Angelie's POV "First group activity niyo sa akin ay commercial with brochure. Gusto ko ipakita niyo kung paano niyo magagawang hikayatin ang mga tao na bumili ng produkto ninyo," sabi ng professor namin. Tatlong linggo pa lang ang klase namin mula ng magsimula ang lesson namin pero may pa group activity na agad. Nakakainis naman. Kung kailan balak kong umuwi sa Bulacan tsaka may pa group activity. "Five people each member, guys. Nasabi ko na sa inyo ang lahat at kung may hindi kayo maintindihan itanong niyo na lang sa president ng klase." Huling salita ng professor ko at basta na lang umalis. Agad kong inilabas ang cellphone ko bago unahin ang pagliligpit ng laptop ko na nasa harapan ko. Binuksan ko ang messenger ko at agad na nag chat kay Francoise. To: My best boy 'I can't go : W