HINDI NAMALAYAN ni Enchong ang pagbaha ng mga luha niya. Hindi siya iyakakin ngunit sa pagkakataon na iyon ay malayang umagos ang mga luha niya. Sobra siyang nasaktan at nanghihinayang sa relasyon nila ni Aggie. Subalit sa kaibuturan ng puso niya ay sinisigaw nito na huwag siyang sumuko at ipaglaban ang babaeng minahal niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha bago ito tumayo at lumabas, at bitbit niya ng notebook ni Aggie.
"Pa, hihingi sana ako ng pabor," ani niya kay Mang Lucio.
"Ano 'yan, Encho?"
"Huwag mo na lang ipaalam kay Gie-Gie na nagpunta ako dito, at huwag mo na ring banggitin na nakauwi na ako ng Pinas, upang hindi magulo ang isip at ang pagsasama nila ng asawa niya."
"Sige, kung iyan ang gusto mo, at mabuti na rin iyon," sang-ayon niya rito.
"Magpaalam na po ako, Pa."
"Sige. Pero saan ka pala tutuloy ngayon?" pag-alala na tanong ni Mang Lucio.
"Babalik na lang siguro ako sa Manila."
"Kung dito ka na lang magpalipas ng gabi."
"Huwag na, Pa. Mas lalo ko lang maaalala si Gie-Gie."
"Naiintindihan kita, Encho."
Hanggang sa nagpapaalam si Enchong at tuluyang umalis. Malungkot siya na sumakay ng taxi. At laman pa rin ng isip niya ang mga sinasabi ni Mang Lucio.