Gael-4

1060 Words
After 5 years "Congratulations Ate!" Salubong ni Ariel ng makababa s'ya ng stage. "Salamat," at mahigpit na niyakap ang kapatid. "Ikaw naman 'yan ang susunod," "Oo naman Ate makakagraduate din ako with honor," sagot ng kapatid. "Tama 'yan," at hinanap ng mga mata ang tiyahin sa paligid pero tila wala ito roon, marahil hindi ito pumunta. Sa wakas nakapagtapos na s'ya ng pag-aaral natupad n'ya ang pangako sa sarili na makakapagtapos s'ya sa kolehiyo. Natapos n'ya ang apat na taon sa nursing sa Colegio de San Sebastian. Ang pinaka sikat at mamahaling eskwelaan sa bayan nila. Sa pagkakaalam n'ya mga Saavedra ang nagmamay-ari ng malaking kolehiyo. Ang mga Saavedra kasi ang pinaka mayaman sa bayan ng San Sebastian, kung saan halos lahat ng mga establisemento at subdivison ay mga Saavedra ang nangmamay-ari. Nakapasok s'ya sa Colegio de San Sebastian dahil sa scholarship na natanggap n'ya mula sa pamilya Saavedra. Isa s'ya sa mga ulilang estudyanteng napili na tulungan ng Saavedra Foundation. Kaya laking pasasalamat n'ya sa mga Saavedra dahil sa mga ito ay nakapagtapos s'ya ng pag-aaral. At ang susunod na misyon n'ya ay makapagtrabaho para itaguyod ang pag-aaral naman ni Ariel na nasa highschool na ngayon. At sa susunod na taon mag kokolehiyo na rin ang kapatid. Kaya kailangan na n'yang makapag trabaho kaagad para maipasok din ang kapatid sa kolehiyo. Ang pangarap naman ng kapatid ang kailangan n'yang tuparin. "Engineer ang kukunin kong course Ate at dito din ako sa Colegio de San Sebastian papasok kagaya mo," sabi ni Ariel habang naglalakad sila pauwi ng bahay. Masiglang nagkukwento si Ariel sa mga plano nito pagtungtong nito ng kolehiyo. At kung ano ang magiging buhay nila kapag nakapagtapos ito ng pag-aaral. Bibili daw ito ng magandang bahay, at tig isa sila ng silid. Natutuwa s'ya dahil pareho sila ng kapatid ng pangarap. Ang magkaroon ng sariling bahay. "Oo naman sigurado makakapasok ka sa Colegio de San Sebastian gaya ko, makakakuha ka ng scholarship dahil matalino ka tulad ko," nakangiting sagot n'ya at umakbay sa kapatid. "Oo naman Ate, mas matalino kaya ako sa iyo, ang hina mo nga sa math eh," biro ng kapatid sa kanya at kumalas sa pagkakaakbay n'ya. "Anong sinabi mo, halika ka nga rito," habol n'ya sa kapatid na nagtatakbo ng nang makarating na sila sa iskinita ng inuupahang bahay. May mga ngiti s'ya sa labing sinundan ang kapatid pauwi sa kanilang bahay. Bitbit ang papel na nakarolyo na kunwari'y diploma n'ya at suot sa leeg ang medalya. Hinaplos n'ya ang medalya at lumalim ang ngiting sumilay sa mga labi. Ngayon nakikita na n'yang may pag-asa na para sa kanila ni Ariel. Alam n'yang may magbabago na kanilang mag kapatid at hindi na sila magugutom pa. Mabibili at makakakain na rin nilang magkapatid ang mga gusto nila pag nakapagtrabaho na s'ya. Hindi pa man s'ya nakakagraduate sinabihan na s'yang sa Saavedra Santillian Hospital na magtrabaho pagkagraduate. Doon kasi s'ya nag OJT at sabi nagustuhan ng ospital ang performance n'ya kaya naman agad s'yang sinabihan na pagkagraduate n'ya ay sa Saavedra Santallian Hospital pumasok bilang nurse. Mag e-exam pa nga lang s'ya sa mga susunod na