Episode 24

2640 Words

Angelie's POV "Tara na. Kain na tayo," anyaya sa amin ni Gab. "Mauna na kayo. Mag ba-banyo muna ako," pag papaalam ko sa kanilang apat. Buong araw akong walang gana dahil masakit ang puson ko. Ngayon ako may dalaw kaya hirap na hirap akong kumilos at parang ang bigat ng dala ko. Ayoko pa ngang makinig sa usapan nila Gab dahil baka matawa ako at bumulwak ang regla ko. "Samahan na kita," saad ni Ayen at kinuha sa akin ang bag ko. Napatango ako sa kanya at humawak sa braso niya dahil masakit talaga ang puson ko. Mabuti na lang at apat na subject na lang ang natitira. Kaonti na lang naman at makakauwi na ako. "Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Ayen habang naglalakad kami papunta sa bathroom. Napatango na lamang ako sa kanya at napahawak sa puson ko dahil para itong binibiyak ng lagari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD