mga VIP na kaibigan ni Sir Carter." "Pero kahit sino po ay pantay lang po ang paningin ko sa lahat po at lalo na po sa inyo ay espesyal po kayo kay Sir Carter." Napangiti ako dahil sa sinabi niya at tinapik ko ang balikat niya. Matagal tagal na siyang Driver ni Khaled at kahit may katandaan na siya ay malakas pa din si Kuya Driver. "Hindi po ako espesyal. Tayo na po baka maging Gorilla pa ang isang iyon." Napangiti naman ito at tumango tango. At inalalayan niya akong pumunta sa side ni Khaled at nakakunot ang noo nito. "Bakit ba ang tagal niyo?" Nagkatitigan kami ni Kuya Driver at ngumiti lang kami sa isa't isa at tumingin ako sa relo ko at 8:26am na pala at 8:30am ang time in ko. "Tayo na po, Sir Carter." At nagsign ako na umuna siya ng lakad at napabuntong hininga siya at tumingin kay Kuya Driver. "Gave it to her." Napakunot ang noo ko. Eh? Ang ano ang ibibigay niya sa akin?" "Yes, po." Pumunta si Kuya Driver sa loob ng sasakyan at agad niyang binigay sa akin ang malaking lunchbox. "Eh? Ano ito?" "Pagkain ngayong umaga at ang gitna niyan ay para sa Lunch." Pagkain? Niluto niya! Namiss ko ang napakasarap na luto niya at walang kahit sino ang makakatalo sa luto niya. "Ah okey po. Mauna na po kayo." Kahit may kabigatan ay hinawakan ko talaga dahil luto niya ito! Umuna na siya ng lakad nang mapansin ko na parang iba ang lakad niya at mukhang galing iyon sa binti niya. Nakarating kami sa may Elevator at agad kong pinindot ang elevator at bumukas na iyon at umuna na siyang pumasok at lalakad sana ako papunta sa hagdan ng pigilan niya ako. "Where do you think you are going?" "Stair?" "Dito ka na at wag na wag kang babalik diyan sa hagdanan." Napangiti ako dahil di na ako mahihirapan at agad akong pumasok sa hagdanan at agad akong pumwesto sa may pindutan at agad pinindot ang floor niya at tahimik lang kami sa elevator at tiningnan ko ang Lunch box. Ano kaya ang luto niya? Ayon sa naaamoy ko ay Adobo, Chicken Curry, Egg, Hotdog at marami pang iba. Excited na akong kainin iyon lalo na at gutom na ako. Nakarating na kami sa floor niya at excited akong naglalakad at nakita ko ang secretary niya na bumungad sa amin. "Good Morning, Sir and Miss Sophie." Nakangiti siya habang nakatingin sa amin. "Good Morning, Sir?" "Ah, I'm sorry for the late introduction. I'm Mr. Carter's Secretary, I'm Zenith Gomez. Nice to meet you, Ms. Sophie." At inilahad niya ang kamay niya at napangiti naman ako at tinanggap ang kamay at nagulat ako nung hinalikan niya ang likod ng palad ko na kinatigil ko. Napaka romantic niya. "Ehem, Zen, marami ka pang gagawin ngayon." "Eh? Boss, diba kakatapos ko pa lang." "Nandoon sa loob ang mga gagawin mo at di pa tapos." Napalunok si Zen dahil sa sinabi ni Khaled at nakita ko na para siyang aso na nanlumo. Umuna ng pumasok si Khaled at tumingin siya sa akin at inilahad niya ang kamay niya. "Ako na ang hahawak niyan." "Ah, thank you." Binigay ko sa kanya at lumakad na kami papasok sa loob ng opisina at inilagay ni Zen ang lunchbox sa mesa at ngumiti ako sa kanya. "Salamat, Zen." "Your welcome." Napatingin ako kay Khaled na ang sama ng tingin niya sa amin. "Naglalandian ba kayo ngayon?" Napakunot ang noo ko at agad umiling. "Tinulungan ko lang po si Miss Sophie sa pagbuhat ng Lunchbox baka po kasi mabinat na naman siya. Kakalabas lang po niya sa Hospital po baka nakalimutan niyo, Sir." Napatikhim naman si Khaled at bigla niyang tinaas ang kamay niya na ka level sa balikat niya na parang nagpapayakap. "Puntahan mo na si Sir. Iyan na ang simula sa trabaho mo." "Eh? Yayakapin ko siya?" Natigilan naman siya sa sinabi ko. "Pfft." Napakunot ako nang biglang pinigilan niya ang tawa niya na parang natawa siya sa sagot ko at si Khaled naman ay nakakunot ang noo. "Not that, take off his suit." "Nah, kaya na niya ang sarili niya," agad na sagot ko na kinalaki ng mga mata niya. "I think, hindi pa alam ni Miss Sophia ang tungkol sa pagiging Assistant niya, Boss. I-explain ko sa kanya po." "Mamaya mo na ipapaliwanag. Kakain pa kami. Tapos ka namang kumain diba, Zen?" Pakiramdam ko may pagbabanta ang pagkasabi niya na kinamutla ni Zen. "Ah o-oo, labas muna ako. Explain ko sayo lahat mamaya ang mga gagawin mo bilang Assistant." "Okay." At ayun lumabas na siya at kami ng dalawa ni Khaled ang nandidito at agad akong naghanap ng kutsara at plato dito sa opisina niya. "Sir Khaled, nasaan ba ang plato---" "Sit there." Agad naman akong napaupo