"Gusto mong gamitin kita laban sa mommy mo?" aniya habang nakataas ang isang kilay. Hanggang ngayon ay sinusubukan niyang basahin ang nilalaman ng isipan ni Damon ngunit mukhang masyado yata itong malalim para sa kanya, talaga namang nakakalunod sa pakiramdam at sadyang mapanganib kung ipipilit nito ang sarili. "Nasisiraan ka na ba talaga ng bait, Damon?" dagdag pa nito nang wala siyang matanggap na sagot mula sa binata. Nanatili namang walang imik si Damon kaya sinubukan niyang lumayo nang konti ngunit mas lalo lamang pumulupot ang kamay nito sa kanyang katawan. Puno ng lambing na ngayong nakasandal ang mukha ni Damon sa kanyang leeg habang dikit na dikit naman ang basa nilang katawan sa isa't isa. Nahihirapan siyang intindihin ang mga nangyayari pero kahit hindi umimik ang binata ay