CHAPTER 19 SILIP SA APOY
*
*
*
(꒦໊ྀʚ꒦໊ི )
Kinabihan pasado alas ot'so na ng gabe ng matapos ko lahat ng ipinapagawa sakin ni Yung Master. Pumumta na ako sa silid ko para magpahinga.
Napabuntong hininga nalang ako sa situwasyon ko, gustuhin ko man sanang tumakas ay hindi ko magawa, at sa tuwing tatangkain kong gawin ang pagtakas parang may pumipigil at pakiramadam ko parang may nakamasid sa bawat galaw ko.
Dalawang iras pa ang inantay ko para sana matulog, pero hindi ko magawa dahil para akong natatakot na ipikit ang mga mata ko, na hindi ko alam kung bakit!.
Hanggang sa may marinig akong huni ng mga sasakyan, at pagbukas ng gate, tinangka ko ulit silipin ito sa maliit na bintana at gaya nga ng inaasahan ko tatlong van ang nag sidatingan, isa isa naman na nag sibabaan ang mga armadong kalalakihan na may hawak na baril at sa tingin ko tauhan ang mga ito ni Yung Master.
"Hanep ah sa idad nyang 22 anyos ganito na karami ang napapasunod nya, at nasisiguro ko ngang may gagawin ang mga ito ngayon..." ika kong mahinang usal sa sarili ko.
Pero nanlaki naman bigla ang mga mata ko ng may makita akong nasa anim na tao ang natali sa likod ang mga kamay at nilagyam ng telang itim ang mga ulo.
" hala pusang gala, anong gagawin nila sa mga yan?, At bakit may mga babae din nasa tatlo ang mga babae at nganun din ang kalalakihan!..."
Pinaghihila nila ang mga ito papunta sa likod ng bahay, na alala ko may bahay nga rin pala na hindi gaanong kalakihan sa likod nitong penthouse nya.
" Ano naman kaya ang gagawin nila sa mga iyun, kawawa ang mga babae."
Bigla ako nangilabot at kinabahan ng makita ko ang mga babaeng na bihag din ng mga ito na hahagulgul sa iyak at tila nag mamakaawa ang knilang iyak habang nakabusal ang mga bibig nila.
Sinu kaba kase talaga Yung Master? sa kabila ng amo ng muka mo at malambing mong tinig na sa unang tingin hindi aakalain ng ninu man na may tinatago ka palang ganitong mga gawain na tanging mga halang at sinusunug na sa impyerno ang kaluluwa,at ano naman kaya gagawin nyo sa mga bihag nyo?.
Bigla ako napatingin sa pinto ng biglang may kumatok, saglit kong na alala yung bilin nya na pag sumapit na ang alas dyes ng gabi ay kaylangan nakapatay na ang ilaw ko sa loob ng kwarto.
Napalunok nalang ako habang naririnig ko ang paisa isang katok na iyun, at habang tumatagal ay pabilis ng pabilis na parang g usto ng sirain ang pinto na gawa sa bakal!, At pilit na binubuksan ito.
Nataranta ako at bigla ko naman pinatay ang ilaw, ilang segundo pa mg tumigil ito na ang katok na naririnig ko, aminado akong gusto kong sanang buksan pero nakaramdam ako ng takot, na hindi ko alm kumg bakit.
Bigla ko na halos pareho lang din daw ng patakan nya dito at sa kanyang mansion, na bawal ng lumabas at kailangan pag sapit na ng 8pm, ay nasaloob na ng kwarto.
Napatingin nalang ako kung saan saan so loob ng kwarto ko at napatakbo ulit sa sa bintana ng marinig ko na naman ang mga huni at sigaw ng halo halong boses na parang pinapahirapan, At nagmamakaawa ang mga ito, gusto ko sanang puntahan at silipin dahil curious talaga ako sa nagaganap pa.
"Pati ba naman dito may ganito din na kaganapan!.."
Tumagal pa ulit ng isang oras at naririndi na ako sa mga sigaw at pag mamakaawa ng mga naririnig ko.
Hindi kona talaga matagalan ito hirap din na magbingibingihan ako sa mga nangyayare dito kailangan ko makita at malaman ano ba talagang nagaganap sa mga bihag nila at bakit ganun, hindi ko nakikita ang ginagawa sa kanila pero ramdam ko ang sakit na dinadanas nila, lalong lalo na yung tinig ng isang babae na tila nag mamakaawa na hwag daw syang patayin, at bukod duon parang ginagahasa yung mga babae na tatalo, at hindi lang iyun dahil pati ang halakhak ng mga kalalakihan ay naririnig ko at tuwang tuwa sila.
Wala na akong sinayang na oras at panahon kahit dinadaga na ako ng takot at na nginginig ay pilit parin akong lumabas ng kwarto, madilim ang buong bahay paglabas ko, mahina akong naglakad at nagtungo sa kusina na kung saan may pintuan din pa puntang likurang bahagi, pero bago paman ako umalis ng kwarto ko ay kinandado ko muna sa loob para kung sakaling maytitingin ay hind I nila mapapansin na lumabas ako ng silid ko.
Tanaw ko mula sa tinataguan ko ang ilaw na nagmumula sa hindi gaanong kalakihan na bahay a that rinig na rinig ko ang sigaw at pagmamakaawa ng mga taong binihag at halakhak ng mga lalake.
Bigla ko napaisip na " Naruon kaya si Yung Master, bakit niya ginagawa ang mga ito anung dahilan nya?.."
nakaduko lang ako at nakaupong gumagapang papalapit sa bahay na iyun at patagong tinatakbo ang halaman na makikita ko kung saan pwd ako magtago, bigla nalang ako napatigil ng sa pagtakbo ko ay isang tigre ang nakaharap ko at galit na galot ito sakin habang may dugo ang mga bunganga nito na tipa kakain lang ng pagkain.
Saglit akong na istatwa sa kinauuouan ko ng magkatitigan kami ng tigre at sobra na ang takot na nararamdaman ko ng oras nayon at kahit gusto kong tumakbo ay paniguradong hahabulin ako nito at hindi ako titigilan at nasisigurong katapusan kona talaga dahil lumabag ako sa bilin ni Yung Master at malalaman nila na may tao dito, kung hindi naman ako gagawa ng paraan mamatay akong takot at at lalapain akong tigreng ito, na parang gustong gusto na akong atakihin.
Sakto naman nakakita akong ng bakal na tubo sa gilid ko at kinuha ko ito, napaatras naman ang tigre ng makita ang bakal na hawak ko at ang ampota biglang nag sisigaw.
Mas lalo naman akong kinahaban ng makita ko ang paglabas ng mga tauhan ni Yung Master at sinusuri ang tigre na nag iingay, halos panawan na ako ng ulirat ng makita ko ang leon na naglalakad patungo sakin, halosmaduwal ako ng may makita ako na bitbit nitong isang pugut ulo ng isang lalake.
Nagsimula ng lumapit ang mga tauhan nito at gulat na gulat sila sakin ng makita ako. Kasabay nun ang pag sigaw ng galit na boses ng isang barito na nasisiguro kong si Yung Master ito.
" Back of??!!, Hayaan nyo siya, ako na bahala sa kanya!.." Sigaw nito sa nag ngingit ngit na tinig na parang nagliliyab na apoy ang boses sa galit.