buwan, pero dahil fresh graduate s'ya at kilala na s'ya sa ospital ay pinapapasok na s'ya sa susunod na linggo para magsimula na sa trabaho. Kaya naman ganoon s'ya ka excited at kasaya na sa wakas ay may totoong trabaho na s'ya. Hindi na s'ya magtitinda sa bakery nila Manang Soleng at makikitinda ng gulay sa palengke, at hindi na rin s'ya mapipilit ng tiyahin na ireto sa kung sinu-sinong lalake, at hindi na magagawa ng tiyahin ang ginawa nito sa kanya noong kinse anyos s'ya na ilako o ibenta sa mga lalake. Laking pasalamat na lang n'ya at isang Saavedra ang tumulong sa kanya noon, napangiti s'ya ng maalala si Gael. "Nasaan na kaya sya?" Tanong n'ya sa sarili dahil matapos ang mga pangyayari 'yon ay hindi na muling nag krus ang landas nila ni Gael, may mga narinig s'yang tsismis na umalis ng bansa si Gael at doon daw nito pinagpatuloy ang pag-aaral. "Sana magkita tayo muli Gael para naman makapag pasalamat ako sa iyo," dahil kung hindi dahil kay Gael ay baka kung ano nang nangyari sa kanya at baka napariwara na s'ya at nawala sa tamang landas. Alam n'yang darating ang araw ay makakapag pasalamat s'ya kay Gael, dahil alam n'yang darating ang araw na babalik ng San Sebastian si Gael dahil isa itong Saavedra at isa ito sa nag mamay-ari ng bayan nila. "Ngayon pala ang graduation mo hindi ko alam," bungad ng tiyahin ng makapasok na s'ya sa maliit na apartment na inuupahan nila. "Mano po T'yang," magiliw na sabi n'ya at nagmano sa tiyahin. "Akalain mo nga naman na nakapagtapos ka nang pag-aaral dahil sa akin," sinulyapan lang n'ya ang tiyahin at hindi na pinansin pa ito sa sinabi. Hindi sa nagmamalaki s'ya pero wala namang naitulong ang tiyahin sa kanyang pag-aaral s'ya ang nagtaguyod sa sarili upang makapagtapos ng pag-aaral. Pero lagi nitong sinasabi na ito raw ang nagpapa-aral sa kanila ni Ariel, lalo na sa kanya dahil sa mamahaling paaralan s'ya pumapasok. Pero hindi nalang n'ya pinapansin ang tiyahin sa mga sinasabi nito, ang mahalaga kase ay nakagraduate na s'ya at makakapag trabaho na. "Kailan ka nga pala magsisimula sa ospital?" Tanong nito habang naghahanap ng makakain sa mesa at sa mga cabinet na wala namang laman dahil wala naman silang pambili. Bago ang graduation kanina kumain na sila ni Ariel sa mamihan malapit sa palengke, kaya naman hindi na sila bumili pa ng pagkain ng kapatid. Isa pa sa plano n'ya pag nakapagtrabaho na s'ya ay lilipat na sila ni Ariel ng bahay, iiwan ang tiyahin pero susuportahan pa rin naman n'ya ang T'yang Daisy n'ya. Nais lang n'yang humiwalay ng tirahan sa tiyahin para naman hindi na sila manduan pa ng kapatid at maiwasan ang mga ganitong pangyayari sa tuwing uuwi s'ya ng bahay. "Lintik! wala na namang pagkain," inis na sabi ng tiyahin at mabilis na lumabas ng bahay. Bumuntong hininga s'ya at ginala ang mga mata sa maliit na bahay. "Makakaalis din kami rito, magbabago din ang buhay namin ni Ariel, magsusumikap ako para magbago ang kapalaran naming magkapatid," determinadong sabi n'ya sa sarili, dahil matagal na rin s'yang nahihirapan makisama sa tiyahin na wala ng ginawa kundi umasa sa maliit n'yang kinikita sa palengke at bakery.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD