Angelie's POV Tahimik akong nakaupo sa sofa sa sala nila Cyrine habang inaatay ko ang pagbaba niya. Kasama ko sila Gab at Andrew pati si Ayen syempre. Ang kaba ko sa dibdib ay kanina pa dumadagungdong dahil sa presensya ng lalaking nasa tabi ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga salitang nasabi niya kanila lang. Dapat ba kong maniwala sa kanya? "Hi guys," bati sa amin ni Cyrine. "Nagbreak fast na ba kayo?" Agad akong napatayo at lumapit sa kanya para magkaroon naman ako ng distansya kay Ayen. Masyado siyang nakakaintimida. Hindi ko makayanan ang presensya siya pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin kanina sa kotse bago kami pumasok dito. "Yes," sagot ko. "Ako hindi pa. Gusto ko kasi ang luto ni tita," ani Gab na tahimik rin tulad ko. Hindi pa rin yata sila ayos ni