"Salamat po," pasalamat n'ya sa Sekretaryang naghatid sa kanya sa opisina ni Mr. Saavedra. "Good morning po," bati n'ya ng maisara ang pinto pagpasok. "Good morning Ms. Anya Garcia," bati ng lalaking nakaupo sa swivel chair sa may mesa. Sinulyapan n'ya ang lalake, nakayuko ito at tila may binabasa sa papel na nakapatong sa mesa. "Have a seat Ms. Garcia," sabi ng lalake at nag angat ng mukha. Nanlaki ang mga mata n'ya ng mapatitig sa lalaking nakaupo. Nahinto s'ya sa pag hakbang at napako ang mga mata sa lalaking kaharap. Pinakatitigan n'ya ang lalake. Hindi s'ya maaaring magkamali, kilala n'ya ang lalaking kaharap. Lumipas man ang limang taon hinding-hindi n'ya kayang kalimutan ang mukha ng lalaking kaharap ngayon. "Gael? Gael Saavedra?" Mahinang bulong n'ya. Nais n'yang manigurado