dahil sa utos niya. Ang lamig kasi ng boses niya. Di na ako nagsalita at nananatili lang ako sa inuupuan ko at nilagay niya ang plato at kutsara at tinidor sa mesa at tahimik naman ako habang nakatingin sa ginagawa niya. Kukunin ko sana ang sandok nung agad niyang nakuha iyon at nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Naalala ko ang nakaraan kasi ganito siya. Siya ang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko. "Sir, kaya ko pong lagyan ang plato ko." "Don't talk." Napatahimik naman ako. Teka bakit parang may kasalanan ako ngayon? Ganito siya noon eh nung tiningnan ko ang magazine na may mga lalaking naka brief lang ang sout. Teka nagseselos siya? Aish! Ano itong pinag iisip ko! "Eat." Tumango naman ako at agad kinain ang nilagay niya at natigilan ako sabay pikit. As usual ang sarap ng luto niya! Ito yun yung luto niya." Nagpatuloy ako sa pagkain at kumuha ulit ako ng kanina at kumain ulit ako hanggang sa maubos at inilahad niya sa akin ang tubig. "Ahh..." Ngayon ulit ako nabusog sa loob ng Anim na taon. Biglang bumalik ang gana ko sa pagkain. "Ang payat payat mo at ayoko ng Assistant na walang kain." Napapout naman ako at tumango. "Okay po." Nakatayo ako ngayon at nakatingin sa lamesa ko sa tabi ni Khaled. "Dito ang mesa mo ilalagay." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi ba kami magkatabi ni Zen sa labas?" "Sino ang Boss sa aming dalawa?" Napalunok ako sa sinabi niya. "Kayo po." "So dito ka mag eestay. Di mo talaga alam kung ano ang inaplayan mo ano?" Parang masama ang pakiramdam ko sa sasabihin niya sa akin ngayon. Sana hindi bag news ang sasabihin niya tungkol sa trabaho ko ngayon. "Alam mo ba kung ano ang trabaho bilang Assistant?" "Tutulungan ko ang amo ko?" "Yes, you're right. Alam mo naman pala. Ikaw ang gagawa at tutulong sa akin. Ikaw ang maghahanda ng gamit ko, ikaw ang aayos ng mga kakailanganin ko sa mga lakad ko, gagawin mo ang lahat ng iuutos ko sayo na walang tanggi." "Depende po kung abot na sa limitasyon ko." "Okay, I agree with that." Baka kasi iba na ang uutos niya sa akin ay tatanggi na ako. "Gets ko na ang gagawin ko." "Pero pagdating sa pagkain ay ako pa din ang masusunod." "Okay, wala akong problema diyan." Tumango tango naman siya at tumayo na ako at nilinis ang mga pinagkainan namin at akmang tutulong siya nang pigilan ko ang kamay niya. "Sir, ako na po. Ikaw na po ang nagluto at naghanda ng plato at ngayon ako na naman ang maghuhugas." Di siya nagsalita at nakatitig lang siya sa akin at sa kamay niya na hawak ko dahil pinigilan ko kanina. Agad kong binawi ang kamay ko at tumikhim. "Balik ka na doon at ako na po ang bahala dito." Tumango naman siya at lumakad pero papunta sa banyo. Baka magbabanyo siguro iyon. Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa hugasan at maghuhugas sana ng plato nang biglang kumulog ng malakas at pagtingin ko umuulan ng malakas na kinalaki ng mga mata ko at natigilan ako nang marealized ang isang bagay. Takot si Khaled sa kidlat. Agad akong pumunta sa banyo at kumatok at hindi ko naririnig na sumagot siya kaya nagmamadali akong kumatok ng malakas. "Sir Khaled! Buksan niyo po ang pinto po." Nagpatuloy ako sa pagkatok pero wala pa ding sumasagot at nung inilapit ko ang tenga sa pintuan ay may hikbi akong naririnig. Naalala ko noon pa man ay may Phobia siya sa mga kulog at kidlat dahil yun ang panahon na naaksidente siya at namatay ang kambal niyang babae. At grabe ang pagsisisi niya sa sarili niya dahil sa nangyayari. Hindi naman niya kasalanan pero sinisisi pa din niya ang sarili niya. Umupo ako sa harapan ng pintuan at kumatok. Kailangan ko siyang pakalmahin. Napabuntong hininga ako sabay katok. "Khaled, lumabas ka nga!" galit na sigaw ko. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko siyang nanginginig at agad siyang lumapit sa akin at agad akong niyakap. "I'm scared, Phie." Umiiyak na sabi niya at napabuntong hininga ako at di ko siya niyakap pabalik habang yakao yakap niya ako. Biglang bumukas ang pinto at pagtingin ko ay nakita ko si Zen na nakatulalang nakatingin sa amin. "Ay, ikaw na ang bahala kay Sir ngayon." Napakunot ang noo ko at nagsign ako na wag niya kaming iwan pero nakaalis na siya. Napabuntong hininga na lang ako at lumakad kami papunta sa sofa at pina upo ko siya at ramdam ko pa din ang nginig niya habang yakap yakap ako. "Wag mo kong iwan..." ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD