Chapter 2

1356 Words
Chapter 2   Amarha's P. O. V   Napakagat ako sa kuko ko sa aking hintuturo habang tumitingin ng process of abortion.   "s**t, parang hindi ko kaya," bulong ko habang pinapanood kung paano patayin ang baby sa loob ng matres.   "Hoy! Biogesic daw!" agad kong in-off ang cellphone ko dahil sa sigaw ng katrabaho kong pharmacist na si Mitch.    "Oo na," sambit ko at binulsa ang cellphone ko.    Lumapit ako sa costumer.    "Ilang biogesic po?" tanong ko.    "Isang banig," aniya.    Kumuha ako ng biogesic saka pinlastic. Binigay ko ito sa costumer at   binigay sa nagca-cashier na si Paul ang bayad.    "Miss, ten pieces ng cetirizine," ani ng isa pang costumer.    Kumuha ako ng cetirizine at naggupit ng ten pieces saka binigay sa costumer.    Nang maubos na ang mga costumers ay pasimple akong tumingin sa mga contraceptive pills. Napasapo ako sa aking noo.    "Kung alam ko lang na may makaka-s*x ako ng araw na 'yon..." bulong ko at napapikit ng mariin.    Hindi ko pa rin alam ang desisyon na gagawin ko lalo na at nalaman kong hindi okay ang ugali ng Ama ng anak ko. Pakiramdam ko mahihirapan lang ako, hindi niya tanggap na may anak siya, hindi ganito ang naisip kong pamilya na mabubuo ko. Hindi ganito kagulo.    "Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Kyla.    Tumayo ako ng tuwid at ngumiti sa kaniya.    "Okay lang ako," sagot ko at kunwaring inaayos ang mga gamot.    "Ang weird mo these days, 'yung totoo, Amarha?" aniya at pumamewang sa harapan ko.    "Ha! B-baliw! Wala nga," pagde-deny ko at napaiwas ng tingin sa kaniya.    "Hindi ka na nagsasabi sa akin nakakatampo na--" napatigil siya nang may matandang costumer.    Napabuntong hininga ako nang umalis na siya para puntahan ang costumer.    Muli kong kinuha ang cellphone ko. Napatingin ako sa contacts ko at nakita ko ang pangalan ni Daniel.    "Kainis talaga..." bulong ko.    Bakit kasi hindi siya ang ama ng anak ko? Bakit hindi na lang siya? He revealed that he never had s*x? Really!?    "Amarha!" tawag sa akin ni Paul sabay abot ng reseta.    Napakamot ako sa ulo at inintindi ang sulat ng doktor.    Minsan naiinis na ako sa mga sulat nila na ang panget ng penmanship. Kami nahihirapan umintindi.    ****************   Matapos ang duty ko sa drug store ay pumunta ako sa iba pang drug store para bumili ng gamot na kakailanganin ko para sa pagbubuntis ko. Hindi ako pwedeng doon mismo bumili sa kung saan ako nagtatrabaho, mahirap na at malalaman nilang buntis ako. Hanggat maari, gusto kong gawing sikreto.    Sumakay na ako ng jeep at dahil pagabi na, ramdam ko ang pagod. Pumikit ako at walang pakialam sa nangyayare sa paligid ko.    "Napakamalas naman!"    "Anong nangyare?"    "IBALIK NIYO NA LANG BINAYAD NAMIN!"    Napadilat ako sa mga narinig ko. Nakita kong nakahinto na ang jeep.    "Pasensya na po kayo! Hindi ko po akalaing masisiraan ako ng jeep!" sigaw ng driver.    Nagulat ako nang makitang binabalik niya ang sukli ng mga pasahero. Isa-isang bumaba ang mga nakakuha na ng binayad nila.    "Miss, heto ang binayad mo," ani kuya at nag-abot ng barya.    "Hindi na kuya, sa 'yo na po iyan, sana maayos na 'tong jeep niyo agad," sabi ko at bumaba ng jeep.    Napatingin ang ilang pasaherong natira at nakita kong hindi na nila tinanggap ang binigay ni Manong. Hindi man lang sila maawa, sampung piso, pwede namang ibigay na lang.   Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Walang maaabangang jeep sa gawi dito. Kailangan ko pa tumawid para sa trycicle.    "Pagod na ako, uwing-uwi na," reklamo ko.   Nakita ko namang tumawid na ang ilang mga tao kaya sumabay na ako. Habang patawid ay kinalabit ako ng isang batang pulubi.    "Ate, barya lang po," aniya.    Dahil maaawain ako ay nilabas ko ang wallet ko pero nagulat ako nang may isang lalake ang umagaw ng wallet ko. Mabilis itong nakatakbo at hindi man lang ako nakapalag.    Hindi ako nagdalawang isip na habulin ito. Hindi ako papayag na mawala ang wallet ko!    "HOY! SA AKIN 'YAN! MAGNANAKAW!" sigaw ko habang tumatakbo.    Tila ba nawala ang antok ko.    "Pakiharang 'yung lalake!" sigaw ko pero walang kumilos sa mga nag-aabang ng masasakyan sa kalsada.    "HOY! MAGNANAKAW!"    Biglang may mga pulis akong nakitang tumatakbo. Mabuti na lang at naabutan nila ang lalake. Habang papatawid ng kalsada para puntahan ang magnanakaw at mga pulis, napahinto ako sa gitna ng kalsada nang bigla akong makaramdam ng pananakit ng puson.    "Amarha!?" nagulat ako nang marinig ko ang tinig na iyon.    "D-Daniel?" bulong ko.    Nakita kong bumaba siya ng kotse. Lumapit sa akin ang isang pulis.    "Miss! Okay ka lang ba? Sa 'yo ba ito?" tanong niya sabay abot ng wallet ko. Nakita kong hawak niya pa ang I. D ko na nasa loob ng wallet.    "Opo! Salamat po!" sabi ko at kinuha ang wallet at I. D ko.    "Salamat, Sir," ani Daniel at hinawakan ang braso ko.    "Mag-iingat kayo sa susunod," ani ng pulis at lumakad na paalis.    "Ihahatid na kita," ani Daniel at hinila ang kamay ko.    Isang hakbang pa lang ay napadaing na ako at napahawak sa puson ko.    "Amarha?"    Ramdam ko ang pawis ko sa buong katawan dahil sa pagtakbo, dagdag pa ang sakit ng puson ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot akong may mangyareng masama sa anak ko.    Dahil hindi ako makapagsalita ay nagulat na lamang ako nang maramdaman kong binuhat ako ni Daniel at sinakay sa kotse niya. Sinuotan niya ako ng seatbelt.    "Let's see a doctor. You're pregnant for God's sake! Take care of yourself!" may halong galit ang boses ni Daniel.    "H-hindi ko naman sinasadya..." bulong ko.    Bigla siyang lumingon sa akin.    "Y-yes, I'm sorry," aniya.    Pumunta kami sa pinakamalapit na Ob-gyne para ipatingin ang tiyan ko. Nang pahigain ako sa hospital bed ay noon ko nalaman na mayroon pa lang dugo sa punja ko.    "s**t! You're bleeding!" nag-aalalang sambit ni Daniel.    "Alam ko! Teka--kinakabahan ako!" sabi ko at napatakip sa mukha ko.    Paano kung mawala ang baby ko!? Iniisip ko lang naman ang abortion pero hindi ko pala talaga kayang mawala ang baby ko!   "We're going to check her vitals first," ani ng doktor.    Nang matapos ay kinausap niya muna ang mga nurse bago ako kausapin.    "You're a model, am I right? Parang nakita na kita sa billboard--" napatigil ang doktor.    "Yes, she's my friend," aniya.    Patay, baka kung ano pang mangyareng issue at masira ko ang pangalan ni Daniel.    "Ow--okay, your friend is having a spotting, hindi naman malala dahil cause lang ito ng stress at pagod. She's only 5 weeks pregnant, mahahalintulad sa bean ang laki ng baby niya. Luckily, your baby is healthy but you--" tumingin sa akin ang doktor, "You're tired and stressed, remember that, the baby can also feel what you are feeling."    Tumingin sa akin si Daniel at napakunot ang noo.    Nakakapagod naman talaga ang duty ko, simula umaga hanggang hapon nagbibigay ng gamot, nakatayo o palakad-lakad.   "I advice to have a rest and less stress, medyo maingat dapat sa first trimester, Misis," ani doktor.    Lumabas na ang doktor pero hinabol pa ito ni Daniel sa pinto. Hindi ko naman narinig kung ano ang pinag-usapan nila.    Ilang sandali lang ay bumalik na si Daniel.    "I'll take you home," aniya at inalalayan akong tumayo.    "T-teka... Gising pa kasi si Mama sa ganitong oras, hindi niya pwede makita na may dugo yung underwear at pants ko. Kung sasabihin kong may regla ako, bakit bukas wala na? I mean--"    "Hindi mo pa rin sinasabi sa parents mo?" tanong niya.    Napatikom ang bibig ko. Hindi ko alam ang dapat kong isagot.    "So what are you gonna do now?" tanong niya.    Napabuntong hininga ako.    "Ihatid mo na lang ako sa kaibigan ko," sabi ko.    "I'll suggest that you come into our house, nandoon ang magaling kong kakambal, he must know what's his child's health," ani Daniel at hinawakan ang kamay ko saka hinila palabas.    Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil sa palagi niyang paghawak sa kamay ko. Ang touchy niya, very generous, gentleman at gwapo.    Grabe...   Kung hindi ikaw ang ama ng anak ko, sa 'yo na lang ako maglilihi para kamukha mo. Kahit na kamukha mo rin si Nathaniel--ay basta!   ********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD