Nanlaki ang mga mata n'ya ng marinig ang sinabi ng lalaki sa tiyahin. Magbabayad daw ito ng isang daan libo kapalit s'ya. Nasisiraan na ba ito ang magbabayad ng ganoong kalaking halaga para sa kanya? Ano bang gagawin sa kanya ng lalaking ito at ganoong kalaking halaga s'ya nito babayaran?
"One hundred thousand pesos?" Gulat na gulat na tanong ng tiyahin sa lalaki.
"Yes! Magbabayad ako ng ganoong kalaking halaga para sa kanya," sagot nito at sinulyapan s'ya. Nahiya s'ya kaya nag-iwas s'ya ng mga mata.
"Sigurado ka ba?" Paniniguro ng tiyahin.
"Yes. Here kunin mo muna ang sampung libo," at naglabas ng pera sa wallet na tig iisang libo. Iniabot sa tiyahin na nanlalaki ang mga mata at nanginginig pa ng kunin ang pera. Bumuntong hininga s'ya. S'ya kase ang nahihiya sa kinikilos ng tiyahin. Masyadong halata na sabik sa pera.
"Paunang bayad muna 'yan. Later tonight ibibigay ko ang kulang," sabi ng lalaki at muli s'yang sinulyapan na nanatiling walang kibo. Nakikinig lang sa transakyon ng dalawa. Naguguluhan s'ya kung bakit s'ya bibilhin ng lalaki sa ganoong kalaking halaga. Isa pa kung bakit kailangan nitong bumili ng babae eh ang gwapo naman nito at panigurado maraming libreng sasama rito. Isama pa na may pera ito, kaya wala s'yang nakikitang dahilan para bilhin s'ya nito. Kaya nitong kumuha ng higit na maganda kesa sa kanya. Ganoon pa man sumunod s'ya sa usapan. Kailangan n'yang sumama sa lalaki.
Kimi s'yang naupo sa harapan ng magarang sasakyan. Kitang-kita n'ya ang lalim ng ngiti sa mga labi ng Tiyahin. Sino naman ang hindi mapapangiti hawak na nito ang sampung libo at may parating pang Ninety Thousand. Sa buong buhay nilang tatlo ngayon lang makakahawak ng ganoong kalaking halaga ang tiyahin.
Nagkibit balikat lang s'ya at sinulyapan ang lalaking bumili sa kanya. Hindi pa rin n'ya alam kung ano ang pangalan nito? At kung sino ito? Bakit s'ya nito binili ng ganoong kalaking halaga? Kung sa bagay mukha naman itong mayaman at barya lang marahil rito ang isang daang libo.
"Enjoy Anya, ang swerte mo," bulong ng tiyahin sa kanya bago umandar ang kotseng sinasakyan. Nahihiya n'yang sinulyapan ang lalaking nagmamaneho. Hindi na ito nakasuot ng shades kaya naman malaya n'yang napagmasdan ang gwapong mukha nito. Pasimple n'yang niyuko ang sarili dahil nagtataka s'ya kung bakit s'ya binili ng lalaki sa tiyahin.
Gwapo ito at siguradong maraming babae ang naghahabol. Isama pa na may magara itong sasakyan na panigurado n'yang mamahalin din. Ilang beses na ba n'yang naisip ang mga bagay na 'yan?
"You are?" Tanong nito habang nagmamaneho.
"Ho?"
"Your name?"
"Anya po, Anya Garcia," nahihiyang sagot n'ya at nagyuko ng ulo.
"How old are you?"
"Fifteen po"
"Why are you doing this kind of job?"
"Ho?" Tanong n'ya, hindi dahil hindi n'ya naiintindihan ang pang i-ingles nito. Kundi nais n'ya lang bigyan ang sarili ng pagkakataon para makapag isip ng maisasagot.
"Matagal mo na bang ginagawa to?" Tanong nito, na nasa kalsada nakatuon ang mga mata.
"Hindi po," mabilis na sagot sabay iling ng ulo.
"Hindi ko po gawain ito. Ayoko po sanang gawin ito. Kaya lang po wala na pong ibang maisip na paraan ang T'yang Daisy ko," simula n'ya at naiyak. Habang nagpapaliwanag sa lalaki.
"Ilang buwan na po kase kaming hindi nakakabayad ng renta kaya pinaalis na po kami. Wala naman kaming ibang mapuntahan ng kapatid ko. Kaya po sinusunod ko si Tita Daisy sa mga pinagagawa n'ya sa akin," umiiyak na paliwanag n'ya.
"May kapatid ka?" Tanong ng lalaki at sinulyapan s'ya.
"Opo si Ariel. Sampu palang po s'ya at nasa grade 3. Hindi pa po n'ya kayang magtrabaho, kaya ako po ang nagtatrabaho para sa amin," sagot n'ya. Habang walang tigil sa pag-iyak.
"You mean wala kang choice kaya mo ginagawa ito?" Tanong ng lalaki bago niliko ang kotse sa kilalang subdivision. Saavedra Real Estate. Kung saan puro mayayaman lang ang nakakatira sa sikat na Subdivision. Kahit mahirap s'ya kilala n'ya ang pinasukan nilang Subdivision.
"Wala po," sagot n'ya sabay singot at pinunasan ang mga luha. Pinagsawa n'ya ang mga mata sa ganda ng paligid nang makapasok na sila sa loob ng Subdivision. Malinis at nakaayos lahat ng mga puno at bulaklak sa daraanan.
"Wow," anas n'ya.
"Bakit?"
"Ang ganda po pala rito, ngayon palang ako nakapasok rito,"
"This is Saavedra Real Estate"
"Puro mayayaman ang mga nakatira rito. Dito ka nakatira?" Tanong n'ya sa lalaki at sinulyapan ito. Masasabi n'yang gwapo nga talaga ang lalaking kasama.
"Yeah, my parents house,"
"Parents house? Anak mayaman ka? Kaya pala may one hudred thousand kang pambili," gilalas na sabi n'ya.
"Yeah, but I didn't buy you, Anya," sagot nito na sa ka una-unahang pagkakataon ay binaggit nito ang pangalan n'ya. Tila musika 'yon sa pandinig n'ya. May kakaibang hatid sa kanya ang pag banggit nito sa pangalan n'ya.
I've saved you, Anya," patuloy nito. Napanganga sya at napatitig sa gwapong mukha ng lalake. Hindi nya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.
"We're here" sabi nito, at tila sya nagising sa panaginip. Tumingin s'ya sa labas ng bintana. Napanganga lalo ng makita kung gaano kalaki, kalawak at kaganda ang pinasok nilang gate. May mga nakita syang ilang sasakyan na halatang mamahalin din na naka park sa gilid ng malaking bahay.
"Dito ka nakatira?"
"Yeah, with my Mom and Dad and my two brothers," sagot nito. At bumaba na ito ng kotse.
"Wow! Grabe ang yaman naman yata n'ya," bulong n'ya. Hindi alam kung paano bubuksan ang pintuan ng kotse. Ito kase ang unang beses n'yang makasakay sa kotse. Bago pa s'ya tuluyang mag panic nabuksan na ng lalaki ang pintuan.
"Salamat, hindi ko kase alam buksan," inosenteng paumanhin n'ya.
"It's ok," sabi nito at niyaya na s'ya sa loob ng bahay.
"Sigurado ka bang pwede akong pumasok d'yan?" Pag aalinlangan n'ya. Alam n'yang hindi s'ya nababagay sa magandang bahay na 'yon, na mala palasyo ang laki at ganda.
"Why not? this is my house,"
"Ah-eh," hindi n'ya alam ang sasabihin kaya naman sumunod nalang s'ya rito.
Naglakad sila papasok sa malaking pinto. At sa bawat lakaran n'ya ay nakakakita s'ya ng mga bagay na ngayon lang n'ya nakita sa buong buhay n'ya.
"Ang ganda naman dito," natutuwang sabi n'ya. Tila ba nakalimutan ang dahilan kung bakit s'ya naroon sa magandang bahay na 'yon.
Pagpasok sa loob. May bumati sa kanilang medyo may edad na babae na naka uniporme. Kaagad itong ngumiti sa lalaki at binati ito.
"Magandang hapon po Sir Gael," bati ng matandang babae at sinulyapan s'ya nito. Alanganin s'yang tinignan at tila sinusuri.
"And'yan na po ba sila Mama't Papa?" Tanong ng lalaki na tinawag ng matanda kanina na Gael. Hindi pa nga pala n'ya natanong ang pangalan ng lalaki kanina.
"Wala pa po ang Papa n'yo Sir. Pero ang Mama n'yo at ang mga Santillan po nasa gazebo na po," sagot ng matandang babae. Muli s'yang sinulyapan na tila nagtataka kung sino s'ya, at ano ginagawa n'ya sa malaking bahay na 'yon?
"So, is Julia's there?"
"Opo Sir, kasama po nila si Ma'am Julia,"
"I see, aakyat lang po kami Manang, pakisabi na lang na andito na po kami," utos ni Gael at hinila s'ya sa kamay. Nanlaki ang mga mata n'ya ng maramdaman ang mainit na palad nito na humawak sa kamay n'ya.
"Let's go," ayaya nito. Humakbang na din naman s'ya dahil hawak-hawak nito ang kamay n'ya. Kaya wala s'yang dahilan para hindi sumunod rito.
"Saan tayo pupunta?" Tanong n'ya, nang mapansin na tinatahak nila ang mataas na hagdan na mala pampalasyo ang laki at taas.
"Sa kwarto ko," sagot ng lalaki. Nanlaki ang mga mata n'yang napasulyap ito.
"Ano?!"