CHAPTER 13

1637 Words
SILIP SA APOY ( CHAPTER 13) * * * p(*^-^*)q Ng matapos na ako mag agahan ay agad ako bumalik sa office ni Yung master, para i-prepare pa ang kakailanganin sa pag alis namin. Naging excited ako sa pag alis namin dahil may maganda akong pinaplano, at kailangan ngayon araw ay hindi na ako tayapak pang muli sa mansion na to, Oh ang pagsilbihan ang batang ito dahil. Hindi ako sanay na nakakulong lang at paulit ulit ang trabaho at mas lalong hindi rin ako sanay na manilbihan lalo sa mga taong ito, na hindi ko alam kung anong mga karakas sa likod ng mga kakaibang galaw nila, alam kong isa rin silang mga killer, pero kung ikukumpara naman sakin ay siguro mas malalake pa ang mga atraso nito sa batas. Kaya mas delikado ako pagmagtagal pa ako dito. Sa pag pasok ko ulit ng office niya ay nakakita kong naghahanda na ito at nanlaki ang mga mata ko ng makita a ko ang isang malaking kabinet na naglalaman ng ibat ibang armas. Kumuha sya ng tatlong baril na maliit ang size at inilagay sa bawat gilid niya, at mga reserbang mga bala. Naka suot din ito ng bulletproof. Napataas ang isa kong kilay ng makita kong todo ayus sya sa kanyang sarili. Siguro bukod sa kanila may mga iba pa itong kalaban sa labas, dahil kung makapag ayos ay talgang na niniguro!. Samantalang ako ayun nakatunganga lang, pano kung magkaruon pala ng barilan di ako ang una na tege, dahil wala man lang akong suot na kahit anong protection para sa sarili ko. " Let's go!.." Tipid nitong saad na agad kong sinunud naman. " Hindi naba ako magpapalit!.." Saad kong wika dito. Okay naman ang suot ko pero hindi ako sanay na magsuot lang nakapambahay, gusto ko yung nakatodo atired din ako at naka facemask dahil makikita ako or baka mahuli pa ako ng mga pulis. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at nagmadali akong tinungo ang kwarto ko kinuha ko nalng ang black leader na jaket ko at sumbrero, t'saka facemask, t'saka ako bumalik sa pinag iwanan ko sa kanya. Nagmadali akong tinungo ang harapan ng malaking pintuan palabas at sa paglabas ko ng mansion ay isang magarang kot'se ang tumambad sakin. Bukod duon ay may iilan ding mga kot'se ang nasa likurang bahagi nito. Siguro mga tauhan nya mga nakasakay dito. Sumenyas naman sakin ang isa nitong tauhan sabay turo sa pangalawang kotse at sinasabi na duon ako sumakay!. Ay akala ko panaman sa mismong kotse ni Yung Master ako sasakay, hindi naman pala. Pero okay narin yun, masmadali kong matatakasan ang mga ito. Tahimik akong sumakay at napalunok nalanga ko dahil ako lang ang babae na nakasam nila, seryoso lang ang mga ito at lahat nakasuot ng puru itim at mga seryoso ang mga muka, bukod duon hindi sila mga pilipino, at pansin mga katawan ng mga ito na batak na batak sa pakikipaglaban, dahil sa malaaking maskuladong braso at katawan. Napaisip ako na makakatakas kaya ako sa kamay ng mga ito?!, Kung ganito ba naman sila karame!, At isang suntok lang ng isa sa muka ko, paniguradong tulog wasak ang bungo ko. Bale limang sasakyan at nasa gitna ang sinasakyan ng Yung Master, at nasa unahan naman ang sasakyan na sinakyan ko. ' Grabe naman, pano pala kung biglang i' ambosh kame, at paulanan ng bala, di talagang mauuna akong matetege nito dahil bahagyang nasa unahan ang sinasakyan namin at kung may gulo kame ang kawawa tapos wala man langaako kahit anung hawak na armas!, para protektahan ang sarili ko kung sakali lang magkagulo.' Tahimik lang ang naging byahe namin at pati sa loob ng sasakyan ay wala ni-isa ang nagsasalita. Grabe naman mga taong ito, parang mga robot at hindi manlang gumagalaw sa kinauupuan, at deretso lang ang paningin sa unahan. Naka van naman kami ng at sobrang kapal ng tinted ng salamin ng ng Van. Grabe ang galanti talaga ng Yung Master nila at protektado. Bigla ako natawa ng may maisip. Bakit hindi ko kaya tanungin itong kulay asul ang mata, at seryosong nakatanaw sa unahan. " Am, sir, May I Ask something?.." Saad kong tanong na ikinalingun naman ng laaking tauhan. " Hmmn!.." Tipid nito tinig. " Do you understand tagalog language?.." Muli kong tanong. Tumango naman ito. ' Yun naman pala pinapahirapan mo ba ako mag english paka dito, nakakaintindi ka naman pala ng tagalog!..' " Saan tayo pupunta nila Yung Master!.." Muli ko ng tanong. " Sorry but!, hindi ko pwedeng sabihin it's a private!.." Muli nitong ika at agad na bumalimg sa harapan ang tingin. Napangiwi nalangaako ng muka ko at bbibig ko dahil sa sibrang ka istriktuhan nila. ' Sus, daming alam, may pa privat- private pang nalalaman eh!..' Habang abala ako sa kakatingin sa loob ng van ay kita ko ang mga kakaiba nitong design, mukang maid from US ah, at pang gyera! ang datingan ng mga saksakyan nila. Ng walang pang ilang sigundo ay malakas sumob-sob ang muka ko sa unahang bahagi ng sandalan ng upuan sa unahan ko dahil sa lakas ng preno. At nakita kong nag si alertohan naman ang mga kasamahan ko. Kasabay nun ang biglang paulanan na kami ng bala at nanyukoyuko na ang iba kong kasamahan sa loob ng van, at ang napansin korin sa gilid ng bintana ang mga iba pang tauhan ay nakikipagpalitan na ng putok sa mga naka Van na puti sa harapan namin. Marami ang mga ito nasa walong Van sila, at puno din ng mga Armadong kalalakihan at may malalaking hawak na baril. Hindi naman makabwelo ang mga kasamahan ko para bumaril, dahil patuloy lang kaming pinapuputukan at mas delikado kame dahil nasaharapan kame kung saan nabaril ang iba sa kasamaham ko at ang iba naman ay may mga natamo ng sugat. Ramdam ko ang pagtalsik ng mga dugo sa muka ko dahil sa malakas na baril ng mga ito. ' bushit na buhay to oh, mukang mamatay pa ata ako, ano ba ito, hindi pa nga ako nakakatikim ng hotdog, tapos mamatay na agad ako. No way. ' Para maka survived sa nagbabantang kamatayan ay na niguro na ako. Ayoko man sana ipakita ang abilidad ko pero no choice na ako, mas magandang lumaban kesa hintayin ang kamatayan ko. at mukang wala namang atang maglilitas sakin dito dahil baka akala nila dead on na kame. Hellow sila lang not me!.' Ng mapansin kong hindi na nila pinapuputukan ang Van namin ay duon na ako kumilos mula sa pagkakaduko ay dahan dahan akong naglakad ng nakadungo at mabilis kong hinugod at isang armalite na baril na hawak ng isang tauhan na wala ng buhay, at nangyuyuko akong binuksan ko ang pinto, at unti unting sumilip sa labas, kalaiwa kanan ang naging matyag ko at nakita ko namang abalang sa pakikipag barilan ang iba pa sa mga tauhan ni Yung Master. sumandal muna sa van at t'saka ako naghahanda sa pag atake para makipag barilan na sa mga kalaban. Ng makakita ako ng bwelo ay agad na akong tumayo at mabilisang nagpapatutok ng armalite, ilang din tao ang natamaan ko, kaya ayun tinadtad na naman nila ng baril ang van na pinagtataguan ko, hindi naman ako nag patalo dahil lumaban din ako, nakipag palitan ng putok sa mga kalaban ,pero bigla ako natigilan at nagulat ng biglang may tumutok sakin ng baril sa mula likod. " Helloa dear!.." Mangas nitong wika at mabilis na kinuha ang hawak kong armalite, at mabilis akong sinakal gamit ang pagpulipot ng kanyang braso sa leeg ko. " Hindi ko alam, na may magaling palang hired gun shot si Yung Master, at napahanga mo ako, little girl dahil sa husay na nakita kong ipinamalas mo kanina ng makipagsabayan ka sa mga tauhan ni Yung Master. Hindi naman ako nakaramdam ng takot oh pagkabahala dahil sanay naman ako sa ganitong situation at madali lang ako nakakapag isip ng Sulution. Mabilis kong inilagay ang isa kong paa sa likurang bahagi ng kanyang paa na hindi nito napapansin at mabilis akong humawak sa likuran bahagi ng kanyang ulo at buong lakas ko itong pinabaliktad sa cemento ng hindi nito namamalayan, at sabay tapak sa leeg nito t'saka mabilis kong hinataw ng baril na hawak ko ang muka nito. Na naging sanhi para mapasigaw ito sa sakit. Mabilis ko namang hinawakan ang panga nito t'saka mabilis kong pinaiikot, at ilang minuto ay nawalan na ito ng malay. mabilis naman akong nagpagulong gulong sa cemento ng biglang may bumaril sakin, buti at hindi ako nataman. Agad ko naman itong binaril, napatayo ako ng gulo gulo ang buhok at agad na napatingin sa kotse na nasa harapan ko, lahat ng mga armadong lalake ay mga nakabulagta na ito at mga wala ng buhay. Agad naman ako napatingin sa mga kotse na sinakyan ng mga tauhan ni Yung Master ay natuwa nalangaako ng makita maayos lang sila. at gaya nga ng dati malamig pa sa yellow ang mga hitsura, na parang hindi na bago sa kanila ang ganitong pangyayare. At parang balewalang sa kanila ang mga kasamahan nilang namatay. ' Ganito naba dito, handang mag buhis ng buhaya ma protektahan lang ang batang uhugin nato. Nakakainis naman ang anfair huh.' Bigla namang bumababa ang Yung Master at nakapamulsa lang ito na nakatanaw sa akin at seryoso ang ipinakol na pagkakatitig nito sakin. Habang na ninigarilyo. Pero nagulat nalang ako ng bigla niya ako tinutukan ng baril. Napakurap kurap pa ako ng mata at sandaling kinabahan at napaatrass, pero bigla nalang ako nagulat ng may bumulagta na sa liguran ko. Agad ako napatingin at isang menor edad ang binaril nito na tyansa ko ay nasa 18 palang. Nakita kong may ha allowak itong baril, siguro babarilin na sana ko nito pero naunhana siya ng Yung master, kala ko ako ang babarilin eh, hindi naman pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD