Chapter 6 : Dem0n

1939 Words
"D-Damon..." Nauutal man sa kinatatayuan ngunit nanatiling mahigpit ang pagkakahawak ni Vera sa hindi pa nabubuksang flavored beer. Oras kasi na magtangkang lumapit sa kanya si Damon ay sisiguraduhin niyang magkakaroon ito ng malaki at nakakatraumang bukol kinabukasan. "Yes, baby?" he asked with a flirtatious tone. Kulang na lang ay langgamin si Vera sa sobrang tamis ng ngiting iginawad nito sa kanya. Siguro kung may kakilala lang siyang talent manager na nagbibigay ng malaking referral bonus, baka inirekomenda niya na si Damon para maging endorser ng toothpaste. Nakakasilaw naman kasi sa sobrang puti ang mga ngipin nito at talaga namang makalaglag panty kung ngumiti. Akmang sasagutin niya na sana ito nang maunahan siya ng curiosity ng binata. "Are you finally giving into temptation?" Gano'n na lamang ang titig niya sa mukha ni Damon kaya mabilis niyang naaninag ang masamang intensyon sa ekspresyon nito habang nagsasalita. 'Literal nga yatang ipinaglihi sa demony0 ang lalaking 'to!' muntikan pa itong matawa habang kinakausap ang sarili. "Don't be shy, baby!" panghihikayat nito lalo sa kanya. "Sabi mo nga sound proof ang kwarto mo. Ibig sabihin walang nakakarinig sa ating dalawa ngayon, so you can be honest with me." May konting kaba mang nararamdaman sa pinagsasabi ni Damon ngunit sunod-sunod na umiling si Vera bilang tugon dito. "H-Hindi 'yan ang tinutukoy ko." Ginawa niya ang lahat para ipakitang wala siyang kahit konting interest sa kung ano mang pinaplano ni Damon. Marahil kung ibang babae pa ang kaharap nito ngayon, baka kanina pa sila pumayag sa alok nito. But sad to say, she's doing her best to be an exception. Inaamin nitong minsan bumibigay ang katawan niya sa panunudyong ginagawa ni Damon ngunit sa kabila no'n ay ginagawa rin naman nito ang lahat ng makakaya para diktahan ang puso't isipan na kailangan niyang kontrolin ang sarili. 'Bawal ang marupok, Vera!' 'Wala sa vocabulary mo ang salitang marupok at mahina!' Nasaksihan niya kung paano humugot ng malalim na hininga si Damon habang nakakunot ang noo. "Then what is it?" Bakas ang namumuong inis sa boses nito. Sinuklian niya lamang ito ng isang seryosong tingin. "Bakit ba atat na atat kang makuha ako? Hindi pa ba sapat na ikaw ang nakauna sa akin?" Sa mga oras na ito ay naging direct to the point siya at tuluyan ng nawalan ng pakialam sa magiging reaksyon ni Damon. "Being your first or last doesn't change anything. I just want to have you by myself, Baby." Hindi siya makapaniwala sa narinig. "You're too selfish and unreasonable, Damon. Hindi ako pagkain na pwede mong orderin at kainin ng solo." Nahigit nito ang hininga. Totoo naman kasing daig pa nilang dalawa ngayon ang nasa isang fast food chain kung saan pumipili si Damon ng solo meals bilang hapunan. At kung minamalas nga naman, siya pa ang napili nitong pagtripan. Mukha ba siyang pinoy style spaghetti sa harapan nito o baka naman typical na cheese burger? "Yes, you are..." Tumaas ang sulok ng labi ni Damon. "And you know what's interesting? Hindi ako magsasawang kainin ka nang paulit-ulit." Awtomatikong namula ang magkabila niyang pisngi dahil sa narinig. Bastos! Mahigpit na napayukom ng kamao si Vera. Kung pwede niya lang sana itong sugurin at sabunutan nang bongga, baka ginawa niya na kanina pa pero mas minabuti niyang panatilihin ang distansya para manatiling safe rito. "Wala ka na ba talagang ibang choice at ako ang napili mong pagtripan, Damon?" Tumango lamang ito na labis niya namang ikinainis. "Huwag mo ring masabi-sabi sa aking walang babaeng lumalapit sa'yo dahil alam kong marami. Hindi bebenta ang mga alibi mo sa akin." Pinaningkitan niya ito ng mga mata dahil balak niyang maging human machine gun ulit oras na pumalag ito sa mga sinasabi niya. "Fine," kalmado nitong tugon. "You know there's a lot of women swarming around me...inside and outside the university." Tinaasan niya ito ng kilay. "Marami naman pala, bakit hindi ka mamili sa kanila? I'm sure para ka lang pumipili ng kamatis sa supermarket no'n dahil sa dami ng pagpipilian mo. Maraming mas malalaki ang dyoga, mala-snow white sa puti ang balat at mahahaba ang biyas, pabor na pabor 'yon sa kamanyakan este taste mo." Nang muling magtama ang mga mata nilang dalawa ni Damon, hindi niya maintindihan kung bakit matinding disappointment ang nakita niya rito. May nasabi ba siyang masama? Bakit parang may something sa tingin nito sa kanya? "Don't push me away, baby. May magagawa ba ako kung ikaw ang hinahanap-hanap ko?" Hindi niya maintindihan kung matutuwa o maduduwal ba siya sa sinabi nito. "Susme! Nahihibang ka na ba talaga? Ang daming palay na lumalapit sa'yo, sa abandonadong insekto ka pa talaga habol nang habol," sermon niya rito. Hindi naman sa binababa niya ang sarili, gusto lamang kasi nitong magpakatotoo at imulat ang mga mata ni Damon sa katotohanang maraming mas magaganda at pinagpala kaysa sa kanya. She's just an average b'itch compared to them. Hindi hamak na lamang na lamang ang mga ito sa paligo, sabayan mo pa ng mamahaling imported perfume. "Actually, I like abandoned insects." Muli itong ngumiti sa kanya. "They're cute and gross at the same time," ani Damon saka pinagalaw ang daliri na para bang caterpillar." "Pilosopo!" Napahalukipkip naman ito sa harapan niya habang nakangiti. "Then stop comparing yourself with others and don't force me to like them." Ilang segundo siyang nasemento sa kinatatayuan. Tama ba ang pagkakarinig niya? Siya naman ngayon ang sinesermunan nito? "Ewan ko sa'yo!" aniya para ilihis ang usapan. Hindi maaring bumaliktad ang sitwasyon at magkaroon ito ng karapatang pangaralan siya. Sapat na ngayong naging professor niya si Damon at nirerespeto niya ito sa harapan ng mga kaklase kahit ang totoo ay napipilitan lamang siya. Wala rin siyang balak na malaman ng publiko na stepbrother niya si Damon at nakatira silang dalawa sa iisang bubong. "You should feel proud of yourself, right?" "At bakit naman?" mapait niyang tanong na ikinangiti naman nito. "Because I'm head over heels for you." Kung akala ni Damon mapapangiti siya ng simpleng hirit nito, puwes hindi. Habang tumatagal ramdam niyang mas lalo lamang siyang kinikilabutan sa pinagsasabi ng binata. "Tumahimik ka na, Damon. Wala akong pakialam kung head over heels ka sa akin o kung ano pang nararamdaman mo ngayon. Basta ang alam ko magmula nang dumating ka sa mansyong ito puro sakit ng ulo na lang ang ibinibigay mo sa akin. Hindi mo ako hinahayaang makapaghinga mula sa stress ko sa mommy mo." Subukan man nitong pigilan ang sarili pero kusa nang lumabas sa bibig niya ang inis na nararamdaman, wala siyang balak na ibaling ang pagkamuhi sa mommy nito kay Damon pero kung ganito naman ang mangyayari araw-araw baka maging magkapareho ang treatment niya sa mag-ina. Marahil nakalimutan na rin nito ang kahihiyang natamo niya mula sa ama habang kumakain sila ng umagahan, halatang-halata ngang mas masaya pa itong kausap si Damon kaysa sa sariling anak. Magmula nang mamatay sa hindi malamang kadahilanan ang kanyang mommy naging impyerno na rin ang buhay niya sa mansyon at mas lumala pa iyon dahil sa presenya ng binata. "When you hate my mom so much, shouldn't I be your comfort zone?" Really? Gusto niyang iumpog sa pader ang ulo nito para matauhan. Alin ba sa mga sinabi niya ang hindi maintindihan ni Damon? Dapat ba nitong sabihin ng diretsahan na kalaban ang turing niya rito at hindi kakampi? "That will never happen," giit nito. "Never as in never in your wildest dreams." Mataman siyang tinitigan ni Damon. "Maaga ka ngang umuwi ng mansyon dahil sa akin, hindi ba? Bakit hindi mo na lang aminin that you're excited to see me?" "Huwag kang assuming, mas excited pa akong uminom ng flavored beer kaysa makita ka," pagmamatigas niya. Agad namang naglaho ang ngiti nito habang nakatingin sa hawak niya. "So you'll choose that over me?" Kinumpirma niya ang tugon rito sa pamamagitan ng marahang pagtango. "Yes, hindi hamak namang mas masarap ang iniinom ko kaysa sa'yo." Hindi niya mabilang kung ilang beses itong napailing. "Now that's madness, baby." Bumuntong-hininga ito habang nakatingin pa rin sa kanya. "How can you compare me with a mere flavored beer? Can't you appreciate how addictive I am and how my di'ck brought you to heaven?" Mahina siyang natawa. "Poor, Damon. Nasaktan ko ba ang ego mo?" Kitang-kita niya kung paano ito napabuga ng marahas na hininga. "Not at all. Do you want me to buy more for you, baby? We can call a delivery rider to hand us a bucket of your favorites." Parang natunaw bigla ang tuwang nararamdaman niya. Kung kanina nagagawa pa nitong tumawa at mang-asar, mabilis na napalitan ng kaba ang emosyon nito. "Balak mo ba akong ipahamak?" Muli itong napailing. "Why would I do that? You choose flavored beers over me, I'm just giving you what you want." Kalmado ang pagkakasabi nito pero alam niyang tinatakot siya ni Damon. Paulit-ulit nga nitong binabanggit na mas pinili niya ang flavored beer. Nagkukunwari lang itong walang nararamdamang inis sa kanya. "Bumili ka kung gusto mong bumili, magpakalunod ka sa alak kung gusto mo, huwag mo lang akong ipapahamak sa binabalak mo." Hindi niya na ngayon mabilang kung ilang beses itong umiling. "Drinking alone is depressing and sad, hindi ba nasabi ko na 'yan sa'yo noon?" Saglit siyang natigilan nang mapansin ang malungkot na ekspresyon sa mukha nito. Kailan ba nito sinabi? May nabanggit ba si Damon habang nag-uusap silang dalawa sa bar? "Wala akong maalala," mas pinili niyang sabihin ang totoo rito. Pinakatitigan lamang siya nito saka napabuga ng hangin. "I told you that it reminds me of my dad in heaven...my real dad to be specific." Subukan niya mang alalahanin pero mukhang naglaho na kasabay ng kalasingan ang alaala nito sa mga pinag-usapan nilang dalawa. Wala siyang nagawa kung hindi sumagot na lamang. "I'm sure mas mabait ang daddy mo kesa sa daddy ko, hindi mo siya maaalala ng ganyan kung naging masama siya tulad ng sa akin." Hindi tumango si Damon bagkus ngumiti lamang ito sa kanya. "You really want to burn my mom and your dad in hell, don't you?" "Sinira nila ang buhay ko, ano pa bang aasahan mo?" bakas ang matinding sama ng loob sa pananalita nito. Saglit siyang natigilan nang makitang kumilos si Damon, at laking gulat niya nang komportable itong nahiga sa kama. "And you want me to go to hell with them?" Inilatag nito ang sarili doon na para bang isang bangkay, hindi niya naman mawari kung matatawa o maiinis ba siya sa kalokohang ginagawa nito. "Birds of the same feather flock together," may diin niyang sambit. Mabilis na lumingon si Damon sa gawi niya. "What if I tell you I'm different?" Humugot lamang siya ng malalim na hininga saka napailing dito. "Hindi mo ako mapapaniwala, Damon. Kung sarili ko ngang ama nagawa akong traydurin at talikuran. Ikaw pa kaya?" Hindi man nito sabihin, alam niyang ramdam na ramdam ni Damon ang pait sa mga salitang binibitawan niya. Kung tutuusin kulang ang salita para maiparamdam niya ang sakit na nararamdaman dito, wala pa iyon sa katiting nang pagdurusang naranasan niya nang nawalan siya ng karapatan sa mansyon at sa lahat nang naipundar ng sariling pamilya. "My name may sounds like a Demon but I'm an angel by heart, baby." Kumawala lamang ang malakas na halakhak mula kay Vera. "Angel mong mukha mo, Damon! Araw-araw mo nga akong dinedemonyo, may lakas ng loob ka pang sabihin 'yan?" Tumaas lamang ang sulok ng labi nito. "Why not? Gustong-gusto mo namang dinedemonyo kita, 'di ba? Don't you want me to be your angel and demon at the same time?" Muli lamang siyang natawa habang iniisip na para bang pinaparating ni Damon na maari niya itong gamitin laban sa sariling ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD